Yaaah! Namiss ko magcountdown. Mahirap naman talagang maghanap ng topic to countdown. Ngayon nga, uso na rin sat v ang countdown-countdown na yan eh. Exampol na lang yang Global Shockers na hindi lang sa mga mapapanood ka mashashock, pati sa host; tsaka yang Kap’s Amazing Stories, na digital-digitalan ang dramaness; add pa natin ang Ang Pinaka na countdown din ang theme na samu’t sari ang topic like pinaka malanding celebrity, mga nagcomeback ect ect; at pahuhuli ba ang mga music tv’s? Eh sa kanila nagmula ang mga countdown na yan.
Teka, san na ba ako napunta…?
Frankly, saludo ako sa mga writers ng mga palabas na yan. Hindi nauubusan ng topic. Laging gumagana ang utak. Malas na lang kapag hindi pumalo sa masa ang show. Ligwak ang ratings.
Ano na ba itong naisulat ko?
Ako pala ang dapat na magcountdown.
"Para sa edisyong ito, sasariwain ko ang ilan sa mga laman ng panaginip ko na tumatak sa alaala ko. Yung mga panaginip na alam kong may dahilan kung bakit, ngunit hanggang ngayo’y hindi mawari…"
Putcha tagalong yun huh! Buti na lang Buwan ng Wika…
1. Nag-iisang Ikaw
Among the songs na favorite ko, itong kanta ni Louie Heredia ang may sentimentation value. I was I think 5 years old nung nauso ang kantang ito. Wala pa akong muwang sa kanta, though lagi akong bumibirit ng One Moment In Time sa banyo. (Wahahahaha!) Ang sentiment value came in when one time, while I was still sleeping, binuksan ng nanay ko ang aming mini component na noon ay ga-refrigerator pa kalaki. Pinatugtog ang song na ito ang nagrehistro sa panaginip ko. I can still remember na nanaginip akong nakatingin ako sa portrait ni Jesus Christ na malungkot habang nagbabackground ang mga linyang “Ikaw ang pag-ibig ko, ang tawag ng damdamin. Ang mabuhay ng wala ka, ay hindi sapat...” Tapos biglang shift dun sa paligid ko na parang portrait lang. Naisip ko tuloy, divine intervention ba iyon? Ano kaya ang ibig sabihin ni God sa akin ng mga panahong iyo? Ang above all, why the song?? Recently ko lang ulit naalala yung song, so dinownload ko at pinakikinggan ko sya ulit. There must be something with that song…
2. Mama Mia
On the early years after my mom’s death, super frequent ang mga panaginip ko with her. It might be her way na makadalaw sa akin. Takot kasi ako sa mga ghost chuva na yan. There are dreams wherein kinakausap nya ako, meron naman na nakatingin sya sa akin. The weirdest, as I remember, is that galit na galit sya at naghihimutok dahil may ibang babae daw si Papa. While nagging at me, she is holding a chicken stuff toy! And add to that, hindi lang ako ang nakapanaginip nun that night. Nakwento sa akin ng big sister ko na she had the same dream. Ang saya diba? And ultra weird at the same time. Once naman, I was crying so hard in my dreams and there she is, with the warmest hug, caressing her beloved son. I woke up with tears, making a realization. The dreams were so real na at some point, akala ko buhay pa sya, because she is there. I’d woke up and realize na, “Wala na nga pala sya.”
3. Flying
Biased na kung biased, alam ko, ang course kong tinake eh konek dyan. Might as well na ito ang pinili kong course dahil sa mga panaginip na ito. Sa panaginip ko, alam kong takot akong lumipad. Pero once na natry ko nang lumipad, mataas ang naaabot ko. Even before college days were in, nakakapanaginip na ako na may sasakyan akong lumilipad, mataas na mataas. Nakakalula. Pero malakas pa rin ang loob ko na tumingin sa ibaba. Enjoy ako sa feeling na mataas.
4. Exposed
Alam ko pati ikaw, nakapanaginip na nito. Nakahubad ka. Kitang-kita mo ang iyong kahubdan. Yun bang nanaginip ka pang nagmomodel nang walang damit wahihihihi.
Sabi ng mga dream interpreters, sign daw ito na handa ka nang makita ng iba ang tunay mong pagkatao. Taray! You’re out and proud! Pero paano naman kung may nakakita kang nakabubad? Edi iinit ang pakiramdam, tapos… tapos… may lalabas… malagkit… marami…
Wet dreams pala yun!!! Hahahahahahaha!
Lalaki naman siguro ako, kaya nakakaranas ako nyan, especially on my adolescent stage. Ang mga girls ba may ganyan??
Hmmm…
5. Mishaps and Nightmares
Eto, fresh from the oven na panaginip. Kaninang umaga lang. nakasakay daw ako sa isang bus puntang review center. Though alam kong papunta ako sa review that morning, pauwi sa bahay ang tinatahak kong daan. Weird diba? Nakasakay daw ako sa isang ordinary bus at humararurot ito sa may
Then my father woke me up.
Apart from that nightmarish dream, meron din akong mga panaginip na alam kong familiar sa iyo. Like the eksena na may papatay sa iyo then hinahabol ka. Tumatakbo ka pero parang ang bigat-bigat ng katawan mo. Familiar diba? How about double dream? Yung nagising ka na, pero yung paggising mo, part pa rin ng panaginip mo? Karelate ka no? Or the worst, yung gusto mo nang magising, pero hindi ka makagising, pilit mong ginagalaw ang katawan mo pero parang may nakadagan. Kahit isang part lang maigalaw mo, alam mong magigising ka. Lahat ng lakas mo nasa isang daliri mo, maigalaw mo lang at magising. Tapos pawisan kang gigising. Bad daw talaga yung mga ganoong eksena, kaya magpray ka at magpasalamat kay God pagkagising.
No comments:
Post a Comment