6.11.2007

Cat Mot-Mot

Meow!

Several months ago, naging host ang aming bahay sa “Cat Petting Program.” In other words, lahat ng pumapasok na pusa sa bahay namin eh pakakainin namin at aalagaan. Hmmm charity project itu. Pero shempre, may hidden agenda. There is a rise in the population of gray rats and cockroaches at the kitchen and bathrooms. Kailangan maibalanse ang ecosystem. Kailangan na ng kitty cat.

Anyway, may naging mga respondents naman. Dalawang babaeng pusa. Isang tri-color na white, black and green, at isang stripped na black at green. Yung tri-color, pinangalanan naming “Mulan” kasi dumating siya nung isang gabing umuulan. Medyo sumirko ata sa kanal ang pusa kaya ayun, balot ng putik ang kawawang pusa. Mega paligo pa ako ng Mulan, although alam kong ayaw nilang mabasa, but since nabasa na sya ng ulan, edi ituloy-tuloy na. Kesa naman dilaan lang nya yun para malinis diba? (Ewwww!!) Ito namang si stripped, we aptly named her “Muning” kasi malambing ito. Hindi ko na matandaan yung mga events nung una syang marating ang aming bahay, all I know was madali kaming naging close. Konting kamot lang sa leeg niya, kalmado na si Muning. At siya yung mahilig magbrush ng katawan sa lahat ng amo nya. Mahilig din sya tumabi sa akin kapag natutulog.

In fairness, mababait naman ang mga kitty cats, medyo user-friendly nga lang at times, especially si Mulan. Kung kailan oras ng feeding time tsaka lang maguuwian ang mga luka-lukang pusa. There were times na medyo playful ang mga kitty cats, na wala na sila pakialam kung Education Book ni pinsan yung napunit o reports ko sa Design. (Kaya minsan muntik ko nang maprito ang mga pusa sa sobrang inis) After kong mamalengke, kailangang ikulong for about 30 minutes sa isang bodega ang mga pusa, kasi nangungulit sa kusina, aakyat sa sink at kakainin ang mga nililinis na isda, manok at baboy. Pero in fairness ulit, very good ang performance ng mga kitty cats huh! Minsan nahuli ko si Muning na may nilalarong kung ano; bubwit pala. Bilang reward, dagdag sa rasyon ng pagkain at may matching kumot pa pag kami ay natutulog na. Si Mulan naman, mahilig manghuli ng mga ipis, keri nang magtatatalon yan basta mahuli lang nga mga flying roaches. (Wag nyo nang makita ang mga amo kapag nagliliparan ang mga ipis…) Weeks passed at ayun, wala na ang mga rodents at roaches. As of now, si Muning na lang ang natira, kasi wala na ata malaruan na ipis si Mulan, naglayas at naghanap ata ng mas maipis na bahay wahihihihi.

Anyway, dito kami naloka ng Buena Familia. One night, while I’m surfing the internet, around 3 am na ata yun, naririnig ko ang Muning na nagme-meow sa labas ng bahay. Deadma lang, baka nakakita ng daga, gusting hulihin. Pero hindi pala, kasi bilang dumami ang nagmemeow. Tila taltong pusa ata ang nagsabay-sabay na nagsalita, conference itu. Deadma pa rin. Hindi ko lang mawari eh bakit halos isang oras na ang lumipas eh hindi pa rin natatapos ang mga pusa sa pagmeow sa labas. At tila nagtrip pa, lumakas at lalong humaba ang meow ng mga pusa. Hindi na conference itu. Rally na. More more labas naman ako bahay to see what’s happening to the outside world, aba, may apat na pusa sa kausap ang Muning, puro malalaking mga pusa, na sa tantiya ako eh puro lalaki. Nasa taas ng bakod ang Muning at nasa kalsada ang ibang mga pusa. Sigaw ako ang “Shooo!!” At away na ang mga malalaking pusa. Binuhat ko ang Muning at binalik sa bahay.

“Marunong ka palang manlalaki Muning huh? Taray mo, apat agad ang papa mo sa isang gabi.”

“Meow!”

Tanghali na ako nakagising, around 11 am na siguro yun. Naligo agad ako dahil may lakad pa ako that afternoon. While taking a bath, nagsisigaw ang pinsan ko sa sala.

“Kuya, ang bastos ng mga pusa!!!”

“Edi bastusin mo rin, hahaha”

“Kuya, nagsesex yung mga pusa sa sala!!”

“Huh?”

After kong maligo, labas agad ako ng banyo, keber nang tumutulo pa ang basang buhok ko. Ayun nga, sa salas dinadali ang Muning.

“Shooo! Alis! Bastus na pusa to! Sa sala pa nagdyug!”

Alis agad ang lalaking pusa, na unmistakably isa sa mga pusang ka-conference ng Muning kagabi. Kinagabihan, muling nag rally ang mga pusa sa harap ng bahay namin. Medyo scary na nga ang tunog nila, kasi it sounds “Tau” rather than “Meow”. At ayun, kinabukasan nga, may cat sex nanamang nangyari sa sala. At take note, ibang pusa. Pero remarkable ang features ng pusang ito. Kasi kulay white sya, pero magkaiba ang kulay ng mata, blue sa kaliwa at green sa kanan.

“Kuya, mali ang sinuot mong contact lenses”

Kinagabihan nun, wala nang conference. Pero wag ka, tatlong magkakaibang pusa ang nakatambay sa harap ng bahay. Yung isa, mukhang Garfield, malaking pusa na kulay orange. Nasa may pintuan lang si Muning. Bigla na lang akong napasigaw,

“Oh, ano, nakapila nanaman kayo ngayon? At ikaw Muning, magpapadale ka nanaman sa mga to?”

May dalawang lalaking tumawa ng malakas. Sa may bandang garahe eh andun pala si Papa at si Manong na naglalaro ng chess.

Ang pusa, may napagmamanahan…

“Meow!”

No comments: