Tumawag ang isang clinicmate sa bahay ng isang patient na nagpagawa ng salamin.
CM (Clinicmate): Good Morning, may I speak to Mr. Brandy?
Mr. Brandy: Speaking. Sino to?
CM: Hello SIR! (As in malakas yan) Si Venice po ito, sa clinic. Andito na po ang pinagawa nyong salamin.
Mr. Brandy: Ay ganun? Dumating na?
CM: Opo. Pwede nyo na pong i-pick up. Ang ganda salamin nyo sir! Manipis ang lens (mataas kasi ang grado ng patient, na yung dating lens ng salamin nya, pwede na ipantanching sa sobrang kapal. Salamat sa teknolohiya, manipis ang lens.) Gwapong-gwapo na kayo niyan!
Mr. Brandy: Okey yan huh!? Makikita ko ang hindi ko makitang mundong ng sinabawang gulay!
Until now, hindi ako makarekober sa katatawa sa hirit ng patient na yan. Kanina nga, halos thirty minutes kaming nagtatatawa ng diretso mula nung naikwento sa akin ng clinicmate ang usapang yan. Nagkandahulog pa kami sa upuan kakatawa.
Minsan naman, may pinawatagan ang mga doctor sa isang clinicmate na isang secretary ng isa pang doctor sa hospital. Chit ang first name ng girl.
CM: Good afternoon. May I please speak with Miss SHIT Santos?
Rinig mula sa kinauupuan ko na nagsisigaw ang kausap ni CM sa kabilang linya. Ako naman, kailangang soundless ang tawa, kasi maiistorbo ang mga pasyente. Halos namigas tyan ko kakatawa. Naiimagine ko kung gaano naibyerna ang kausap ng climicmate ko.
==============================
Isang medrep ang dumalaw sa clinic one time.
Ako: Good Morning sir!
MedRep: Good morning sir. I’m from Chuvamids, magpiprisint lang po sa mga ducturs
Ako:
MR: Sigi ser, Ukey lang. Pwidi ba dito sa cher?
Natahimik ako. Ano ang cher?
Sumilip ako from the counter para makita kung ang tinutukoy nya. Ay lintek, chair pala.
Ako: Cge po, sir, feel free. Anything you would like to have?
MR: Anithing fallows.
Ako: Sir?
MR: Kahit ano po. Cuffee pirhaps?
Ako: Right away sir.
Pagkatalikod ko, nagmamadali akong pumunta sa pantry. Nagtago ako sa likod at nagtatatawa. Anything follows amfutah. Sabayan mo pa ng pure Ilonggo accent, ewan ko na lang kung hindi ka matawa talaga.
Pagbalik sa counter, bigay naman ako ng brewed coffee sa medrep. Tingin ako sa medrep.
In fairness, tisoy si mokong, malinis ang getup, pormal-pormalan. Wag lang talaga pagsalitain.
After the coffee, chika ng konti.
Ako: Sir, ano po ba ang products na meron tayo?
MR: Ah sir, mirun ako dito na mga glassis na puliplix.
Ako: Sir? (Hindi ko narinig ang last word)
MR: Puliplix, sir.
Ako: Mulitex?
MR: Puliplix po sir.
Ako: Puliplix?
MR: Puliplix.
Ako: Huh?
MR: Puliplix po sir?
Ako: Ano yun?
Alam kong iritationing na ang medrep sa tanong ko. Alam kong gusto nyang maintindihan ko yung sinasabi nya, pero hindi nya magawa. Either bingengot lang ako dat tym o talagang nagmamatigas ang dila nya. At sa kagagu-gaguhan ko…
Ako: Pakispell po sir.
In fairness, masunurin ang medrep. Todo spell naman ang gago.
MR: Pi, Ow, El, Way, Ef, El, I, Iks…
Ako: Ahhhh… POLYFLEX! (Full force na sigaw na may i-finally-know accent)
Tumigil ang oras sa clinic. Napatingin sa aming dalawa lahat ng tao. Pasyente at doctor. Ang dalawang clinicmates ko, biglang nawala. Ang mga lintek, nagtago pala sa isa sa mga kwarto at naghahahalakhak. Tyempo naman na dumating ang hinahanap na doctor ng medrep. Hinatid ko na lang ang medrep sa kwarto at si doktora na lang ang kinausap. Nung makabalik ako sa counter, tsaka na sumabog ang naipon at napigil kong tawa.
No comments:
Post a Comment