Showing posts with label Weird. Show all posts
Showing posts with label Weird. Show all posts

9.12.2007

Ang Hiwaga ng Streamer…




Yes, the night was so memorable.

Nakatoka ang PULSE na kumanta sa Holy Rosary Parish sa loob Multinational Village sa Parañaque every first Sunday ng buwan. Kailangang maipractice lahat ng kanta bago sumabak sa kantahan. Medyo mahigpit kasi ang mga pari sa simbahan, kailangan akma sa gospel ang mga kanta. At dahil adik ang mga PULSE na kumanta, kakaririn talaga ang mga kanta. In fairness naman, kahit na wala pang isang taon na kumakanta ang PULSE sa simbahan, making waves na. Magagaling daw kasi kumanta (Ahem!).

Hindi biro ang pumunta sa simbahan na yun. Tatawid pa ng dalawang bundok, lalangoy sa ilog, dadaan sa masukal na kagubatan.

Wahihihi joke lang.

Mula sa school, kailangan pang mamasahe. Isang jeep at isang tricycle. At lakaran na parang ka na ring nagprusisyon sa layo. Kaya pagdating ng simbahan, madumi na ang mga kakanta.

Pero ok lang.

Iba pa rin talaga kapag nagsisilbi ka para kay God. Kahit na sabihing isang oras sa isang buwan lang yan, its all worth it. Lalo na kapag special mention ang choir after ng mass, siguradong palakpak ang tenga ng buong choir. Hindi na alintana ang layo ng lalakarin basta sama-sama ang buong choir. Masaya kasi. Bonding time ba.

Minsan talaga, may mga moments na parang may divine intervention ang eksena. From the usual na takbo ng buhay, may mga susulpot na signs na dapat huwag talikuran ang opportunity, ang chance. Si Lord na ang may pakana, kaya wag na mag-inarte. Kung ayaw mo najombag de gulat.

Wahihihi.

Nagsimula ang divine intervention chuva story ng PULSE after ng first Sunday mass nitong September. Pauwi na ang mga PULSE from the mass na for the first time, kasama naming kumanta ang mga bagong members. May tinutukoy si Herbie (isang alumni na PULSE) na meron dawn a choral competition malapit sa simbahan. Hindi muna pinansin ang Herbie kasi puro mga haggardness na ang mga tao kakakanta. Nung pauwi na kami, habang naglalakad na puro tawanan at kantiyawan, bumulaga ang isang streamer. May choral competition nga sa lugar. Kaso isang linggo na lang ang allowance. Saturday is the big day. Hindi kaya. Baka mapahiya ang choir. Dedma ang mga tao. Or so I thought.

Days before that, ininvite ko ang choir na magkakaroon ng concert sa Sta. Cruz, malapit sa review center ko, same day nung competition. Marian concert, so kailangan mapanood ng choir especially ng mga bagong members, para makaexperience. Banal-banalan pa ang theme, so go talaga. Marami ang nagresponse na oo, punta daw sila. Adik naman talaga sa mga free concert ang choir. Yung nga lang, bakit hindi naming napanood ang Madz nung kumanta sa 24 Oras. Kakainis!

Monday afternoon, nagtext ang mga members na hindi na raw sila sasama sa concert dahil sasali sa contest.

Taray!

Limang araw na practice?

Kamusta naman yun…

Pero ayaw paawat ng choir! Nasundan pa ng isang karumal-dumal na text.

Kasali ka sa competition. Tenor ka.

HHHHUUUUWWWWAAAAAAATTTTT!!!!

Gusto kong tumambling after ko mabasa ang text.

In my wild dreams, gusto ko naman talagang kumanta ng mataas na boses. Pero wala talaga sa range ang boses ko. Baritone lang ang kaya. O kung mataas man, for sure falsetto na pambabae. Bass nga, pinipiyok ko pa eh. Kaloka.

Pero tawag ito ng serbisyong publiko. Walang kinikilingan, walang piniprotektahan. Kantahan na lang. Hindi maaring talikuran.

Matagal nang pangarap ng PULSE na makasali sa choral competition. Mula nung mabuo ang choir eh wala nang patid ang mga pangarap ng mga members. Local at international competitions ang gusting salihan, huh? Andyan pa yung kakanta kami sa kasal ng mga members naming with the crying moments ang effect. May nabuo na ngang story si Herbie eh. “PULSE: Fifty Years After” ang title. (Ask Herbie for the story).

Mataas ang pangarap ng mga tao.

At kailangan nang tuparin.

Nagsimula ang practice nung Tuesday, kaso that day lang ako nailagay sa listahan ng mga alumni na sasali para may access sa school. Keri lang. Ask ko na lang sila thru text kung ano ang repertior for the contest.

Pag-ibig mo, Ama

Ave Maria

Prayer of St. Francis (acapella version)

Ulit… HHHHHUUUUUWWWWWWAAAAAATTTT!!!!

In Litex, Fairview, maganda ang lineup. Maganda kung maganda. Pero pamatay. As in nakakamatay ang mga pyesa, lalo na yung acapella version. Philippine Madrigal Singers pa lang ang alam kong may recording ng kantang acapella, at talaga naman makapanindig-balahibo ang delivery nila. Wish ko lang maachieve namin. In less than five days. Taray. Parang Pond’s Age Miracle cream lang. (Ay, plugging!)

Dahil tawag nga ng serbisyong totoo, kailangan magrebyu na ng pyesa sa bahay. Buti na lang may naiwan pang pyesa at may live recording ang mga contest pieces, kaya pwedeng sabayan. Paraan talaga diba.

Wedenesday. Very warm welcome ang drama ng mga tao sa akin. Splattered este flattered naman ang lolo nyo. Matagal naman na talaga akong hindi nakakapunta sa aking Alma Mater Dolorosa, kaya parang balikbayan ang eksena ko. In SM Fairview, marami nang transformation ang school. Dalawa na ang canteen, nagagamit na ang gym, at higit sa lahat, may pwesto na ang choir para pagpraktisan. Ang ganda ng aura para magpractice.

Start ang practice with vocalization. The usual mimemimamimomumu chuva ang laban. Itataas ang pitch hanggang sa magkabasagan ng salamin sa taas ng boses. Tapos ang sustain practice na ang instructions, “Walang hihinga, sustain”. Keri. Sanay na tayo dyan. Pero may bago. May ambohatomatarilerilero na. Ethnic-ethnican ang drama. Taray!

Natapos ang vocals and go with the contest pieces.

Review muna kung ok na sa notes.

Pag-ibig mo, Ama, keri.

Ave Maria, mas keri.

Prayer of St. Francis…

SSSSHHHEEEEETTT!!! Ang taas talaga! Ang lyrics pang pamatay is...

AND IT IS IN DYI----HING THAT WE ARE BORN...

Lord, dying talaga. Antaas. Kaloka everlash.

Three hours ang practice. After the practice, siguradong malalanta ka talaga. Hindi sanay ang choir na nagkakakanta ng tatlong oras. Usually, tis-iisang oras lang kasi ang practice. At kamusta pa ang bigla kong pagtetenor diba? Parang nabanat ang vocal chords at panga ko ng wala sa oras. Gudlak kuya.

Thursday. Tuloy ang practice. Improving na. Kaso kailangan pa ring iayos ang matataas na notes. Kung hindi kaya, I falsetto. Pero panlalaking falsetto. Half-falsetto daw. In fairness, I’m good at it. Wahihihihi.

Friday. Dala na ang costume na isusuot. Kailangan kumpleto ang mga isusuot para hindi na mamrublema kinabukasan kung kalian contest proper na. Pero hindi, nagkaroon talaga ng problema. May mga pinagalitan ng nanay dahil ginabi ng uwi galing practice, may mga nagkakasamaan ng loob dahil hindi magkaintidihan, may nanay na ooperahan kinabukasan ng araw mismo ng contest, may hindi pa kabisado ang piyesa, may namamaos. Kund hindi ka ba naman maloka ng todo nito, diba?

Tapos naalala ko, napanood ko na ang mga ganitong eksena sa pelikula. Mas maraming aberya, lalong nananalo…

DALI! Kariririn ang problema, ramdam ko na, MANANALO TAYOO!

Shempre, tulungan sa problema. Hindi lubugan sa problema. Alay ng mga prayers para sa world peace, sana gumaling ang mga maysakit, sana matauhan ang mga tanga, sana maabot ang nota, sana tama ang beat. Lahat ng santo pati mga beatified matatawag mo na, matulungan ka lang sa problema. God listens naman talaga.

Saturday. Now’s the big day! Eight hours before the contest, hindi na mapigil ang kabog ng dibdib ko. Pati review, hindi ko na maayos. Tensinado. Kabado. Nag-aalinlangan.

Baka mali ang tono ko.

Baka mahuli ako sa beat.

Baka pumiyok ako.

Baka mahulog ako sa stage.

Kamusta naman ang positive thinking diba?

Eto pa ang eksena. Galing ng review center, punta agad ako ng school. 2 pm ang meeting time eh. Sa kinamalas-malas naman, hindi kaya ng aircon ng fx ang init sa loob ng sasakyan. Tanghaling tapat at nakakulong ka ng isa’t kalahating oras sa loob ng mala-pugong fx. Tunaw pati buto mo sa init. Dagdagan mo pa ng ultra traffic along Sucat Road. Gudlak kuya.

Pagdating sa school, dali-daling nagbihis ako at nagstart ng practice. May konti pang palya. Ayaw ko ng palya. Pangit na ipanlaban ang may palya. I want it close to perfect, if not perfect.

Yun palang aming conductor ang may nanay na ooperahan. Tanghali ang start ng operation. Six na ng hapon, wala pa sa school. Eight ang competition.

Tension ang buong choir.

Kalma.

Ako muna conductor.

Eksenadora! Wahahahaha…

Hindi confident ang choir. May maling pitch, may lanta kumanta. Walang energy. Kaya hindi happy.

Biglang sumulpot si conductor.

Biglang lumiwanag ang mukha ng mga choir. 7 pm na. Isang pasada bago umalis.

Kanta. Isa kada pyesa.

In fairness, naglabasan ang energy at power ng mga boses naming lahat. Naglabasan ang mga students para makinig! Nakakakilabot daw ang performance. Wai! Wai! Wai!

So alis kami ng school at may God Bless kiss pa from a few.

Pagdating sa venue, tahimik ang lahat. Sisipat-sipat kung saan nagkukubli ang ibang mga contestants. Lahat ng nakatumpok, paghihinalaan baka espiya. May ganon talaga?

Madali naman makilala kung sino ang mga contestants eh. Mga nakacostume.

Speaking of, naging fashion show ang competition. Iba-iba ang costume. Merong simpleng-simple, merong magarbo, merong tinipid, merong hindi, merong pinatong lang, at merong kinarir ang Filipiniana. What is fashion statement? Eh papakabog ba naman ang PULSE? Shempre pinaghandaan din no? Kala nyo lang…

Mas naging kapansin-pansin na may mga kakilala ang conductor namin sa ibang mga choirs. Kita ko sa expression nya na “magagaling ang mga kalaban natin” dahil mga batikang mga koro ang mga kalaban namin. Pero shempre, high-spirited ang PULSE, believing to what the conductor told us.

“May Laban Tayo.”

When it was our turn to sing, sinabihan ko muna ang choir, “Ang mindset natin ay hindi matapos ang kanta. Let the notes and the blending of voices fill your hearts and soul. All for Mama Mary, Jesus Christ and PATTS!”

May ganon talaga, wag na kumontra.

During our performance, according to some of the audience:

“First note pa lang, swabeng swabe na. Galing ng dynamics nyo!”

“Malinis yung pagkakakanta.”

“Angelic blending!”

(Oist, hindi biased yan!)

We won third sa competition, pero feeling champion kami. The performance averaged 93% sa final score. We are not expecting to land a place. But we all placed the best foot forward. For a neophyte in choral competitions, hindi na matatawaran ang third place.

After the competition, sobrang saya ng buong choir. May maipagmamalaki na kami sa school. Everyone went home with smiles in their lips and enlightenment in their souls.

For an alumni like me, hindi talaga mapapantayan ang feeling na minsan nanamang may achievement ang iniwanan kong choir. Here we are, strong, proud and united.

Nag-iwan pa ng isang tearjerking thought ang isang kasama namin.

“You made my last wearing of the PULSE costume so memorable.”

Yes, the night was so memorable.

I know this will open more opportunities for the choir to engage into bigger competitions.

Unti-unti, natutupad ang mga pangarap namin.

This memorable night is the start.

Weird, it all came from a single banner…


8.26.2007

Raptusinco! Part 7


Yaaah! Namiss ko magcountdown. Mahirap naman talagang maghanap ng topic to countdown. Ngayon nga, uso na rin sat v ang countdown-countdown na yan eh. Exampol na lang yang Global Shockers na hindi lang sa mga mapapanood ka mashashock, pati sa host; tsaka yang Kap’s Amazing Stories, na digital-digitalan ang dramaness; add pa natin ang Ang Pinaka na countdown din ang theme na samu’t sari ang topic like pinaka malanding celebrity, mga nagcomeback ect ect; at pahuhuli ba ang mga music tv’s? Eh sa kanila nagmula ang mga countdown na yan.

Teka, san na ba ako napunta…?

Frankly, saludo ako sa mga writers ng mga palabas na yan. Hindi nauubusan ng topic. Laging gumagana ang utak. Malas na lang kapag hindi pumalo sa masa ang show. Ligwak ang ratings.

Ano na ba itong naisulat ko?

Ako pala ang dapat na magcountdown.

"Para sa edisyong ito, sasariwain ko ang ilan sa mga laman ng panaginip ko na tumatak sa alaala ko. Yung mga panaginip na alam kong may dahilan kung bakit, ngunit hanggang ngayo’y hindi mawari…"

Putcha tagalong yun huh! Buti na lang Buwan ng Wika…

1. Nag-iisang Ikaw

Among the songs na favorite ko, itong kanta ni Louie Heredia ang may sentimentation value. I was I think 5 years old nung nauso ang kantang ito. Wala pa akong muwang sa kanta, though lagi akong bumibirit ng One Moment In Time sa banyo. (Wahahahaha!) Ang sentiment value came in when one time, while I was still sleeping, binuksan ng nanay ko ang aming mini component na noon ay ga-refrigerator pa kalaki. Pinatugtog ang song na ito ang nagrehistro sa panaginip ko. I can still remember na nanaginip akong nakatingin ako sa portrait ni Jesus Christ na malungkot habang nagbabackground ang mga linyang “Ikaw ang pag-ibig ko, ang tawag ng damdamin. Ang mabuhay ng wala ka, ay hindi sapat...” Tapos biglang shift dun sa paligid ko na parang portrait lang. Naisip ko tuloy, divine intervention ba iyon? Ano kaya ang ibig sabihin ni God sa akin ng mga panahong iyo? Ang above all, why the song?? Recently ko lang ulit naalala yung song, so dinownload ko at pinakikinggan ko sya ulit. There must be something with that song…

2. Mama Mia

On the early years after my mom’s death, super frequent ang mga panaginip ko with her. It might be her way na makadalaw sa akin. Takot kasi ako sa mga ghost chuva na yan. There are dreams wherein kinakausap nya ako, meron naman na nakatingin sya sa akin. The weirdest, as I remember, is that galit na galit sya at naghihimutok dahil may ibang babae daw si Papa. While nagging at me, she is holding a chicken stuff toy! And add to that, hindi lang ako ang nakapanaginip nun that night. Nakwento sa akin ng big sister ko na she had the same dream. Ang saya diba? And ultra weird at the same time. Once naman, I was crying so hard in my dreams and there she is, with the warmest hug, caressing her beloved son. I woke up with tears, making a realization. The dreams were so real na at some point, akala ko buhay pa sya, because she is there. I’d woke up and realize na, “Wala na nga pala sya.”

3. Flying

Biased na kung biased, alam ko, ang course kong tinake eh konek dyan. Might as well na ito ang pinili kong course dahil sa mga panaginip na ito. Sa panaginip ko, alam kong takot akong lumipad. Pero once na natry ko nang lumipad, mataas ang naaabot ko. Even before college days were in, nakakapanaginip na ako na may sasakyan akong lumilipad, mataas na mataas. Nakakalula. Pero malakas pa rin ang loob ko na tumingin sa ibaba. Enjoy ako sa feeling na mataas. Doon na natatapos ang panaginip. There is this notion in me that says, “You’re too afraid to try, but when opportunity comes, you enjoy the fruits of it. Speaking of flying things, there are times, a lot of times I mean na nakapanaginip ako ng nagkacrash na eroplano malapit sa place kung saan ako nakatayo. Yun ang hindi ako alam ang meaning. Pero those sights were scary…

4. Exposed

Alam ko pati ikaw, nakapanaginip na nito. Nakahubad ka. Kitang-kita mo ang iyong kahubdan. Yun bang nanaginip ka pang nagmomodel nang walang damit wahihihihi.

Sabi ng mga dream interpreters, sign daw ito na handa ka nang makita ng iba ang tunay mong pagkatao. Taray! You’re out and proud! Pero paano naman kung may nakakita kang nakabubad? Edi iinit ang pakiramdam, tapos… tapos… may lalabas… malagkit… marami…

Wet dreams pala yun!!! Hahahahahahaha!

Lalaki naman siguro ako, kaya nakakaranas ako nyan, especially on my adolescent stage. Ang mga girls ba may ganyan??

Hmmm…

5. Mishaps and Nightmares

Eto, fresh from the oven na panaginip. Kaninang umaga lang. nakasakay daw ako sa isang bus puntang review center. Though alam kong papunta ako sa review that morning, pauwi sa bahay ang tinatahak kong daan. Weird diba? Nakasakay daw ako sa isang ordinary bus at humararurot ito sa may Santolan Ave. corner Ortigas Ave. Pagliko naming, bumangga ang bus sa isang pickup. Hindi naman humagis ang pickup, pero nakita kong nagasgas ang bumanggang part nito. Tumigil ang nagbanggaang sasakyan. Bumaba ang imberyang driver ng pickup at kinabig sa leeg ang driver at kinaladkad ito sa sidewalk. Kitang-kita ko kung paano pinagbabaril ng pickup driver ang kawawang driver ng bus. Sigawan sa loob ng bus. May umiiyak, may sumisigaw na “Tulungan nyo, tulungan nyo!” pero huli na. Patay na ang driver. Nakalugmok ang driver sa bangketa. Sumugod ang driver ng pickup sa bus. Lalong lumakas ang sigawan. Nagtunguan lahat ng pasahero. Kinalabit ang baril. May pumutok. Alam kong ako ang tatamaan.

Then my father woke me up.

Apart from that nightmarish dream, meron din akong mga panaginip na alam kong familiar sa iyo. Like the eksena na may papatay sa iyo then hinahabol ka. Tumatakbo ka pero parang ang bigat-bigat ng katawan mo. Familiar diba? How about double dream? Yung nagising ka na, pero yung paggising mo, part pa rin ng panaginip mo? Karelate ka no? Or the worst, yung gusto mo nang magising, pero hindi ka makagising, pilit mong ginagalaw ang katawan mo pero parang may nakadagan. Kahit isang part lang maigalaw mo, alam mong magigising ka. Lahat ng lakas mo nasa isang daliri mo, maigalaw mo lang at magising. Tapos pawisan kang gigising. Bad daw talaga yung mga ganoong eksena, kaya magpray ka at magpasalamat kay God pagkagising.


7.06.2007

I Know What I Saw…

Today is the start of a well, sorta, kinda… promotion.

The bosses at the clinic decided to hire me for good. I will be given a definite job in the clinic and they promise to fund my graduate studies after the board exam.

But of course, before the promotion, there’s the lessons, the training and the pressure. Imagine learning a six-year profession in just a matter of weeks…

Yes, in weeks!

I have mixed emotions: Thrilled, because I will be doing something that helps people; Relieved, because the job wouldn’t require me going out of the clinic, running errands every now and then (Thank GOD!); Weary, because there are lots to learn and apply; and of course, happy, because I’m earning my own money!!!

A dream is just about to come true… We’ll see..

Ay ano ba, English-englishan na ito!

Ndi po iyan ang aking iseshare for this entry…

I doesn’t matter if you guys will believe this story. I just got pissed off because no one tries to listen and understand the situation.

Well anyway, here is the story…

Kaninang tanghali, while making my rounds sa clinic for my promotional training, one of the doctors called and asked for some favor. Kinuha ko sa isang room yung Ishihara Color Blindness test na book. It was on one of the rooms nung clinic. It was in a white box with the name in silver letters: Ishihara Color Blindess test Book, 38 slides. Inside is a spring–binded book with lots of colors and circles. Primarily, it is a test about the color perception ng mata ng isang tao. Tinry ko tingnan yung book earlier to check it myself, pero sadly, only two of the thirty-eight figures ang nakita ko, which means…

TALAGANG COLORBLIND AKO!!!!!

Huhuhuhuhu…

Anyway, lumabas ako ng kwarto para ibibigay na yung book sa doctor na nagpakuha sa akin.

Paglabas ko, I saw the doctor (lets call him Chinito) na nakatayo sa may counter, which is adjacent sa may refraction room nearby. Closing the door, sabi ko,

“Doc Chinito, heto na po yung book.”

Before ko inabot yung book, I saw someone with a white gown (which akala ko is one of the doctors – lets call her Pretty) get out of the refraction room going to the counter, passing in front of Doc Chinito. Tinawag ko si Miss Janice, who is on the counter.

“Miss Janice, dumaan po ba si Doc Pretty? Nakita ko sya kanina dumaan kani-kanila lang.”

Nagtaka pa si Miss Janice sa akin.

“Huh? Eh nasa kabilang room si Doc Pretty, nasa lab, natetest ng mata ng isang patient.”

“Hindi sya dumaan? Eh sino yung nakadoctor’s gown na dumaan dito seconds ago? From the refraction room, dumaan sya sa harap ni Doc Chinito, then sa counter.”

“Wala kaya, si Doc Chinito lang doctor dito. Isang oras na si Doc Pretty sa laboratory.”

Then that moment ko lang narealize, none of the doctors present today were wearing white gowns…

Kaninang hapon, before we leave the clinic, I told the story to the rest of the staff of the clinic. Others took it as a joke, others reprimanded me for telling me the story, kesyo magraraise daw ng issue at ghost story sa clinic, others told me, “You shouldn’t have told anyone, kasi napakauncomfortable pakinggan ng story mo.”

Damn! That pissed me off!

Kasalanan ko pa bang makakita ng ganon?

Dinadaan ko na lang din sa joke yung nakita ko kase I will be working in the clinic for a long time and I should be getting used to those things.

And what’s with the staff getting terrified with a ghost story anyway? Eh hindi naman sila magagalaw nun, added to the fact that they are the men and women of science and health and lastly, they are working in a clinic inside a hospital!

Perhaps they need an encounter with those things for them to understand what happened to me this day.

But nevertheless, I know what I saw, and no one can take that away from me.