6.19.2007

Vocal Flower Power...

Just this morning, while lazily scrolling the boob tube for the usual late morning shows, I happen to catch an anime, entitled Pitch Pitchi Pitch. Hindi ko alam pero nung mapanood ko siya, hindi na ako naglipat ng channel, keri nang maka miss ng episode ng Detective Conan o ng mga reruns ng Wansapanataym (Plugging Neckline itu!). Nakakatuwa naman kasi ang PPP, pinaghalo-halong concept ng Sailormoon, Marina at Pussycat Dolls.

You read it right folks!

Lumalaban sila sa pangalan ng pag-ibig at kapayapaan chuva with singing prowess bilang sandata ng mga heroines. Quartet ang formation, at ang usual drama ng mga characters, terno ang kulay ng damit sa kulay ng buhok at mata at sapatos at necklace at panty at bra at bracelets.

The transformation before kabugan portion with the villainesses reminds me truly of Sailormoon. Galing sa mga little shells sa kanilang necklace ang kanilang cue para magtransform na ewan ko ba kung bakit sobraaaang tagal. Ang kanilang power ay nagmumula sa mga overly designed (may mga glitters and beads itu!) na microphones na parang anime version ng Magic Sing na shempre, sunod din sa motif ng hahawak.

Kapag tapos na ang forty billion years na transform at nilahad na ang one liner (‘Sa ngalan ng pag-ibig at kapayaan, tatalunin kita, kami ang Super Twins!’ na level ba), more more sing na ang all-girl band, which is the start of the ligwakan portion. Shempre, hindi na naghirap na magtranslate ang production staff ng kanta nila in Tagalong, baka kasi hindi tumugma sa tono at timing kaya go, kanta na lang in Chinese version, bahala ka na umintindi basta bawi na lang sila sa projection at flowing shining hair. At dahil sa ganda ng blending at harmony ng mga girls natin, ayan, nagtatakip na ng tenga ang mga kalaban, nakakabingi daw ang music nila. (Bitterness itu!) Hindi pa dyan natatapos ang pahirap sa mga kalaban. Kapag helpless na ang mga contravida, ilalabas na ng leader nila (na mukha talagang kakambal ni Usagi ng Sailormoon, promise!) ang kanyang index finger at lalabas na ang mga little hearts na tuluyang liligwak sa mga kalaban. Shempre, may mga flashback scenes muna ang mga contavida nung time na mabait pa sila and everything bago tuluyang maglaho sa karimlan (ang lalem nun pre, karimlan!)

Bakit ko nga ba hinambing sila sa Marina..? Ah, yes, nagtatranform sila into mermaids! Which reminds me… Underwater pala ang setting ng kanilang labanan…

Tambling muna ako… Kumanta sila sa ilalim ng tubig!!! Taraaaaayyy!!

“Look at this stuff, isn’t it neat? Wouldn’t you think my collection’s complete? Would you think I’m the girl, the girl who has… everything!!"

Wahahahahahaha!

No comments: