8.20.2007

The Price to Pay

Marami na pala akong dapat tubusin.
At nagsisimula na akong magbayad.

In fairness, yang Be Bench Model-modelan search na yan eh very educational. Wagi sa lessons on self esteem, physical projection, dignity and confidence. Hindi lang sa mga soon-to-be models ang puntirya ng mga sessions, kundi pati na rin sa mga viewers: kung paano pumili ng tamang kulay at tabas ng damit for certain occasions, repertoire ba kung sa music; paano ang attitude upon every situation, na kahit bumagyo’t magdelubyo na, project pa rin, grasyosa ka eh; kung paano pagagandahin ang katawan para mas maganda ang pagdadala ng damit at kung anek-anek pa. I guess, after the search, marami nang mag-aaply ng mga natutuhan sa show na ito. May makikita ka nang rarampa… sa opisina, sa call centers, sa paradahan ng tricycle, sa sakayan ng jeep, sa school, sa ospital (naimagine ko ang mga nurse at doctors na over project habang ngaragan sa Emergency Room wahihihihi) at taas noo mong sasabihin na “Natutuhan ko yan sa Be Bench…”

Hindi ko rin minsan maiwasan na maisip na at some point, naeexploit ang mga models. Kaya bawal sa kanila ang conservative. Tiyak na kailangang may “maipakita” sila. Bahagi naman kasi sila ng advertisement, and consequently, showing at lot of skins is but a necessity. That can be manifested by the humungous billboards flaunted at the national roads. Nakakadisgrasya tingnan talaga.

At some point in my life, I felt I was a model. But I fell in the wrong hands, very unfortunate of me. Below is a letter I sent to my friends several years ago, narrating the things that happened to me. Rated PG13 ang sulat huh…

Ten months ago, I met FM on a site in the internet. He told me he is a talent manager and he wants me to be one of his models. He saw my pics (I can’t understand why someone like me will be invited to be such…) and told me I can work on commercials and print ads. Dahil na rin nung mga oras na iyon ay medyo kapos kami sa pera so pinaunlakan ko na. Sayang nga naman dba??? Extra money rin yun. Binigay ko cellphone number ko at tinext nya ako, pati landline number ko binigay ko ren. Tumawag sya sa bahay at nakausap nya ako. Pinakausap pa nya ako sa mga client nya. Two days after, tinext nya ako, magkita daw kami, para makita raw nya ako in person…

Wednesday noon nung nagkita kami sa isang malaking malll sa Cainta. Ayun, nagustuhan nya ako. Sabi nya pwede raw ako sa mga projects na hinihingian nila ng models. Prints ads ng apparel and commercials ng chewing gums to name a few. He even showed me his credentials ekek, so as to persuade me further. Gaining enough confidence in him, nagpaschedule na ako ng pictorial at VTR. Nagulat lang ako nung sinabi nya na magdala raw ako ng P5000 for the pictorial and set cards. Wala naman akong pera so I asked him kung pwede nya muna abonohan yung iba, kse ndi naman ako makakapagproduce ng ganung kalaking pera in a span of weeks. Ang ginawa ko pa nun.. nangutang pa ako just to pay for that. Nung araw na nakuha ko yung pera, I texted him kung pwede na yung amount na yun. Pumayag sya. Sya na raw muna magaabono ng kulang. So natuloy ngaun yung pictorial.

Days after the pictorial, tinext nya ako kung pwede ko raw muna sya I meet sa Sta. Lucia ulit, so punta naman ako. Nagulat ako nung pagpunta ko sa Sta. Lucia, may kasama syang guy. Yung guy mukhang freelance dancer. Sabi ni FM gusto rin daw nyang magapply na model. Habang kumakain kami, nakita ko na sumenyas si Kit dun sa guy, bumulong pa na, “Ano, ok ba?” Sabay kindat. Tumango naman yun guy. Ndi ko lang pinansin kse I was more of excited to see my pictures. When we left the mall, sumakay kmi ng taxi, at may sinabi si FM sa driver na place na ndi ko na matandaan. Nagpasikot-sikot yung taxi sa Marikina tapos nung alam ni Kit na malapit na kmi sa place, pumara sya. When I saw the place, I was shocked.

It was a MOTEL…

Sabi ko na lang sa sarili ko…. SHIIIIIIIIT… I asked him kung ano yung ginawa namin sa lugar na yun. Sabi nya iche-check lang daw nya katawan ko for any “corrections” to be made. Pinaghubad ako, tapos chineck ako lahat, as in lahat-lahat. Nagulat ako pati yung isang guy naghubad. Sabi ko na lang, “tang ina, iba na to ah”…

To make the story short, I was abused.

The aftermath of that incident worsened my situation. Weeks after, I discovered I have developed a sickness. It was the most devastating part. It was too disturbing to be revealed to anyone that I have to treat it myself. Naubos ang allowance ko just to buy medications for the disease. Luckily, gumaling ako. But the thought of the incident was too heavy for me to carry.

I almost gave up. I was so devastated that I even tried commiting suicide. Mabuti na lang there you guys came and gave me hope. If not for you, baka kung ano na nagawa ko sa buhay ko.

Last Saturday, nanood ako ng Imbestigador, may nabalitang isang manager daw ang nakulong dahil sa pangmomolestiya sa mga nagaapply na model. Alas, when I saw who it was, it was FM! Huling huli ng hidden camera yung mga pinaggagawa nya, yung CR thing, yung panghuhuthot nya sa mga models nya. Lahat ng kagaguhan nya nalantad. At sa pagtatapos ng segment na yun, nagbabala sya. He’ll give the names daw ng mga models who “voluntarily” gave themselves to him. Doon na ako natakot. Guys, kung sakaling pati ang pangalan ko ay madawit sa kaso nya, hindi ako magdadalawang isip na magsalita laban sa kanya. Ilulubog ko sya lalo sa kaso nya. TANG INA, dahil sa kanya nasira ang pagkatao ko. Tapos ngaun nagbabalak pa syang idamay ako pati ang mga inosentent models na pinagsamantalahan nya.

Well, anyway, that was years ago, and kahit papaano, nakamove on na ako sa mga nangyari. Hindi naman nangyari yung mga kinatatakutan ko. Pero isa ito sa mga bagay na ininda ko. Tinago. Sinarili.

Marami na pala akong dapat tubusin.

At nagsisimula na akong magbayad.

This past weeks, every time na pagod ako, nakakaramdam ako ng sakit sa dibdib. Parang may nakatusok. Hindi naman ako nahihirapan huminga, pero repeatedly ko nang nararamdaman. Kanina lang, bago ko sunduin ang kapatid ko sa Glorietta, naramdaman ko ulit. Parang naipit ang ugat. Bahagyang makirot. At ngayong sinusulat ko ang entry na ito, hawak ko ang dibdib ko. Ayan na naman. Masakit.

I can still remember nung bata ako, may mga times na kapag umiiyak ako, hindi ako makahinga. The family would be rushing to me, kasi daig ko pa ang itsura ng isang hinihikang bata. Parang nauulit ngayong nagbibinata na ako.

Naisip ko tuloy, nagbabayad na ba ako??

Sa bawat sama ng loob kong hindi ko nailabas? Sa bawat galit kong pinilit kong itago? Sa mga pangungutya sa pagkatao ko na pinilit kong ininda? Sa mga pinakamaiitim na sikretong ako lang ang pumasan? Sa mga kabiguang hindi ko pinakawalan?

Ito na ba? Naipon na nga bang lahat? Kailangan na nga bang tubusin?

Lord, huwag po muna. Babawi pa po ako.

Lalaban pa ako…

No comments: