"Isa ang pagbibiyahe sa mga pakikipagsapalaran ng buhay na pinakamarami kang matututuhan..."
Sa limang taon ko sa kolehiyo, isang kanim (1/6) (o diba, tinagalog ang fraction?) ng buhay ko eh ginugol ko sa byahe. Kung may dalawang daang araw sa isang taunang pasok, sa loob ng limang taon, may isang libong araw akong pumasok. Ibig sabihin, isang daan at animnapu't pitong araw akong nagbibihaye... parang limang buwan at kalahati kong binagtas ang Pasay, Parañque, Makati, Mandaluyong at Pasig upang makapasok at makauwi. Wala naman akong magawa, ayaw naman akong payagan na magboarding house, kesyo malapit lang naman daw, kaya naman umiwi, ndi kayang magbigay ng lingguhang baon at kung anu-ano pang dahilan. Hala sige, sige, magbibiyahe na lang ako! Fayn! Buti na lang dalawang daan ang baon ko... (aba dapat lang no?)
Sa bawat byahe, isang karanasan ang nakalaan. Maaring kaiga-igaya o karima-rimarim, matatandaan man o makakalimutan, nakakahiya man o nakakatawa, isa ang pagbibiyahe sa mga pakikipagsapalaran ng buhay na pinakamarami kang matututuhan. Heto at ilalahad ko sa inyo ang ilang sa mga naranasan ko at ilang mga nakaugalian ko sa pagbibiyahe.
Mga nakaugalian...
Sa bawat byahe, isang karanasan ang nakalaan. Maaring kaiga-igaya o karima-rimarim, matatandaan man o makakalimutan, nakakahiya man o nakakatawa, isa ang pagbibiyahe sa mga pakikipagsapalaran ng buhay na pinakamarami kang matututuhan. Heto at ilalahad ko sa inyo ang ilang sa mga naranasan ko at ilang mga nakaugalian ko sa pagbibiyahe.
Mga nakaugalian...
- Borlog borlog... Sa dami ng mga ginagawa sa skul, bilang ang oras na makakatulog ako sa bahay pag-uwi. Maraming beses na masaya na ako na nakatulog ako ng apat na oras. At ang mas masama, naranasan kong walang tulog. Pagkatapos na gagawin sa bahay, diretso ligo at pasok, walang tulog. Sa mga panahong ganito, san pa pinakamainam matulog? Saan pa, edi sa byahe! Nakakatulog ako ng nakaupo sa ordinary bus, minsan nakatingala at bukas ng bibig (kakakahiya to pwamis!), at natutuhan ng katawan ko na magising kapag malapit na akong bumaba. Parang magic, pagdilat ng mata ko automatic na sasabihin ko, "sa tabi lang po".
- Pasaway para sa pasaway. Ayokong pumipila sa mga istasyon ng jeep o fx. Yung mga colorum pa nga minsan ang mas gusto kong sakyan, kase mas mura na maningil, alis agad pa! Malas nga lang pag may nakahuling blue boiz... (lipad ang 500 pantubos ni manong sa lisensya... tsk tsk). Tulakan, siksikan ang balyahan, hah, ano pang ndi ko naranasan?
- Music, please? Kung ndi ako nagmamadali, naghahanap ako ng sasakyang may radyo, boring kase kapag walang music ang sasakyan, ahahaha minsa sa fx, kahit na may signboard, bubuksan ko pa ang pinto at magtatanong, "Manong, Sucat po?" pero makikinig lang pala kung may radyong nakabukas. Hahahaha. Minsan, lahat ng pwedeng masakyan paparahin ko pa, tapos tatagilid para lang marinig kung may music. Kapag wala, iiling na lang, kunwari nagkamali ng pinara. Hahahaha.
- Gentleman no More. Kapag sumasakay ako sa LRT / MRT, being a gentleman isn't always a choice. Gentleman lang ako sa mga buntis, madre at sa mga babaeng mas maraming dala sa akin. One time sumakay ako sa Taft, shempre first station so big ang chance na nakaupo. I was in first year then so ang dala ko, drawing board, t-square, at isang malaking bag. Sa Magallanes, may sumakay ng girl, in her late 20's siguro, may pouch bag na dala, nakaporma, mukhang gigimik. Rush hour nun so Magallanes pa lang, siksikan na ang tren, sumakay ang girl at pumwesto sa harap ko. Nararamdaman ko na agad na gusto nyang kunin ang inuupuan ko, from her stares. Ndi siguro nakapagpigil, she blurted out, "Can I take your seat? Nangangawit na kse akong tumayo eh" ABA! Ang kapal! Isang pirasong pouch bag lang ang dala nya, samantala ako ndi na magkandaugaga kung paano dadalhin ang mga gamit ko, kukunin pa upuan ko? Eh dahil umatake ang gentleman effect ng lolo nyo, pinaupo ko ang girl, pero sya lahat nagdala ng gamit ko. Bumaba ako ng train with the girl cursing me for the bruises she recieved from carrying my things. Bwahahahahaha!
- Ma, Bayad ho. Sa mga ordinary bus, i'm a frequent abuser of the Student Fare ordinance. Aba, kailangan ko magtipid ng baon bah?! I would still pay minimum even if the bus travels 5-8 kilometers, 1-4 kms exceeding the minimum fare. Once lang ako nahuli, observant kasi yung kunduktor, pero okey lang, dami naman nyang dinayang pasahero. Pati senior sinisingil ng regular fare? Bastus na bata yun...
Ilang mga hindi ko malilimutang karanasan sa byahe...
- Egg roll sa Edsa. From an fx, bumaba ako sa Buendia station ng MRT, marami ksing sasakyan dun papuntang MOA, sa may Toyota Edsa ako bababa sasakay ng fx byaheng Sucat. Dahil sa kailangan kong magmadali, yung naunang bus sa fx ang hinabol ko. It was a Rainbow Bus, pansin naman sa kulay pa lang ng bus, dalawa yung pintuan, so sa likod ako sumakay. Kaaangakas pa lang ng isa kong paa sa estribo, aba'y biglang umandar ang bus, buti na lang nakabitaw ako sa handrails, baka nakaladkad ako. Ayun, umikot-ikot ako sa ginta ng Edsa, about three revolutions as I remember. Eksaktong pagtigil ko sa paggulong, nakita ko yung sumunod na bus, just five feet away, mabilis daw nakapagpreno, or else nabangga ako. Grabe, it was like a second life for me. Later that day, I realized, 'ndi ko pa oras'.
- MRT Boobies. I was a freshman that time, I'm with an old skulmate back in highschool who happens to be my classmate in College. Sumakay kami sa Taft MRT, at shempre dahil rush hour napuno agad ang train. Then came Ayala, two office girls went in, shempre siksikan so ndi maiiwasan na magkakasikuhan. Ung isa mga mga office girls, umaray, then looks on the other office girl. Maya-maya, pag-alis ng tren galing ng Buendia, out of the blue, one of the office girls blurted, "Nakakainis ka naman Miss, ikaw pa itong may ganang magalit, ikaw na nga itong nakasiko ng dede ko!" Napalingon lahat, and then I saw, puro lalake ang nasa paligid nila. Then my girl friend told me, "Ano ba to, siksikan, naiipit ang boobs ko sa handrail!" Yahahahahahaha
- From Munity to Muntinlupa. A historic event also made my travel three times worse. Sumakay ako ng bus sa Edsa papuntang Baclaran for a Rizal subject trip to Fort Santiago. Salamat sa Oakwood Mutiny, the bus detoured to c5 and exited SLEX. Ang bagsak, Alabang. Grrrrr....
- Crash Courses. Twice na mayroong accident na nangyari sa sinasakyan ko, and both are jeepneys, byaheng Antipolo - Crossing. One was hit by a van that was hit by a 16-wheeler, one was hit by an RRGC Bus. (Lintek, sarap ng tulog ko nun eh...)
- Road Meat. This the last thing any traveler would want to see in a travel; dead bodies. If you still remember the C5 accident, with the mushed body of a biker that came spreading through emails (and i guess it was an attraction to Orgish.com), I was TOO unfortunate to see that, and guys, a week after that ako nakakain ulit ng meat. One was in Taytay, Rizal, wherein an fx driver's bloody corpse slain by a holdupper was lying on the side of the street. The suspect was being chased by gunfires, which elevated the situation. My heart skipped a beat everytime the gunshots sounded. Another one is the burning van along Roxas Blvd. I heard the van exploded and burned and I unfortunately passed there when the burnt bodies of the van were being recovered. Whew, memories...
Ayan po mga kaibigan, sampu sa mga kwentong byahe ko.
Naalala ko tuloy ang linya ng isang character sa movie na Cars: "In a journey, its not the destination that's important, but the journey itself."
Maligayang paglalakbay sa lahat!