"When the night, has gone..."
Sunday night. Pauwi ako galing sa misa. Dala ang baong sermon ng pari at ng aral ng ebanghelyong “The feeding of the five thousand”, masaya akong binagtas ang munting kalyeng maghahatid sa aming tahanan. Paekis-ekis man ang daan dahil sa kaliwa’t kanan na parking ng mga sasakyan, ok lang. May ilaw naman ---
O bakit madilim dun?
Ay nako! Brownout ang three-fourths ng street, kaloka. Ewan ko ba kung bakit ganito ang pagkakakabit ng kuryente
Habang papalapit akong naglalakad, waring nang-aanyaya ang madilim na bahagi ng street. Parang kwebang hindi pa naeexplore ang hindi kalayuan ng street dahil sa dilim. Kapag nasa liwanag ka, parang patay ang bahaging madilim kapag natatanaw mo, pero kapag nasa dilim ka na, iba, as in kakaiba!!
Lumalabas ang pagiging masayahin ng mga Pilipino kapag brownout. Andyan ang mga batang nagsasama-sama at sumasayaw habang inaawit ang “Itaktak mo!” Andyan ang mga binatilyong nag-iinuman kasama ang mga barkada, habang nakatumpok sa isang nakagaraheng jeep. Makikita rin ang mga misis na naglalabasan ng tsismis habang nakaumpok sa isang tindahan with matching anahaw na pamaypay cooling those sweaty brows and singits ahihihihi. Isang part pa lang yan ng street. Yun bang buhay na bahagi ng street.
Dahil siguro sa pagkayamot sa brownout eh alas nuwebe pa lang ng gabi eh tulog na ang iba sa mga kapitbahay namin. At ewan ko kung bakit kailangan magtirik ng kandila sa tapat ng pintuan. All Souls’ Day? Nagmukhang ghost town itong part na ito ng street. Naalala ko tuloy yung dalawa sa mga attractions sa Starcity; ang Gabi ng Lagim at
Anyway, diretso ako sa lakad. Ayaw ko na maglililingon kung saan-saan at baka kung ano pa ang maisip ko. Tungo na lang ako at baka makaapak ako ng tae ng aso o pusang pagala-gala sa lugar namin. Maingay ang mga sumunod na bahagi ng street, lahat ata ng tao nasa labas at mainit daw sa loob ng bahay, get to know the kapitbahays ang drama. Pero wag ka, kung may kuryente, lahat ng yan nakatutok sa Rounin o Jumong, walang pakialam kahit nagkapatayan na sa kabilang bahay.
At long last, narating ko rin ang aming tahanan. Kung titingnan, mukhang abandoned house ang bahay namin kesa sa iba, medyo may kalakihan at kalumaan na rin kasi, at hindi pa tapos, wala pang terrace. Sa taas lang may liwanag, madilim sa ibaba. Sigurado tulog na ang Buena Familia, lahat nasa taas na, maliban sa akin na kararating pa lang. Pagkabukas ko ng gate, tumambad ang isang maliit na kandila sa tapat ng pintuan.
Jozzzzkooo… manggaya ba sa kapitbahay?
Pagkabukas ko sa pintuan, tumambad ang madilim na sala. Aninag lang ang karampot na liwanag mula sa kandila na nasa itaas. Diresto ako sa kusina. Kapa dito, kapa doon, hanap ng kandila at posporo. Sa kadiliman ng gabi, pummunit sa katahimikan ang alulong ang isang aso ng kapitbahay namin.
Punyetang aso… (With scared factor na itu)
Nang biglang may dumaan na malamig at mabuhok ng bagay sa binti ko…
EEEEEEEEEEKKKKKK!!!
Lintek na pusa ka!!! Munnniiiiiiing!
No comments:
Post a Comment