6.28.2007

Ang Alamat ng Tseke

Inaantok na ako…

Nagpupumulit nang magdikit ang talukap ng aking mga mata…

Hinihila na ng malambot na kama ang katawan ko…

Pero hindi maari!

Hindi ako makakapayag na lumipas ang isang gabi habang taglay ko ang saloobin nakalakip sa aking pagkatao…

Kailangang kong maisulat ang kwento ko ngayong gabi… ay mali… umaga na pala…

(Anu vah!? May ganung intro pa talaga?)

Nitong mga nakaraang araw, parang nagbuhos ng tangahan ang Diyos at lumabas ako ng bahay na may planggana sa ulo… Andami kong nasalo!

Tuesday yun. Pinapupunta ako ni ate sa UP Manila para magdeliver ng papers. Minamadali ako (as usual) dahil until lunch time ineexpect ang package dun sa patutunguhan. 10:30 pa lang binigay na ang package na idedeliver ko. Dalawang kopya ng cash vouchers at isang cheke. Inispect ko muna. Humingi ako ng envelope para may mapaglagyan at nang hindi malukot ang mga kapapelan. Sinilid ko yung mga papers sa envelope na binigay ni ate. Kumpleto. Tatlong papel. Dalawang short bonds at isang cheque. Bago ako lumabas ng pinto, hinabol ko pa yung isang papel dahil walang pirma dun si ate, unlike the other one. Pirma naman si ate. Minadali nanaman ako, dahil 11 na ng umaga, at manggagaling pa ako ng dulo ng East Avenue at babaybayin ang daan papuntang Pedro Gil. Bitbit ang envelope, kampante akong umalis ng clinic at lumabas ng hospital, with an mp3 player headset stuck into my ear. Naghanap ako ng taxi sa gate ng hospital. Pagkakita sa unang taxing dumating, pinara ko na. Sumakay at nagbigay ng instructions. Pagkaupo ko sa likod ng taxi, tiningnan ko yung envelope. Pagbukas ko ng evelope, sinilip ko ang mga papel..

Isa… dalawa…

????

Isa… dalawa…

Bakit dalawang lang to…?

WALA YUNG TSEKE!!!!!

Dali-dali kong pinabalik ang taxi sa hospital. Tinuro ko na ang fastest way, due to time constraints.

Kuya, dito na tayo sa kanan dumaan, para mabilis, traffic eh. May nahulog yata sa dala ko..

“Saan, ser?”

Sa kanan po…

Palinga-linga ang driver, humahanap ng kalyeng lilikuan sa kanan.

“Ser, baka sa kaliwa?”

Ay, oo, dyan po.

Ngumiti ang driver. Kahit na medyong magandang lalaki ito eh pang-inis ang ngiti. Bakit kaya?

Tumingin ako sa kamay ko…

NAKATURO PALA AKO SA KALIWA, pero kanan ang sinabi!

Pagdating sa hospital, karipas ako ng takbo at hinanap sa buong hospital at clinic ang tseke. Pagdating ko sa clinic, nakita daw nilang lahat na sinilid ko yung mga papel sa envelope. Tatlong papel. Kaya dala ko yun pag-labas ko ng clinic hanggang sa paglabas ng hospital.

“Baka nahulog mo.”

Lintek, babalatan ako ng buhay ni ate!

“Sabihin mo na, para macancel yung check agad!”

Shempre, as honesty is concerned, sinabi ko ke ate. Agad. At shempre, todo sermon ang natanggap ko. Buti na lang pala at company ang nakapangalan sa tseke, para kahit sinumang makapulot, hindi magiging cash. Agad na pinacancel ang tseke at gumawa ng bago. Tsaka ko lang nakita ang amount ng cheque…

P23,000+!!!!!

11:30 na nang matapos ang sermunan habang nagpapalit ng check. Para makasiguro, nung nilagay ko ang mga papel sa envelope, pinaste ko, para hindi bumukas. Lalo akong minadali ni ate kaya karipas ulit ako ng takbo pag-alis ng clinic.

Nang makasakay ako ng taxi, pagkasabi ko sa driver kung saan pupunta (at nagpatong pa ng trenta pesos sa metro, na tinaggap ko na dahil sa pagmamadali), nangangatog ako…

Hindi ko gusto ang eksena kapag nangagatog ako…

Bigla na lang, napaluha ako. Tuloy-tuloy na parang automatic na gripo. Magkahalong pagkapahiya at takot ang nararamdaman ko nang mga sandaling yun. Hindi ko na alintana na halos lumipad na ang taxi sa bilis ng pagmamaneho. Hindi mabilang na mga sasakyan ang nilagpasan namin. 11:45 na, nasa Pantranco pa lang ako. Shempre, hindi maiiwasan na magtraffic lalo na sa España lalo na’t tanghalian, break ng mga students ng UST at magtatawiran. Halos isumpa ko lahat ng bagay na magpapatigil sa byahe, mula sa mga sumasayaw pa kunong patrolman kahit na buhol-buhol na traffic hanggang sa mga estudyanteng para lang naglalakad sa buwan habang tumatawid.

Nung makarating ako sa Taft, ewan ko ba bakit sa may Padre Faura ako bumaba, siguro dahil traffic sa may Pedro Gil nung sandaling yun. Nakababa na at nakaalis na ang taxi ng maisip ko…

TATAWID PA PALA AKO NG PGH BAGO MAKARATING NG UP MANILA!!!

Mabilis ang lakad ko, wala na akong pakilaman kung sino ang masagi, say Sorry na lang, ok na yun. Take note, PGH yun, malawak, nakakaligaw. Wala akong choice kundi magtanong-tanong. Sinasagot naman ang mga tanong ko, pero hanbang dumarami ang pinagtatanungan ko, lalo ata akong naliligaw. Parang maze pala ang PGH, daming pasikot-sikot. Mahapdi na ang mata ko sa mga pawis na tumutulo mula sa noo ko.

Sa wakas, nakarating din ako sa bukana ng gate ng UP Manila na tumatagos mula sa PGH. Ininterrogate pa ako ng guard kung saan ako pupunta. Ok lang sana ang tinanong nya. Pero ung sumunod na hirit nya ang kinairita ko.

“Sir, student ba kayo dito?”

MALAMANG, HINDI! Nakaputi ba ako?

Nung sinabi kong messenger ako, hala, lalo akong hindi pinapasok. At dumami ang tanong ng guard!

“Saan nyo dadalhin yan?”

“Ano yan?”

Para kanino?”

“Pwede po ba makita? Security lang ser.”

Wala naman akong choice. Protocol nga naman.

Sir, para po kay Dra. (Bleeep)

“Ay ganun po ba? Kayo po ba yung sa (Bleep) na maghahatid ng tseke kay doktora?”

Ibroadcast daw talaga na maghahatid ako ng tseke?

“Sige sir, dito po ang daan.”

Drop-the-name lang pala ang formula. Taray naman.

In fairness, classic ang UP Manila. Structures na centuries-old na pero still strong, uniform na all-white, mga students na walang alam kundi mag-aral kahit nakaupo lang sa mga bench..

Na-I-pit-ang-I-pis-sa-pin-to-pi-PING-pi-pi… ahhhh

Na-I-pit-ang-I-pis-sa-pin-to-pi-PING-pi-pi… ahhhh

Na-I-pit-ang-I-pis-sa-pin-to-pi-PING-pi-pi… ahhhh

Ay, taray, PULSE, may UP Manila chapter na?

Hindi. Chorale ng UP Manila pala, nagvovocalize sa isang vacant room.

Awwww… na miss ko kumanta.

Narating ko ang building na hinahanap ko. Tiningnan ko muna sa bulletin ang list ng mga rooms at hinanap ko si doktora. Aba, propesor pala ng UP, no wonder…

Sa kinamalas-malas, lunch time na pala. Naghintay ako ng isang oras sa lobby ng building bago ko naibigay ang envelope kay doktora. Mabait naman siya, tinanggap yung chek.

“Kumain ka na, iho?”

Sa clinic na lang po ako kakain pagbalik ko po.

“Okey, sige, mag-ingat pag-uwi.”

Salamat po. Good afternoon po.

“Salamat din, iho.”

Umalis ako ng UP Manila dala ang isang panata.

Hinding-hindi na ako hahawak ng tseke! Hinding hindi na!

Sa byahe ko pag-uwi, nagtext si ate.

“Kuya, nabigay mo?”

Yes, package delivered to doktora. Ayoko nang maglakad ng mga tseke!

Nagreply si ate.

“Bukas pala, Kuya, pa pick-up ng tseke sa Makati, tsaka ibayad mo na sa Manila Bulletin yung para sa ad natin. Tseke din yun.”

WAAAAAAAAHHHHHHHH!!!!!

No comments: