8.24.2007

Behind Enemy Lines…

Friday night na nanaman.

Bukas mas maaga ako dapat magising.

Tatahak nanaman ako sa mas mahabang byahe.

Mas malayong lakaran.

Para muling mag-aral.

Malapit na ang board exams. Shempre, after months of stagnant knowledge, kailangan ng konting refreshing para ready na sumabak for the licensure exams. Imagine, five years of learning to be compacted in three months of review. Pigaan ng brain cells ito.

Stressed talaga ang feeling ng may work at nagaaral in one. Ay hindi pala, nagmumuling-aral pala. Physical stress sa work, intellectual stress sa review. Kamusta naman? Emotional output na itu. Kaso wala. Walang maramdaman.

Charut. Hahahahaha...

Kailangan, praktikal na.

Hindi na pwedeng paguran at pahirapan moments.

Kailangan fast, reliable at simple ang buhay.

Hindi dapat laging nasa agos.

Ayan ang mga prinsipyong naghatid sa akin sa pagpapasaway.

Kailan nga ba hindi ako naging pasaway anyway?

In fairness, most of the topnotchers ay nanggaling sa skul namin. Kaya proud ako at dun ako nagaral sa Alma Mater Dolorosa ko. Though medyo malayo ang skul, malayo talaga ang skul. (Wahahahaha ano yun?) Kaya wala akong choice kundi sa katunggaling skul ako magrebyu.

Yes mga kapatid!

Sa kalabang skul ako ngayon nagrerebyu. Mas malapit kasi. At the same fee, menos pagod at gastos. Malapit lang. madali pa ang access ng travel. Hindi na RORO. Sakay baba sakay baba. Haggard kaya. Tunaw na ang bagong paligong aura. Sagap na lahat ng alikabok at polusyon bago makarating ng skul. Dito sa kalabang skul isang sakay lang. Aircon pa ang sasakyan. Sarap.

Ngayon ko narealize na angat ang Alma Mater Dolorosa ko pagdating sa venue. Hindi bahain. Malayo sa kabihasnan kaya tahimik at matiwasay. Noong pumapasok pa ako, the only thing you can hear outside is the chirping of the birds at the noisy grazing of the goats. May bukirin kasi sa tabi ng skul so serene ang ambiance. Malinis. Tahimik. Ang katunggaling skul, nasa ilalim ng riles ng tren, kaya laging maingay; nasa tabi ng ilog kaya laging bahain at higit sa lahat, nasa puso ito ng urban jungle. Magulo, maingay, matao. Pero magkaganunpaman, ayos lang, try naman natin ng ibang flavor. Adventure ba kumbaga.

Pero nabalitaan ko, isang prominenteng university na ang may hawak sa kalabang skul. Kaya bumabawi sila sa facilities. Ang taray ng mga bagong classrooms. Aircon lahat. Glass ang dingding. Whiteboard at marker. 1:1 ang ratio ng mga laboratory materials. Automated ang mga CR’s. May ilalaban na talaga. Yun nga lang, hindi pwedeng ilipat ng location ang skul. Wahahahaha.

Pang-apat na linggong review class ko na as of tomorrow. Mula 9 am till 5 ang review. May libreng lunch meal courtesy of the floating canteen (float ka muna bago marating ng canteen kung high tide).

Kailangan karir-karir ang pagrereview. Andyan ang gabundok na reviewers, mock test papers na kahit apat na choices ang pagpipilian, parang walang sagot. (Hahaha tinamad magsolve!) Andyan din mga sangkatutak na handouts na limpak-limpak na impormasyon ang laman. May iba ngang nababasa ako, hindi ko matandaang narinig ko nung nasa kolehiyo pa ako. Kaloka! Diniscuss nung absent ako? O bagong discovery ala National Geographic? Ang ugali ko pa naman, kapag nakarinig ako ng bagong term, mahirap maalis sa isip. Umuukilkil. (Hahahaha what a term!) Kahit walang kakonek-konek, kailangang maiapply sa pang-araw-araw na buhay, para lang maalala. Ewan ko ba, nagloloko na kasi ang memory system ko. Madaling nang makalimot. Stressed induced? Might be.

At times pa, kung saan pa pinakabasic ang knowledge, dun ka pa nagkakamali. Palibhasa, kinarir kung kinarir nung nag-aaral pa. Kaya ngayon, akala ko chipipay na magsagot ng simpleng algebra at trigo. In fairness naman, nasasagot ang karamihan. Pero may mga items talaga na may shunga proportions. Simple na nga lang, mali pa. Hayz, magrebyu na lang ulit.

Ito ang masaya.

Halu-halong students ang nagrerebyu. May mga bagong graduate, may mga nagtake na pero hindi pinalad nung nakaraang board, at meron naman PhD na sa rebyu. Iba-ibang skul nanggaling. Buti na lang, higit na nakakarami ang mga schoolmates, kaya less OP status. Meron pang mga tumawid ng isla para magrebyu. Sama-sama yan sa isang classroom. Iba-ibang style ng turo, iba-ibang approach sa lessons. Kanya-kanyang dala ng pangalan ng skul. Ang goal, kailangan itayo ang bandera ng skul na pinanggalingan. Hidden competition itu.

Since college days, mahilig talaga akong makidebate sa professor kung medyo saliwa na ang information. Maganda at magalang naman ako mag-approach sa professor. At may sense. Diyan ako naging controbersyal. Lalo na kapag alam kong tama ako, kailangan mailabas ang totoo. Mahirap naman na kahit mali-mali ang itinuturo ng teacher, iaabsorb na lang ng students. Kung nasa DepEd siguro ako, maraming libro ang hindi mailalathala. Wahahahah demonyo mode itu.

One time, may nakita akong mali sa solution ng instructor sa review. Sa kahaba-haba ng solution eh hindi makarating sa inaasam na sagot. Isang buong whiteboard na ang nagamit eh windang pa rin lahat dahil ayaw lumabas ng sagot. Nung masumpungan ko ang mali sa solution at tinama ko, nakuha ko yung sagot. Buong galang kong sinabi sa instructor ang aking solusyon. Aba, ayaw patalo ng instructor! Kesyo daw walang basis ang solusyon. Nagpanting ang aking tenga! Tumayo nga ako’t pinakita ang solution sa instructor. Nung makita ang solusyon ko, nagpasimple pa ang instructor na dumi sa board ang nakitang sumobrang entity sa equation. Nagbura at presto! Kuha ang sagot. Ni thank you for the correction, wala. Pride talaga ng professionals, kaloka.

Nung bumalik ako sa upuan, sinusundan ako ng tingin ng mga taga-ibang schools. Malalim at matalas. Halatang intimidated. Or perhaps culture shock. Nakakita ng malditong student na may kabugan moments with the professor. Ang mga skulmates, aprub naman sa action ko. (O perhaps sanay na sa akin? Wahihihihi) Sabi ni bestfriend ko na Magna Cum Laude na nagrerebyu sa Alma Mater Dolorosa, “hindi ka talaga nagbago…”

Pero shempre, behind all these, dulo pa rin ng ballpen ang magsisilbing hatol kung dapat ng nga akong makakuha ng lisenyang limang taon kong binunong makuha.

God bless na lang sa akin at sa lahat ng mga reviewees!

See you all sa finals…

No comments: