Showing posts with label CBIT. Show all posts
Showing posts with label CBIT. Show all posts

5.07.2008

Yakap Ni Spongebob


Paglabas ng opisina, dumudugo ang cellphone ko sa dami ng text. Hindi ko mahawakan ang cp dahil bawal sa loob. Sa locker lang iiwan. Eto at busy-busyhan ang lolo nyo na magbasa ng messages. Hindi na kase mapasukan ng text ang cp. Puno na ang inbox.
'Boone, san ka na? Dito na kami sa resort.'
'Ansaya dito kuya. Sunod ka huh?'
'Andami na namin. Sunod kayo.'

May schedule na outing ang CBIT sa isang resort sa Malabon. Alas otso ng umaga ang meeting time pero alas diyes na, wala pa ako. Kakalabas ko lang ng opisina kase. At hindi halatang magswiswimming ako. Parang mamumundok sa laki ang dala kong bag. Ilang damit, isang twalyang Spongebob na favorite ko, kaunting chichirya para may makukutkot ang barkadings sa cottage.
From Makati, sumakay ako ng bus papuntang LRT. Nagtren naman ako mula Gil Puyat hanggang Monumento. Naglakad ako hanggang sakayan ng jeep na may signboard na Polo. Bumaba ako ng Maysilo Petron. Mula doon ay sinundo ako ni Ceejay at Dennis.
In fairness at in fairview naman, maganda ang resort. Hindi man kalakihan ang pool pero ayos naman ang cottage. Sulit ang bayad. 1.5K lang sa isang malaking cottage. Good for 40+ na tao para sa maghapon at magdamag na ang rate. P300 lang ang contribution ng bawat isa. May bonggang-bonggang lunch at dinner na yon. Panalo diba? Kaso, hindi lang kami ang nasa resort. May mga hampas-lupa, may mga lasenggero, may mga pasosyal, butas naman ang trunks (ahihihi!!), may mga harabas kung lumangoy na akala mo balyena pero kaliliit naman ng mga katawan. At ang pinakamalala, dahil sa dami ng naliligo sa pool, nangangamoy na ang tubig. Sabi ko nga kay Icko,"Ano ba to, nagkakanal na yung tubig!" Yun lang.
Almost 1 pm na nang nakarating ako. Keri nang wala pang tulog since kahapon basta makalangoy at makapagunwind. Minsan lang naman kasi dumarating ang mga ganitong chances so go na.
Pagdating ko pa lang, sarap na sarap na ang mga hinayupak sa kakalangoy. Eto ang ilan sa mga pictures nila. Hala't matawa at matuwa kayo hahaha....
Kinahapunan, nagkaroon ng Videoke Idol, wherein pumili ang mga organizers na mga kakantahin, sampung OPM na panlalake at sampung foreign songs na puro pambirit na pambabae. But there's a catch; lahat ng OPM, nakafalsetto sila, octave higher (kaya kamusta ang Gaya ng Dati... hahahaha) tapos lahat ng pambirit octave lower. Ayun, we have Mothy as the Videoke Idol...
After the Videoke challenge is the main event; the very first Ms. Gay CBIT. Akala namin, walang sasali. Pero wag ka, effort kung effort ang mga candiates, namitas ng mga dahon for props, kumuha ng mga alampay at ginawang gown, may nagsuot ng bra at panty (at in fairness at fairview, wichikels jukat ang hunchback of NOTREdam ni bakla hahaha). May special participation ang lolo Kyle as the makeup artist, yours truly and Lee as the hosts.
Mothy - Ms. Philippines
Iñakie - Ms. USA
Kaito - Ms. Japan
Larryl - Ms. Australia
With the matching background ng Annie's Song, rampadoodledoo ang mga becky sa serenade number, at ang mga audience, walang humpay sa kakatawa.
Eto ang video ng huli nilang rampa.
At dahil pageant, may matching talent portion pa na talaga namang ineffort talaga isipin at gawin ng mga candidates. May question and answer din na pinadugo ang ilong ng mga becky ahihi. Natapos ang pageant na namigay pa ng mga prizes (as in prizes!) sa mga special awardees; Ms. Creamsilk para kay Larryl na kalbo (with the matching Creamsilk sachets as sash wahahahaha!!!), cash prizes for the runners up and title holder. Btw, Kaito won the title. Eto ang ilang eksena sa pageant.
Ayan, at natapos din ang maghapong kabaklaan sa resort. Enjoy at sad ako at the same time. Hindi kasi nakarating ang aking asawa dahil pagod. Inaalagaan pa kasi ang mga anak namin eh. Hahaha. Btw, suot ko sa resort ang aking favorite flip-flops shown below.

1.28.2008

Bituing Walang Ningning

“Mabuti pa kaya’y
Maging butuing walang ningning
Kung kapalit nito’y
Walang paglaho mong pagtingin…”

Two years ago, during the first anniversary of Cute Boys in Town (CBIT), I recieved three awards: Mr. Congeniality (O diba, parang pageant lang?), Bachelor of the Year and Outstanding CBITean. I don't know kung talagang deserving akong makarecieve ng awards or the people right for the citations were not around during the anniversary, I'm not sure. It’s a rule that recipients of the awards are present during the ceremonies. But among the awards, the Bachelor of the Year award is the one I consider as a crown. A true title only I can have. Imagine staying single for a year while being in a group where everyone (Yes, everyone!) may be a potential partner. Well I guess I prioritized my studies then so I chose to be single.

Another year has passed, and it was a lie-low year for CBIT. Naturally, all titles are carried out for the next year. (Ayaw ko daw talaga matanggalan ng title hahahaha!) Naging busy ang mga tao sa kanya-kanyang jobs at studies at shempre, karir. Hays.

Tempus fugit. Another year has passed for the group. CBIT was revived sometime August 2007 through group text messaging and it proved to be a huge success. New members were introduced properly, old ties were reinstated, the friendship and camaraderie were restored. I graduated, passed and ranked in the board exams. We have celebrated the 3rd anniversary of CBIT last December 2007 without citing the next batch of awardees. Sabi kasi ni Kuya Joel (CBIT President) while on a meeting, "Hay naku, Boone, palibhasa alam mong may award ka nanamang matatanggap kaya gusto mong may award-award pa?
Hotly, I said, “Hinde no?! Hindi ko na aasamin pa yang mga award-award na yan. Andami na nating members kuya. Siguro naman eh makakahanap na sila ng iba.
Then why not through group message surveys (gms) na lang kaya?” Kuya Joel suggested.
Oo nga naman kuya, pwede, tutal adik naman sila maggm these days.” JP, a co-moderator agreed.
Sige, go ako dyan. Start tayo ng January” Kuya Rex, the CBIT Founder, seconded.

January 2008 came. Eto na nga, gms came floating around like wildfire. Surveys like:
“Sino sa CBIT ang gusto mong ipaglaba ng underwear? Pm your choice”
“Sino ang top 3 CBIT Darling of the Crowd? Pm your choices. A selected texter from the top 1 entry shall have a one night stand with the winner.” (Kurik! May ganyang factor ang laban. Kaya tawa ako ng tawa sa result. Kasi ang napiling texter ay ang nanalo din mismo. One night stand sa sarili? Ano yun, sariling sikap? Bwahahahahaha!)
“Sino ang gusto mong kulitin sa CBIT?”
“Sino ang pinakafriendly sa CBIT?”
“Sino ang Bachelor of the Year sa CBIT?”

One morning, I woke up and WHOA! 75 messages received ang sumalubong sa akin. Nakakatuwa basahin lahat kasi basta gms, andaming pumapasok sa messages, samu’t sari. Iuupdate every hour and results para mas exciting. May mga nakikitext pa para lang makaboto. May mga halatang karir kung karir kasi iisang tao lang ang binoboto. May mga oozing sa confidence at super vote sa sarili. Kabog diba? May mga todo acceptance speech dahil nanominate o kaya e binoto sila. May mga nagpaparinig na iboto sila ng iba at may mga nangangampanya pa para iboto ang favorite nila! Tarrrraaayyyyy!!!!!

Then here comes the result. I-ggm ng promotor ang survery results. Shempre ang first instinct, maghanap ng pangalan. Maaring sariling pangalan o pangalan ng mga inaasahang manalo. Kung wagi, flattered, kung ligwak, bitter.

Funny, because I didn’t see my name anywhere. True as what I have said, Nakakita na ang members ng ibang dapat tumanggap ng mga coveted awards sa CBIT. (Coveted daw? Sabeeehhh!!!!???) Pero walang bitterness or anything in my part anymore. I know nagexpand na ang group kaya mas marami nang mapagpipilian ang mga members na talaga namang deserving sa mga awards. Hindi na rin sila magsasawa sa mga mukhang lagi nilang nakikitang may mga ganyang titulo. Especially the Bachelor of the Year title. Kailangan ko nang idispatsa ang award na yan dahil butihing maybahay na ako (Hahahahah maybahay talaga!?) ni Juan.

Its not really a big deal to have such titles from the group, but the title holder shall hold responsible to be an example for the rest of the members. I believe that for the last three years eh nagampanan ko naman ang mga tungkulin ko as an example to the rest of CBIT, so I need to rest my case and put my time and effort to the more essential; the relationship and commitment I currently are heartfully enjoying and cherishing. Hindi man ako ang bida sa group, ngunit alam kong hari ako ng puso ni Juan. Hindi ko na nga dapat asamin ang pagiging isang bituin ng CBIT, dahil ang pag-ibig namin ni Juan ang magpapakinang ng panibagong Boone sa CBIT.


Nagising ako isang umaga na may GM si kuya Rex and it says,
…Boone and John, kamusta ang Couple of the Year??...


10.02.2007

CBIT: The Revival

Buhay na buhay ang CBIT. Salamat sa powers ng unlimited texting, talaga namang constantly na bubulabugin ng mga GM’s ang araw mo. Kakatuwa, willing ishare ng lahat ang nararanasan nila sa bawat sandali ng kanilang mga mumunting buhay.

GM1: Good morning sa lahat! Pasok na ako sa work…

GM2: Gandang umaga! Mukhang tulog pa ang mga makakati…

GM3: Gandang tanghali! Kain tayo.Tuyo ang ulam ko…

GM4: Gandang hapon. Lakas ng ulan. Sarap may kayakap…

GM5: Gandang gabi. Tumae ka na ba? Kakatae ko lang. Hindi pa naghuhugas…

With matching design at format galore pa yan. May pinuno ang message ng smileys na mas maraming pang kinain na characters and design kesa sa message. Meron naman na flowers ang drama. Feminine touch ito hehehehe. Nakakatuwa, freedom of expression at creativity fused to revive CBIT. Wai! Wai! Wai!

Shempre, nakakakabit na ang mga personal messages sa gm. At least limang tao ang may personal message kalakip ang isang gm. Imagine nyo na lang kung paano magtext ang sender nito. Kulang ang 160 characters sa isang gm. Kaya kung hindi haytek ang cellphone mo, laging putol ang gm. (diba francis?)

Ilang araw pa lang mula nung ipatupad ang group messaging sa CBIT, marami nang naadik. In fairness naman talaga, nabuhay ang mga nahihimbing na kalalakihan (anu daw?) ng group. Mula sa matagal-tagal ding pagkakahimbing at pagkakahiwa-hiwalay, muling nagkabuklod ang CBIT.

Marami naman talagang nakakamiss sa CBIT. Tried and tested na kasi. May mga umalis, may mga dumating, may mga kinarir, may mga binasted, may mga pag-ibig na nabuo, may nagsplit, may binugbog, may pinatay at dinamayan (RIP JM!), may mga swimming, clubbing, carnival hopping, leadership training seminar, AIDS-awareness seminar (wala ako nun!! Huhu), videoke, jogging at kung ano-ano pa. Sa tatlong taon ba namang pagbobonding eh mabubuwag pa ba kami?? Shempre hindi na. Nahimbing lang sandali dahil sa mga sariling karir.

GM6: Boone: Bachelor of the year ulit! Century na ata.

GM7: Boone: Single pa rin? Hindi na ako magtataka.. magmamadre ata yan eh.

WEHANONAMANNGAYONKUNG SINGGEL???


6.26.2007

Raptusinco! Part 5


Three hundred and sixty five days has passed since I wrote the first article in this blog. I could still remember trying to figure out what to write, how to design the blog ang how to use the site per se. I laughed, I cried, I shouted, I fell in love, I reacted on current events, I resented through the words and pictures. Months had passed without any updates and entries due to harsh schoolwork and organizationwork. Thanks to a dear friend, Wanda’s blog came my way. His quips on his queer life inspired me to rekindle my literature. My fire for writing came sprouting again, looking for fresh ways to be unleashed and thoughts to be laid in words. Tempus Fugit, really. I can’t believe that one year has passed with me and my blog.

For this anniversary entry, I would like to enumerate five of the most influential groups of people that marked something, in a way or another in this crazy life of mine. God has a great purpose why these people came into my life, and to commemorate them is the purpose of this listing. And now, for the list… tanananan tanan…


1. PATTS Universal League of Singing Enthusiasts (PULSE)

Mi-me-mi-ma-mi-mo-mu-mu... Mi-me-mi-ma-mi-mo-mu-mu... Mi-me-mi-ma-mi-mo-mu-mu-mi-me... Una na shempre ang pinakasisinta kong choir, kase I just left them. Intentionally, habang ginagawan ko ng article ang PULSE as of the time, I’m listening to one of the recordings (Shala, no?) of the choir, which happens to be a personal favorite, “Give Me Wings”. The lyrics, especially the chorus are just so striking to me

Give me the wings, of an eagle I will soar, into the skies.
Give me strength, to hold a brother’s hand, as he’s passing by.
Give me the eyes, of tomorrow, let me see, what I can find.
If you lead me, I will follow now, give me wings to fly.

Paano ko ba naman malilimutan ang choir na ito? Eh sila ang nagsave sa akin back when my studies in Aero are making bad turns. Aside from the fact the mahilig makakakanta ang mga tao sa group na to, lahat sila eh mga close friends ko. There goes the Babies (ang mga Altos) na super sweet and caring and really united, the Sopranos na lagi kong ginagaya (Ilusyunadang Soprano nga daw ako eh sabi nila, kamusta naman ang falsetto nyahahahahaha), the Tenors na naging pakana kung bakit Boy Piyok ang isa pang tawag sa akin (Balutin mo ako…) and or course, ang mga kabaro kong Basses na lalaking-lalaki (pre, walang bakla sa bass huh.. pakiss nga wahahahahahaha) na ang mga boses, gwapong-gwapo pa, ang aming knight in shining gums na si Richard (The conductor / trainor) at ang mga advisers na sina Ma’am Rish (na long time kachokaran ko na.. since wala pa ang PULSE) at ang Tatay namin, si Sir Deo. Tinagurian pinakamaingay kaming organization (malamang, kasi kumakanta) basta nagkasama-sama ang mga yan at walang magawa. Sila lang ang nakakatawag sa akin ng Baboone at Boonita (adik sa pangalan, diba?) They are the ones who thaught me to be strong not by being alone my myself, but by having the people around, standing by them and learning from the worst in life while sharing the gift of the soul. Music.

2. The Aeronautical Engineering Batch 2007

Eto naman ang mga kasangga ko sa kursong Aeronautical Engineering. Limang taong naming sabay-sabay na tinahak ang daan patungo sa graduation at eventually, to Engineership (SHEEEEET srap pakinggan). Mula sa pitong section na halos 40 students per section, nareduce ng nareduce hanggang sa maging 70+ na students ang nakapagtapos nung March.

Kamusta naman ang limang taon mga pre?

Mula sa Algebra hanggang sa Design 2, Comm. Arts hanggang sa Engineering Business Correspondence. Sa mga kopyahan ng quiz, nakakalunod ng mga photocopies, REPORTS (kaya laging napupuyat), projects, laboratories (na mostly wala namang ginagawa), sa mga Prelims, Midterms at Finals, Foundation Days, Christmas parties, inuman, iyakan, laugh trips, bahingan (go Ellyn! Woooooiiiiichuu!), DotAhan, WoWan, AEROtours at Hot-Air Balloon Festivals, Mr. and Ms. PATTS, Graduation Ball at marami pang iba, salamat sa mga memories. Sa OSA, Registrar, Accounting, Cashier, Clinic, Canteen, Gymnasium, Chapel; salamat sa pagsuporta at pagtulong. Sa T-square, Techpen, french curve, scientific calculator, notebooks, binders, ballpens, flexible curve, triplus (Plugging!); salamat sa mga oras na pinagsamahan; puyatan, pagrurush, paghaharot (nyahahahahaha). Sa mga propesor na nagbigay ng kaalaman sa loob ng limang taon, hindi kailanman matatawaran ang ginawa nyo sa amin. Walang halaga ng pera ang kayang ipalit sa mga pangaral sa buhay na binahagi nyo. Sa mga naging bahagi ng AERO, PSC, PFA, Aeroscope, naging Summa, Magna at Cum Laude, Platinum at Silver Wings Awardee, I’m so proud of you guys. You made my stay in PATTS worthwhile and to be cherished throughout my fuckin life.

3. Cute Boys in Town (CBIT)

Marami ang nagtatanong kapag nakita ang contacts list sa fone ko, “Ano ibig sabihin ng CBIT?” O ayan, nasagot na rin sa wakas. This is a group of open-minded individuals (pasosyal na term para sa mga queers ahihihi) who believes in wholistic (thanks to kuya Rex for this term!) approach in love. This organization believes in the sanctity of sex and long-term relationships (ayaaan, kaya forever na single! Wahihihi). Every GEB, ang sarap ng bonding moments. Walang boring times. Kung saan saan nang nakarating ang mga gatherings; Malate, Antipolo (Hinulugang Taktak), Quezon Circle, Intramuros, Baywalk, CCP, YMCA Makati, Star City (Woooow… Birthday ko nun!!!), Laguna. Kahit na abutan kami ng magdamag kagagawa ng kahit na anong activities at inaabutan pa ng araw, ayos lang, kasi hindi lang basta activities yun, talagang applicable sa pang-araw-araw na buhay (gaya ng kung ano ang da best na lubricant, sex positions.. joke lang!!! Wahahahahahah).

Iba talaga ang bonding kapag may common denominator kayong lahat. Makakarelate kasi ang bawat isa sa mga experiences and situations ng bawat isa so, if someone needs a hand, to the rescue lahat.

Maraming bagay na maaring hindi kayang intindihin ng iba ang syang nagbubuklod sa aming lahat. Pandirihan at libakin man kami ng buong mundo, hahaharapin namin ito ng nakataas ang ulo at kilay (joke!). Its been very inspiring what the founder, Kuya Rex told us,

“Ang pagiging bisexual o bakla eh nasa iyo na, simula pa lang. Ikaw na ang makakadiskobre kung kalian. Pwede kang mamili. Tanggapin mo ang pagkatao mo at maging totoo sa sarili at sa iba, o habang buhay kang manatili sa buhay na puro pagkukunwari at pagbabalatkayo. (Shhhheeeeetttt ang lalim nun pre!) Ito ay ang bigay sa atin ng Diyos na pagkatao, isang regalo. Kung paano natin ito tatanggapin at sasangkapanin para makatulong sa iba at sa ikabubuti ng nakakarami ang sya nating handog sa Kanya.” Bow!

Dalawang taon na rin ang lumipas noong mabuo kami. Hindi man kami nagkikita dahil sa trabaho at kanya-kanyang buhay, I know that the spirit of the principles of CBIT is still embedded in the hearts of the members.

4. Four St. John and PCC Corps of Cadets batch Agidon / Delubyo.

Unique as it is, 4-St. John was the home of the so-called Homo 2 students from Pasig Catholic College batch 2001. Ikalawa man sa lahat ng bagay, from academic ranking to class awards, una pa rin sa bonding ang class na ito. Imagine having 39 girls and 10 boys, kamusta naman yun? I haven’t been to a reunion with the class, but there’s Friendster naman to check on all the gals and guys. I’m not sure kung anon a ang nangyari sa mga classmates ko, hope everyone is doing fine.

Agidon is actually the tagalong term for Griffin, a mythical creature with lion’s body, eagle’s head and serpent’s tail. Delubyo naman means destruction. This is the name of the Corps of Officers.

You read it right, folks, CAT officer ako nung high school!

I’m the Corps Operations and Intelligence Officer S2/3. Katuwa nga eh, direct opposites. Isang tahimik at isang maingay na officer, pinagsama sa iisang tao (kaya ako natuto ng double personality… toinks!). Resourcefulness, courtesy and hardwork are three of the things I learned from CAT. Hangga’t may paraan, gawan ng paraan! (ahihihi make sense?) Kapag may dadaan, greet mo ng “Sir, Good Morning Sir!” Kahit hindi si Ser Venson (the commandant). Naalala ko tuloy pati principal na babae, one morning nabati ko ng “Sir, Good Morning Sir!” Sayang, snappy pa naman

5. The Magic Ten…

Beauty contest?

Hindi po… Sila ang sampung taong tumatak sa puso ko! (YAAAAK baduy but true!)

Maniwala po kayo o sa hindi, sampu na po ang taong dumaan sa buhay ko na nag-iwan ng kurot sa aking matigas na puso (Ta***na ang baduy talaga!) Huwag nyo na tangkaing tanungin kung ano at sino-sino, for their own safety and privacy. Sila yung nagbigay kulay sa aking mapusyaw ng pagkatao. Binigyan nila ng mas malalim na kahulugan ang buhay ko. Saksi ang ilang lugar sa mga pag-ibig kong isiniwalat; Baywalk, Wildlife, Luneta (swear totoo po yan!), Pasig Cathedral. Tanging mga alaala na lamang ang aking tangan sa bawat pag-ibig na yan. Naramdaman ko na marunong pala ako magmahal at pwede pala akong mahalin ng isang tao sa kabila ng pagkukulang at kapintasan ko. Kahit na paano, naranasan ko na palang humamak ng dahil sa pag-ibig. Kailanma’y may mga alaalang laging magpapatibay ng kasabihang.

“O pag-ibig na makapangyarihan, kapag Ika’y nasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat, masundot ka lamang…”

Anu daw?

Oist, bad yan iniisip mo kapatid…


Should you think you, my reader doesn’t include in any of the five, don’t you worry. Being a reader has made you some life “kakarelate” experiences closer to me, ok?

Till the next Raptusinco!

Ngapala, Happy Anniversary Frozen Sonatas; Blazing Chants!!!

More entries to come!