"What I tell you in the dark, speak in the daylight; what is whispered in your ear, proclaim from the roofs." (Matthew 10:27) "Kung may iniisip ka, ilabas mo, baka mabaliw ka nyan. Kung may nararamdaman ka, ilabas mo din, magkakasakit ka nyan." (Boone 6:10)
10.07.2009
Minsan.. Ako'y Tumikim
Kapag sumenyas na ang mga teacher ng HRM ng ganyan, ipagdarasal mong hindi ka pa nakakain ng dinner or lunch...
Sisigaw ako ng... Congratulations!!!
Pinatatawag na ako ni Ma'am para magevaluate ng mga luto ng mga students ng HRM. Yehey! Makakatikim nanaman ako...
Appetizer...
Main Course...
Dessert...
Beverage...
Ayos! Hindi na kailangan bumili ng pagkain sa kantin. Libre na, masarap pa...
"Tikim tayo pre..."
11.15.2007
Of License and What Nonsense?
Boone: Sir, if the force across the tube acts perpendicular to the cross-section, possible po ba na makuha natin ang longitudinal... longitudinal... uhh...
Prof: Yes, Mr. Grava, what is it? Kaya mo yan.
Boone: Sir, (stammers) the longitudinal... ahh... forgot the term...
Prof: Longitudinal what?
Boone: Longitudinal... (pause) Longitudinal chuvaness..
(Class laughs)
Prof: My God, Mr. Grava, What is chuvaness?
But its sad to know, not everyone appreciates getting a license as much as we do. In fact, there are a few who despise it.
I can still remember an article from the school newspaper entitled "What's With the Title?". The article points out that most titles earned by people are made to boost their ego. Also, its states that titles made people invincible to blames and judgement in times to lapses and wrongdoings. Naturally, most leaders and popular people are the target of the propositions. If the writer of the article would just see me now, he'll definitely react. (by the way, the writer is a homophobic)
"Engineer nga, bakla naman. Magtago ka man sa titulo mo, bakla ka pa rin!"
"Engineer kuno, chuchupa din yan!"
"Ano naman kung maging engineer sya? The hell I care!"
O diba, kung hindi uminit ang ulo mo sa mga ganyang banat. I actually hear the writer say that to one of the engineering students who was allegedly gay. (Take note, alleged lang, wala pang patunay. Nalaman ko lang recently hahaha.) Pero nonetheless, the words are truly disturbing and really irritating. Kamusta naman ang pagiging judgemental ng taong ito, diba? I also have a few bad memories comes with this man, because he backstabbed me as well during the COllege days, sexuality din ang topic. Good thing, wala na sa school ang writer na yun years before I graduated, but I'm afraid I'd have to meet him again when I traverse the aviation industry. He works in one of the prominent airlines, and his work includes travels and visits to all aviation related companies. Sigh.
Nevertheless, with those people bahind me, a believer or a hater, no one can stop me from reaching my dreams. This license that I'm trying to acquire is just a stepping stone for me to extend service to the industry and to the Motherland as well. Professionalism has its final ticket at my sight, and we all take the challenge and dare to face and grab it. True, not everyone can have the benefits one license holder can have, but the responsibility and challenge that surrounds the license is more than a lifetime's worth. Sounds dramatic? Patriotic perhaps? Hmm...

8.24.2007
Behind Enemy Lines…
Friday night na nanaman.
Bukas mas maaga ako dapat magising.
Tatahak nanaman ako sa mas mahabang byahe.
Mas malayong lakaran.
Para muling mag-aral.
Malapit na ang board exams. Shempre, after months of stagnant knowledge, kailangan ng konting refreshing para ready na sumabak for the licensure exams. Imagine, five years of learning to be compacted in three months of review. Pigaan ng brain cells ito.
Stressed talaga ang feeling ng may work at nagaaral in one. Ay hindi pala, nagmumuling-aral pala. Physical stress sa work, intellectual stress sa review. Kamusta naman? Emotional output na itu. Kaso wala. Walang maramdaman.
Charut. Hahahahaha...
Kailangan, praktikal na.
Hindi na pwedeng paguran at pahirapan moments.
Kailangan fast, reliable at simple ang buhay.
Hindi dapat laging nasa agos.
Ayan ang mga prinsipyong naghatid sa akin sa pagpapasaway.
Kailan nga ba hindi ako naging pasaway anyway?
In fairness, most of the topnotchers ay nanggaling sa skul namin. Kaya proud ako at dun ako nagaral sa Alma Mater Dolorosa ko. Though medyo malayo ang skul, malayo talaga ang skul. (Wahahahaha ano yun?) Kaya wala akong choice kundi sa katunggaling skul ako magrebyu.
Yes mga kapatid!
Sa kalabang skul ako ngayon nagrerebyu. Mas malapit kasi. At the same fee, menos pagod at gastos. Malapit lang. madali pa ang access ng travel. Hindi na RORO. Sakay baba sakay baba. Haggard kaya. Tunaw na ang bagong paligong aura. Sagap na lahat ng alikabok at polusyon bago makarating ng skul. Dito sa kalabang skul isang sakay lang. Aircon pa ang sasakyan. Sarap.
Ngayon ko narealize na angat ang Alma Mater Dolorosa ko pagdating sa venue. Hindi bahain. Malayo sa kabihasnan kaya tahimik at matiwasay. Noong pumapasok pa ako, the only thing you can hear outside is the chirping of the birds at the noisy grazing of the goats. May bukirin kasi sa tabi ng skul so serene ang ambiance. Malinis. Tahimik. Ang katunggaling skul, nasa ilalim ng riles ng tren, kaya laging maingay; nasa tabi ng ilog kaya laging bahain at higit sa lahat, nasa puso ito ng urban jungle. Magulo, maingay, matao. Pero magkaganunpaman, ayos lang, try naman natin ng ibang flavor. Adventure ba kumbaga.
Pero nabalitaan ko, isang prominenteng university na ang may hawak sa kalabang skul. Kaya bumabawi sila sa facilities. Ang taray ng mga bagong classrooms. Aircon lahat. Glass ang dingding. Whiteboard at marker. 1:1 ang ratio ng mga laboratory materials. Automated ang mga CR’s. May ilalaban na talaga. Yun nga lang, hindi pwedeng ilipat ng location ang skul. Wahahahaha.
Pang-apat na linggong review class ko na as of tomorrow. Mula 9 am till 5 ang review. May libreng lunch meal courtesy of the floating canteen (float ka muna bago marating ng canteen kung high tide).
Kailangan karir-karir ang pagrereview. Andyan ang gabundok na reviewers, mock test papers na kahit apat na choices ang pagpipilian, parang walang sagot. (Hahaha tinamad magsolve!) Andyan din mga sangkatutak na handouts na limpak-limpak na impormasyon ang laman. May iba ngang nababasa ako, hindi ko matandaang narinig ko nung nasa kolehiyo pa ako. Kaloka! Diniscuss nung absent ako? O bagong discovery ala National Geographic? Ang ugali ko pa naman, kapag nakarinig ako ng bagong term, mahirap maalis sa isip. Umuukilkil. (Hahahaha what a term!) Kahit walang kakonek-konek, kailangang maiapply sa pang-araw-araw na buhay, para lang maalala. Ewan ko ba, nagloloko na kasi ang memory system ko. Madaling nang makalimot. Stressed induced? Might be.
At times pa, kung saan pa pinakabasic ang knowledge, dun ka pa nagkakamali. Palibhasa, kinarir kung kinarir nung nag-aaral pa. Kaya ngayon, akala ko chipipay na magsagot ng simpleng algebra at trigo. In fairness naman, nasasagot ang karamihan. Pero may mga items talaga na may shunga proportions. Simple na nga lang,
Ito ang masaya.
Halu-halong students ang nagrerebyu. May mga bagong graduate, may mga nagtake na pero hindi pinalad nung nakaraang board, at meron naman PhD na sa rebyu. Iba-ibang skul nanggaling. Buti na lang, higit na nakakarami ang mga schoolmates, kaya less OP status. Meron pang mga tumawid ng isla para magrebyu. Sama-sama yan sa isang classroom. Iba-ibang style ng turo, iba-ibang approach sa lessons. Kanya-kanyang dala ng pangalan ng skul. Ang goal, kailangan itayo ang bandera ng skul na pinanggalingan. Hidden competition itu.
Since college days, mahilig talaga akong makidebate sa professor kung medyo saliwa na ang information. Maganda at magalang naman ako mag-approach sa professor. At may sense. Diyan ako naging controbersyal. Lalo na kapag alam kong tama ako, kailangan mailabas ang totoo. Mahirap naman na kahit mali-mali ang itinuturo ng teacher, iaabsorb na lang ng students. Kung nasa DepEd siguro ako, maraming libro ang hindi mailalathala. Wahahahah demonyo mode itu.
One time, may nakita akong
Nung bumalik ako sa upuan, sinusundan ako ng tingin ng mga taga-ibang schools. Malalim at matalas. Halatang intimidated. Or perhaps culture shock. Nakakita ng malditong student na may kabugan moments with the professor. Ang mga skulmates, aprub naman sa action ko. (O perhaps sanay na sa akin? Wahihihihi) Sabi ni bestfriend ko na Magna Cum Laude na nagrerebyu sa Alma Mater Dolorosa, “hindi ka talaga nagbago…”
Pero shempre, behind all these, dulo pa rin ng ballpen ang magsisilbing hatol kung dapat ng nga akong makakuha ng lisenyang limang taon kong binunong makuha.
God bless na lang sa akin at sa lahat ng mga reviewees!
See you all sa finals…
6.26.2007
Raptusinco! Part 5
Three hundred and sixty five days has passed since I wrote the first article in this blog. I could still remember trying to figure out what to write, how to design the blog ang how to use the site per se. I laughed, I cried, I shouted, I fell in love, I reacted on current events, I resented through the words and pictures. Months had passed without any updates and entries due to harsh schoolwork and organizationwork. Thanks to a dear friend, Wanda’s blog came my way. His quips on his queer life inspired me to rekindle my literature. My fire for writing came sprouting again, looking for fresh ways to be unleashed and thoughts to be laid in words. Tempus Fugit, really. I can’t believe that one year has passed with me and my blog.
For this anniversary entry, I would like to enumerate five of the most influential groups of people that marked something, in a way or another in this crazy life of mine. God has a great purpose why these people came into my life, and to commemorate them is the purpose of this listing. And now, for the list… tanananan tanan…
1. PATTS Universal League of Singing Enthusiasts (PULSE)
Mi-me-mi-ma-mi-mo-mu-mu... Mi-me-mi-ma-mi-mo-mu-mu... Mi-me-mi-ma-mi-mo-mu-mu-mi-me... Una na shempre ang pinakasisinta kong choir, kase I just left them. Intentionally, habang ginagawan ko ng article ang PULSE as of the time, I’m listening to one of the recordings (Shala, no?) of the choir, which happens to be a personal favorite, “Give Me Wings”. The lyrics, especially the chorus are just so striking to me
Give me the wings, of an eagle I will soar, into the skies.
Give me strength, to hold a brother’s hand, as he’s passing by.
Give me the eyes, of tomorrow, let me see, what I can find.
If you lead me, I will follow now, give me wings to fly.
Paano ko ba naman malilimutan ang choir na ito? Eh sila ang nagsave sa akin back when my studies in Aero are making bad turns. Aside from the fact the mahilig makakakanta ang mga tao sa group na to, lahat sila eh mga close friends ko. There goes the Babies (ang mga Altos) na super sweet and caring and really united, the Sopranos na lagi kong ginagaya (Ilusyunadang Soprano nga daw ako eh sabi nila, kamusta naman ang falsetto nyahahahahaha), the Tenors na naging pakana kung bakit Boy Piyok ang isa pang tawag sa akin (Balutin mo ako…) and or course, ang mga kabaro kong Basses na lalaking-lalaki (pre, walang bakla sa bass huh.. pakiss nga wahahahahahaha) na ang mga boses, gwapong-gwapo pa, ang aming knight in shining gums na si Richard (The conductor / trainor) at ang mga advisers na sina Ma’am Rish (na long time kachokaran ko na.. since wala pa ang PULSE) at ang Tatay namin, si Sir Deo. Tinagurian pinakamaingay kaming organization (malamang, kasi kumakanta) basta nagkasama-sama ang mga yan at walang magawa. Sila lang ang nakakatawag sa akin ng Baboone at Boonita (adik sa pangalan, diba?) They are the ones who thaught me to be strong not by being alone my myself, but by having the people around, standing by them and learning from the worst in life while sharing the gift of the soul. Music.
2. The Aeronautical Engineering Batch 2007
Eto naman ang mga kasangga ko sa kursong Aeronautical Engineering. Limang taong naming sabay-sabay na tinahak ang daan patungo sa graduation at eventually, to Engineership (SHEEEEET srap pakinggan). Mula sa pitong section na halos 40 students per section, nareduce ng nareduce hanggang sa maging 70+ na students ang nakapagtapos nung March.
Kamusta naman ang limang taon mga pre?
Mula sa Algebra hanggang sa Design 2, Comm. Arts hanggang sa Engineering Business Correspondence. Sa mga kopyahan ng quiz, nakakalunod ng mga photocopies, REPORTS (kaya laging napupuyat), projects, laboratories (na mostly wala namang ginagawa), sa mga Prelims, Midterms at Finals, Foundation Days, Christmas parties, inuman, iyakan, laugh trips, bahingan (go Ellyn! Woooooiiiiichuu!), DotAhan, WoWan, AEROtours at Hot-Air Balloon Festivals, Mr. and Ms. PATTS, Graduation Ball at marami pang iba, salamat sa mga memories. Sa OSA, Registrar, Accounting, Cashier, Clinic, Canteen, Gymnasium, Chapel; salamat sa pagsuporta at pagtulong. Sa T-square, Techpen, french curve, scientific calculator, notebooks, binders, ballpens, flexible curve, triplus (Plugging!); salamat sa mga oras na pinagsamahan; puyatan, pagrurush, paghaharot (nyahahahahaha). Sa mga propesor na nagbigay ng kaalaman sa loob ng limang taon, hindi kailanman matatawaran ang ginawa nyo sa amin. Walang halaga ng pera ang kayang ipalit sa mga pangaral sa buhay na binahagi nyo. Sa mga naging bahagi ng AERO, PSC, PFA, Aeroscope, naging Summa, Magna at Cum Laude, Platinum at Silver Wings Awardee, I’m so proud of you guys. You made my stay in PATTS worthwhile and to be cherished throughout my fuckin life.
3. Cute Boys in Town (CBIT)
Marami ang nagtatanong kapag nakita ang contacts list sa fone ko, “Ano ibig sabihin ng CBIT?” O ayan, nasagot na rin sa wakas. This is a group of open-minded individuals (pasosyal na term para sa mga queers ahihihi) who believes in wholistic (thanks to kuya Rex for this term!) approach in love. This organization believes in the sanctity of sex and long-term relationships (ayaaan, kaya forever na single! Wahihihi). Every GEB, ang sarap ng bonding moments. Walang boring times. Kung saan saan nang nakarating ang mga gatherings; Malate, Antipolo (Hinulugang Taktak),
Iba talaga ang bonding kapag may common denominator kayong lahat. Makakarelate kasi ang bawat isa sa mga experiences and situations ng bawat isa so, if someone needs a hand, to the rescue lahat.
Maraming bagay na maaring hindi kayang intindihin ng iba ang syang nagbubuklod sa aming lahat. Pandirihan at libakin man kami ng buong mundo, hahaharapin namin ito ng nakataas ang ulo at kilay (joke!). Its been very inspiring what the founder, Kuya Rex told us,
“Ang pagiging bisexual o bakla eh nasa iyo na, simula pa lang. Ikaw na ang makakadiskobre kung kalian. Pwede kang mamili. Tanggapin mo ang pagkatao mo at maging totoo sa sarili at sa iba, o habang buhay kang manatili sa buhay na puro pagkukunwari at pagbabalatkayo. (Shhhheeeeetttt ang lalim nun pre!) Ito ay ang bigay sa atin ng Diyos na pagkatao, isang regalo. Kung paano natin ito tatanggapin at sasangkapanin para makatulong sa iba at sa ikabubuti ng nakakarami ang sya nating handog sa Kanya.” Bow!
Dalawang taon na rin ang lumipas noong mabuo kami. Hindi man kami nagkikita dahil sa trabaho at kanya-kanyang buhay, I know that the spirit of the principles of CBIT is still embedded in the hearts of the members.
4.
Unique as it is, 4-St. John was the home of the so-called Homo 2 students from
Agidon is actually the tagalong term for
You read it right, folks, CAT officer ako nung high school!
I’m the Corps Operations and Intelligence Officer S2/3. Katuwa nga eh, direct opposites. Isang tahimik at isang maingay na officer, pinagsama sa iisang tao (kaya ako natuto ng double personality… toinks!). Resourcefulness, courtesy and hardwork are three of the things I learned from CAT. Hangga’t may paraan, gawan ng paraan! (ahihihi make sense?) Kapag may dadaan, greet mo ng “Sir, Good Morning Sir!” Kahit hindi si Ser Venson (the commandant). Naalala ko tuloy pati principal na babae, one morning nabati ko ng “Sir, Good Morning Sir!” Sayang, snappy pa naman
5. The Magic Ten…
Beauty contest?
Hindi po… Sila ang sampung taong tumatak sa puso ko! (YAAAAK baduy but true!)
Maniwala po kayo o sa hindi, sampu na po ang taong dumaan sa buhay ko na nag-iwan ng kurot sa aking matigas na puso (Ta***na ang baduy talaga!) Huwag nyo na tangkaing tanungin kung ano at sino-sino, for their own safety and privacy. Sila yung nagbigay kulay sa aking mapusyaw ng pagkatao. Binigyan nila ng mas malalim na kahulugan ang buhay ko. Saksi ang ilang lugar sa mga pag-ibig kong isiniwalat; Baywalk, Wildlife, Luneta (swear totoo po yan!), Pasig Cathedral. Tanging mga alaala na lamang ang aking tangan sa bawat pag-ibig na yan. Naramdaman ko na marunong pala ako magmahal at pwede pala akong mahalin ng isang tao sa kabila ng pagkukulang at kapintasan ko. Kahit na paano, naranasan ko na palang humamak ng dahil sa pag-ibig. Kailanma’y may mga alaalang laging magpapatibay ng kasabihang.
“O pag-ibig na makapangyarihan, kapag Ika’y nasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat, masundot ka lamang…”
Anu daw?
Oist, bad yan iniisip mo kapatid…
Should you think you, my reader doesn’t include in any of the five, don’t you worry. Being a reader has made you some life “kakarelate” experiences closer to me, ok?
Till the next Raptusinco!
Ngapala, Happy Anniversary Frozen Sonatas; Blazing Chants!!!
More entries to come!
5.29.2007
College Memoirs.. The Five-Year Journey
"Just when we think life has passed us by, it is but great to look back at the things that made the person we are today."
Freshmen: the noobie
No pictures yet or perhaps none that I have. But I could still remember trimming 7 BS AeE sections into 5 in just a semester's time.
Sophomore: the Aeroscope EIC

First shot for Aeroscope (induction of PFA officers '03 - '04)









Paolo and I

Formal Wear Christmas Party at Aviles Residence
Senior: the Pasay-Parañaque Transition





Bus Passengers...






Lab Rats 3! The Adams Family... Ahihihi






BS Aeronautical Engineering Batch 2007
TILL WE MEET AGAIN!!!
Photo Credits:
Diana Kay Ella
Osman Ceasar Aviles
John Filemon Torres
Ellyn Guadaña
Boone Grava