5.19.2007

Mutya ng Pasig... Shunga sa Umaga, Shunga sa Gabi

This is the first time I'll be writing an entry with the use of gay lingo. We'll see if I can pass for one hehe. Thanks to Wanda's blog! The events happened May 9, 2007.


Mahirap talagang may biglaang umaabsent, mapipilitan kang mag-substitute ng wala sa oras. Kase naman, absentee voting ang julalay ng sisterette kez sa opis, so go naman ako sa opis to the rescue with matching shining armor. Kesyo may demanda ang efek ng julalay sa Supreme Court kaya always absentee voting ang lola. There's this application na kailangang maiforward sa mayor's office ng Pasig, akala ni atashi, more more tokiz na akez sa Mayoralty ng Pasig, win sana yon pero wit pala. So may i give instructions ang sisterret sa atashi kung anesh gagawin, givesung everlash ng mga papership na need for the work force, with matching five hundred daw for 'processing fee' (i smell under the table iteyching transaction), at yun, may i fly na ang lolo nyo to the Pasig City Hallness. Aba, palabas pa lang ng door, may i habol pa ng request ang sisterette, 'Kuya, pabayla naman kami ng snacks pagbalik' (maltrato na ata to). According to the sisterette, more more text na lang daw sya ng namesung ng contact nila sa City Hall, they have to ask the gelayching julalayness kung anes ang namesung ng contact nila. 3:30 na kase so kelangan tipirin ang timeline. So go with the byahe. Aba, dumating ang text ng ateng, it says:

'Kuya, (mahilig mag kuya sa akin yan kahit 6 years older sa akin) ndi raw natanong ni julalayness ang namesung ng contact, pero sabi nya nag-iisang boylet lang daw yun sa ofis nila.'

More more isip ang lolo. Aba, ang eksena pala memya, may i ask sa isa sa mga gelaychi sa ofis, "Miss, pwede makatokiz ang nag-iisang boylet sa ofis nyo?"

Kakalokah!

Magrereply sana atashi sa sisterette, aba, 'check operator services'.

May dumating na bagong text galing sa sisterette, 'Kuya, naka apple green na polo daw ang otokong contact namin'

Sis, colorblind atashi, forget-me-not mo na?

So go lang sa byahe. Ndi na knowie atashi kung anes ang gagawin, more more emotelya na sa fx, windang-windangan ang efek, at ang background musical, 'Sige, ikembot, sige ikembot, ikembot mo all around/the time (wit ko sure ang lyrics churi)'.

So here comes the Pasig City Hall. Adorable talaga ang design ng hall, with matching columns ang efek kaya greek-greekan edifice ang drama. May i pasok na atashi sa hall, hanap ng ofis according sa instruction. Super silip sa window atashi.

NYAAAAAH! Puro boylet and nasa loob!

Wait lang, relax, may isa pang clue. Ang color ng shirt, kakaiba, lahat naka gray ng polo-barong, ang contact nila ay naka apple green na polo(may i check pa akes ng inbox para sure manure). So go sighting-sighting sa all around.

Ay, may naka apple green polo na mathunder na otokoness! (or so i thought). More more lapit ang lolo sa otokobelles. May hawak na papership gaya ng dala ko at may mga kausap na mashondaness ding otokobelles. Alleluiah! Sya na nga!

Ako: Sir, ako po yung pinadalang assistant ni (julalay), here's the papers that you need. And here's the... (dudukut ng andalulu sa pocketbelles)
Otoko: I'm sorry?
Ako: Sir, Miss (Julalay) will not be able to come today. She asked me to forward to you these papers for the Mayor's permit and here's the processing fee (sabay abot ng anda at paperlash)
Otoko: Who's that? Miss....?
Ako: Sir, Miss (Julalay , nilakasan ko ng konti), from (Namesung ng company).
Otoko: (Malumanay ang boses, though medyo yamot sa akin, mukha kseng nagmamadali) I'm sorry iho, I don't know her.
Ako: But sir, you talked yesterday right? For the mayor's permit?


Sumagot ang kausap nyang otokobelles: 'iho, he's also an applicant for that, he's a taxpayer'

Tumigil ang mundo ko. Gusto kong magevaporate that instant, Swwwweeeeeeaaaaaaarrrrrrrr!
After a million mornings na apology, pinagpapawisan akong umexit sa city hall, wit na care kung naka aircon ang city hall. Finders keepers ang lolo nyo ng fone booth, kaso out of order lahat. May nasight atashi na 5pesos/3mins payphone, na naka-combo ever sa mga palamig, turon at puto. May i tawag sa opis ng sisterette, more more narration sa mga naganap. Bet pa ng sis kes na tumawa dat tym, (imbey ng konti dvah)?

After the call, more more stroll ako sa facade ng city hallness, balisa. Bakit parang may nakalimutan ako??

Ay Poooooooootaaaaaaahhhhhh! Nakalimutan ko magbayad sa payphone!

Go back agad atashi sa opis ng sisterette.