6.26.2007

Raptusinco! Part 5


Three hundred and sixty five days has passed since I wrote the first article in this blog. I could still remember trying to figure out what to write, how to design the blog ang how to use the site per se. I laughed, I cried, I shouted, I fell in love, I reacted on current events, I resented through the words and pictures. Months had passed without any updates and entries due to harsh schoolwork and organizationwork. Thanks to a dear friend, Wanda’s blog came my way. His quips on his queer life inspired me to rekindle my literature. My fire for writing came sprouting again, looking for fresh ways to be unleashed and thoughts to be laid in words. Tempus Fugit, really. I can’t believe that one year has passed with me and my blog.

For this anniversary entry, I would like to enumerate five of the most influential groups of people that marked something, in a way or another in this crazy life of mine. God has a great purpose why these people came into my life, and to commemorate them is the purpose of this listing. And now, for the list… tanananan tanan…


1. PATTS Universal League of Singing Enthusiasts (PULSE)

Mi-me-mi-ma-mi-mo-mu-mu... Mi-me-mi-ma-mi-mo-mu-mu... Mi-me-mi-ma-mi-mo-mu-mu-mi-me... Una na shempre ang pinakasisinta kong choir, kase I just left them. Intentionally, habang ginagawan ko ng article ang PULSE as of the time, I’m listening to one of the recordings (Shala, no?) of the choir, which happens to be a personal favorite, “Give Me Wings”. The lyrics, especially the chorus are just so striking to me

Give me the wings, of an eagle I will soar, into the skies.
Give me strength, to hold a brother’s hand, as he’s passing by.
Give me the eyes, of tomorrow, let me see, what I can find.
If you lead me, I will follow now, give me wings to fly.

Paano ko ba naman malilimutan ang choir na ito? Eh sila ang nagsave sa akin back when my studies in Aero are making bad turns. Aside from the fact the mahilig makakakanta ang mga tao sa group na to, lahat sila eh mga close friends ko. There goes the Babies (ang mga Altos) na super sweet and caring and really united, the Sopranos na lagi kong ginagaya (Ilusyunadang Soprano nga daw ako eh sabi nila, kamusta naman ang falsetto nyahahahahaha), the Tenors na naging pakana kung bakit Boy Piyok ang isa pang tawag sa akin (Balutin mo ako…) and or course, ang mga kabaro kong Basses na lalaking-lalaki (pre, walang bakla sa bass huh.. pakiss nga wahahahahahaha) na ang mga boses, gwapong-gwapo pa, ang aming knight in shining gums na si Richard (The conductor / trainor) at ang mga advisers na sina Ma’am Rish (na long time kachokaran ko na.. since wala pa ang PULSE) at ang Tatay namin, si Sir Deo. Tinagurian pinakamaingay kaming organization (malamang, kasi kumakanta) basta nagkasama-sama ang mga yan at walang magawa. Sila lang ang nakakatawag sa akin ng Baboone at Boonita (adik sa pangalan, diba?) They are the ones who thaught me to be strong not by being alone my myself, but by having the people around, standing by them and learning from the worst in life while sharing the gift of the soul. Music.

2. The Aeronautical Engineering Batch 2007

Eto naman ang mga kasangga ko sa kursong Aeronautical Engineering. Limang taong naming sabay-sabay na tinahak ang daan patungo sa graduation at eventually, to Engineership (SHEEEEET srap pakinggan). Mula sa pitong section na halos 40 students per section, nareduce ng nareduce hanggang sa maging 70+ na students ang nakapagtapos nung March.

Kamusta naman ang limang taon mga pre?

Mula sa Algebra hanggang sa Design 2, Comm. Arts hanggang sa Engineering Business Correspondence. Sa mga kopyahan ng quiz, nakakalunod ng mga photocopies, REPORTS (kaya laging napupuyat), projects, laboratories (na mostly wala namang ginagawa), sa mga Prelims, Midterms at Finals, Foundation Days, Christmas parties, inuman, iyakan, laugh trips, bahingan (go Ellyn! Woooooiiiiichuu!), DotAhan, WoWan, AEROtours at Hot-Air Balloon Festivals, Mr. and Ms. PATTS, Graduation Ball at marami pang iba, salamat sa mga memories. Sa OSA, Registrar, Accounting, Cashier, Clinic, Canteen, Gymnasium, Chapel; salamat sa pagsuporta at pagtulong. Sa T-square, Techpen, french curve, scientific calculator, notebooks, binders, ballpens, flexible curve, triplus (Plugging!); salamat sa mga oras na pinagsamahan; puyatan, pagrurush, paghaharot (nyahahahahaha). Sa mga propesor na nagbigay ng kaalaman sa loob ng limang taon, hindi kailanman matatawaran ang ginawa nyo sa amin. Walang halaga ng pera ang kayang ipalit sa mga pangaral sa buhay na binahagi nyo. Sa mga naging bahagi ng AERO, PSC, PFA, Aeroscope, naging Summa, Magna at Cum Laude, Platinum at Silver Wings Awardee, I’m so proud of you guys. You made my stay in PATTS worthwhile and to be cherished throughout my fuckin life.

3. Cute Boys in Town (CBIT)

Marami ang nagtatanong kapag nakita ang contacts list sa fone ko, “Ano ibig sabihin ng CBIT?” O ayan, nasagot na rin sa wakas. This is a group of open-minded individuals (pasosyal na term para sa mga queers ahihihi) who believes in wholistic (thanks to kuya Rex for this term!) approach in love. This organization believes in the sanctity of sex and long-term relationships (ayaaan, kaya forever na single! Wahihihi). Every GEB, ang sarap ng bonding moments. Walang boring times. Kung saan saan nang nakarating ang mga gatherings; Malate, Antipolo (Hinulugang Taktak), Quezon Circle, Intramuros, Baywalk, CCP, YMCA Makati, Star City (Woooow… Birthday ko nun!!!), Laguna. Kahit na abutan kami ng magdamag kagagawa ng kahit na anong activities at inaabutan pa ng araw, ayos lang, kasi hindi lang basta activities yun, talagang applicable sa pang-araw-araw na buhay (gaya ng kung ano ang da best na lubricant, sex positions.. joke lang!!! Wahahahahahah).

Iba talaga ang bonding kapag may common denominator kayong lahat. Makakarelate kasi ang bawat isa sa mga experiences and situations ng bawat isa so, if someone needs a hand, to the rescue lahat.

Maraming bagay na maaring hindi kayang intindihin ng iba ang syang nagbubuklod sa aming lahat. Pandirihan at libakin man kami ng buong mundo, hahaharapin namin ito ng nakataas ang ulo at kilay (joke!). Its been very inspiring what the founder, Kuya Rex told us,

“Ang pagiging bisexual o bakla eh nasa iyo na, simula pa lang. Ikaw na ang makakadiskobre kung kalian. Pwede kang mamili. Tanggapin mo ang pagkatao mo at maging totoo sa sarili at sa iba, o habang buhay kang manatili sa buhay na puro pagkukunwari at pagbabalatkayo. (Shhhheeeeetttt ang lalim nun pre!) Ito ay ang bigay sa atin ng Diyos na pagkatao, isang regalo. Kung paano natin ito tatanggapin at sasangkapanin para makatulong sa iba at sa ikabubuti ng nakakarami ang sya nating handog sa Kanya.” Bow!

Dalawang taon na rin ang lumipas noong mabuo kami. Hindi man kami nagkikita dahil sa trabaho at kanya-kanyang buhay, I know that the spirit of the principles of CBIT is still embedded in the hearts of the members.

4. Four St. John and PCC Corps of Cadets batch Agidon / Delubyo.

Unique as it is, 4-St. John was the home of the so-called Homo 2 students from Pasig Catholic College batch 2001. Ikalawa man sa lahat ng bagay, from academic ranking to class awards, una pa rin sa bonding ang class na ito. Imagine having 39 girls and 10 boys, kamusta naman yun? I haven’t been to a reunion with the class, but there’s Friendster naman to check on all the gals and guys. I’m not sure kung anon a ang nangyari sa mga classmates ko, hope everyone is doing fine.

Agidon is actually the tagalong term for Griffin, a mythical creature with lion’s body, eagle’s head and serpent’s tail. Delubyo naman means destruction. This is the name of the Corps of Officers.

You read it right, folks, CAT officer ako nung high school!

I’m the Corps Operations and Intelligence Officer S2/3. Katuwa nga eh, direct opposites. Isang tahimik at isang maingay na officer, pinagsama sa iisang tao (kaya ako natuto ng double personality… toinks!). Resourcefulness, courtesy and hardwork are three of the things I learned from CAT. Hangga’t may paraan, gawan ng paraan! (ahihihi make sense?) Kapag may dadaan, greet mo ng “Sir, Good Morning Sir!” Kahit hindi si Ser Venson (the commandant). Naalala ko tuloy pati principal na babae, one morning nabati ko ng “Sir, Good Morning Sir!” Sayang, snappy pa naman

5. The Magic Ten…

Beauty contest?

Hindi po… Sila ang sampung taong tumatak sa puso ko! (YAAAAK baduy but true!)

Maniwala po kayo o sa hindi, sampu na po ang taong dumaan sa buhay ko na nag-iwan ng kurot sa aking matigas na puso (Ta***na ang baduy talaga!) Huwag nyo na tangkaing tanungin kung ano at sino-sino, for their own safety and privacy. Sila yung nagbigay kulay sa aking mapusyaw ng pagkatao. Binigyan nila ng mas malalim na kahulugan ang buhay ko. Saksi ang ilang lugar sa mga pag-ibig kong isiniwalat; Baywalk, Wildlife, Luneta (swear totoo po yan!), Pasig Cathedral. Tanging mga alaala na lamang ang aking tangan sa bawat pag-ibig na yan. Naramdaman ko na marunong pala ako magmahal at pwede pala akong mahalin ng isang tao sa kabila ng pagkukulang at kapintasan ko. Kahit na paano, naranasan ko na palang humamak ng dahil sa pag-ibig. Kailanma’y may mga alaalang laging magpapatibay ng kasabihang.

“O pag-ibig na makapangyarihan, kapag Ika’y nasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat, masundot ka lamang…”

Anu daw?

Oist, bad yan iniisip mo kapatid…


Should you think you, my reader doesn’t include in any of the five, don’t you worry. Being a reader has made you some life “kakarelate” experiences closer to me, ok?

Till the next Raptusinco!

Ngapala, Happy Anniversary Frozen Sonatas; Blazing Chants!!!

More entries to come!

No comments: