6.14.2007

Raptusinco! Part 4


Kung mahilig ka magDotA, tiyak makakarelate ka sa next Raptusinco topic ko. Nung college days ko pa, medyo naadik ako sa larong yan, na akala ko dati boring. Masaya pala, matipid pa, kasi hindi na kailangan ng internet para makapaglaro. Basta nakanetwork ang mga pc’s, okey nang laban-laban ang sampung friendships, 5 on each faction, the Sentinels and the Scourge. Hindi sya mahirap laruin, kasi isang map lang ang paglalabanan. Ang puntirya, masira ang Tree of Life ng Sentinels at ang Frozen Throne ng Scourge, (na hindi naman talaga nasisira, makikita lang sa hit points). Andyan pa ang friendly neighborhood na mga stores, dun ka bibili ng mga gamit at pampalakas ekek. At shempre, ang mga friendly creeps na walang ibang ginawa kundi sumugod at magpakamatay sa ngalan ng ikakalevel-up ng mga heroes na pipiliin ng mga players on the start of the game. Anyway, hindi ko na explain ang iba pang mechanics ng game at mahahabla tayo ng Blizzard.

Madalas gawan ng mga gay names ng aking mga tropapipz ang mga heroes ng DotA. Five of the most favorite are being listed below. Enjoy playing!

Abbading the Lord of Avernus

Sya ay isang makapangyarihang king na namumuno sa mga Sentinels na matalo ang mga Scourge, pero medyo naging gahaman sa kapangyarihan ang mokong. Ayun, na persuade ng mga Scourge na sumali sa kanila, mas powerful daw kasi maging Scourge at mas maganda raw kasi ang costume nya kapag naging Lich King na sya, forever and ever amen pa ang life nya. Kaya go, upuan na ang Frozen Throne. Panalo ang mount nya, skeleton horse. In other words, kabayong zombie, wala nang balat at laman. Buto na lang. San ka? Greatest power nya na agawin ang oras sa mga kalaban nya, para maunahan nya ang ito bago pa makatira. Back to the Future ba ang eksena.

Baklinks the Bone Fletcher

Isa syang archer na namatay na elf, dahil sa digmaan sa Middle Earth. Kapatid ito ni Legolas at pinsan naman ni Robin Hood at pamangkin ni Green Arrow ng Smallville. Hindi nya matanggap na namatay siyang hindi na namamaster ang pamamana, kaya’t muling arise from the dead ang drama. Dahil sa impiyerno galling, nag-aapoy ang mga arrows nya, mainit at matulis. At kung tumataas na ang level, bumubilis din at pagtira nya. Siya na ata ang pinakabaklang charater sa DotA, kasi kapag natatalo na, biglang may I disappear ang mokong, wind walk na pala itu, kukuha dawn g life force at dadag arrows sa home base. At isa pa, keri nyang tsumugi ng kakampi kapag lumiliit na ang kanyang hit points.

Kabugna the Oblivion

Parang telenovela ang buhay ng necromancer na itu, narevive kunwari tapos wala na naalala kung san sya nanggaling. Pati pala sa DotA may amnesia efek. Nakalimutan daw nya na kung ano sya nung buhay pa sya, may asawa ba sya, may mga anak ba sya, lalaki ba o babae o bakla o tomboy ba sya, sino mga kinulam nya, ano powers nya, ect. ect. Basta ang alam nya, maganda costume nya at powerful na sya. Mahilig sya sa mga sabug-sabug ekek. Imbyerna lang ang kalaban kapag ginamit na ang powers nyang mang-aagaw ng life powers ng iba. Agaw-lakas itu. Oi, ikaw huh, anu-anu iniisip. Bastus yan kapatid. Ewan ko ba, basta galing sa Scourge and character sa DotA, puro poot at paghihiganti ang drama. Kaloka…

Luna Lafang the Moonrider

Oi, wag nyo ismolin to, pinsan to ni Sailormoon. Pinagkalooban sya ng kapangyarihan ng buwan, understood naman siguro sa name pa lang ng loka. Mabilis na tumira, panalong-panalo pa ang mga spells. Gusto ko ang kanyang powers kasi hindi lang isang target ang tatamaan. Sisigaw lang sya ng “Moon Crystal Hallation!” at yun, bababa na ang powers ng buwan, kabug lahat ng bawat tamaan. Keri rin nyan lumaban with the moonglow on her skin, salamat sa moonlight facial wash at body scrub. According sa story, isa syang tapat na elvish hunter na siguro sa gabi lang sya lumalabas, kasi wala naming buwan pag araw diba? Ang hindi ko mawari ay kung bakit sa kinaliwa-liwanag ng moon powers eh itim na pusa ang sasakyan nya.

Lina Imbyerna the Slayer

Super memorable ang character na itu dahil ako ang nagpangalan, at hindi ko malimutan ang tawang umalingawngaw sa computer shop, nakalimutan ko kasi ang surname ng hitad, kaya nagimbento na lang ako. Mahilig syang pumatay ng mga dragons, hence the title slayer. Panalong-panalo ang orange and blue dress na more fly-fly kapag sya ay nalipad. Yes kapatid! Sya ay nalipad. At ewan ko bakit dinesign syang tumira ng kanyang spells habang nakabukaka. Landi ano? Parang chinacharge muna sa keyfanganess ng hitad bago itira. Shempre, ligwak na kalaban, makaamoy ka ba naman ng **ke** hindi nahugasan ng libong taon. Ewan ko na lang talaga. By the way, mahilig ang hitad sa apoy at kidlat, with matching feminine wash action na rin para fresh ang feeling.


Ayan, five things under the sun, kung may mga suggestion kayo na ilagay dito, gawa lang kayo ng list, basta
lima lang, and state the common denominator in each. Ang mga tinuran dito ay para lamang pagkatuwaan, kaya wag seryosohin. Tandaan, ang tamaan, (sabay tapik sa noo) GUILTY!


No comments: