6.21.2007

Lamentations of the Blind Man… in Colors


“What’s the color of my teeth?”
"Beige! Off-white! Ecru! Stucco! Mother of Pearl!”

When I remember these immortal lines from a commercial of a toothpaste 10 years ago, I can’t help but get annoyed. Imagine toddlers can recognize such variety of colors! If I’m one of the kids there, I’d simply say…

“Yellowish! Magtooth brush ka kasi teacher!”

Wahahahahahaha

Since I was a kid, lagi na lang ako napapahiya kapag kulay na ang usapan.

Naalala ko tuloy nung kinder pa ako, pinagdala kami ng mga art papers. Tapos pinatayo kami sa harap ng class to pick our favorite color. Nung turn ko na, medyo nanginginig pa ako pagpunta ko sa harap. Afraid sa audience pa ang eksena ko, kahit ang mga kaharap ko lang eh ang mga mangilang-ilang autistic kong classmates at ang napakaganda kong teacher. Yabang pa ng banat ko…

“My favorite color is the color of the sky, Blue!!!” sabay taas ng isang art paper.

Wahahahahahahahahahaha! Humagalpak ng tawa ang buong klase, pati ang mga autistic kong classmates, naglingunan sa harap just to laugh. Kitang-kita pa ang mga bungi at sirang ngipin ng iba kaya lalong kainis.

“Boone, that’s not blue, that’s violet!” nakangiting sabi ng teacher ko, na obvious na nagpipigil lang tumawa.

Iyak na lang ako pag-upo, napahiya ako eh…

Tapos minsan, coloring activity naman. Binigyan kami ng picture ng landscape sa isang piece ng paper. Yun bang may drawing ng mountains, farm, seas, kubo tapos may araw sa likod ng mountain na nakasmiley face pa. Ang instruction, kulayan ang picture. Simple diba? Eh nung mga panahong yun, hindi ko pa nadiscover na may pangalan pala ang 24 na crayons ko sa gilid so kung anong matipuhang kulay na sa tingin ko eh ok na, go, kulay na ito. After the activity, shempre, explain ulit ng ginawa.

Ako ang unang tinawag!

Edi go, explain explain habang nakataas ang aking masterpiece. Kesyo the color of the mountain is brown, blue ang seas, green ang farm at yellow ang sun. Tama naman ang color scheme diba? Yun nga lang, iba pala ang nakikita nilang lahat.

Carnation pink ang seas, yellow orange ang farm na kulay **e daw, brown nga ang mountains pero may black sa taas kaya nagmukhang bulkan, orange ang kubo at ang higit sa lahat… yellow green ang nakasmile na sun.

Shempre, laughing galore ang klase, pati ang teacher. Iyak na lang ako pag-upo.

Nung elementary naman ako, nagkaroon kami ng project na color wheel. Gumawa daw ng circle at ipakita kung saan ang primary, seconday at tertiary colors. Shempre, dahil level-up na ang powers kong magbasa, wala akong mali sa color wheel dahil nababasa ko na ang mga kulay sa gilid ng crayons ko. Edi gawa muna ako ng circle at dinivide sa 12 para makulayan. Naglagay pa ako ng pangalan sa bawat ‘pizza slice’ para mas madali. Go, kulay kulay. Nung matapos ako, takang-taka ako bakit parang iisang kulay lang ang violet, blue violet at blue pati ang yellow, yellow orange at orange. Hindi ako matahimik. Hanggang sa pasahan ng project eh hindi ko madistinguish ang pagkakaiba ng anim.

Tapos Grade 2 ata ako nun, naligo kami ng mga kapitbahay sa ulan, keber nang hubo’t hubad ako nun, wala naman malisya (tsaka lahat kami hubo’t hubad nun!). After nung ulan, nagsigawan ang mga kalaro ko habang nakaturo sa skies, “May rainbow! May rainbow oh!” Shempre tingin naman kaming lahat sa skies.

May rainbow nga! Woooow!

Usap at turo ng colors ng rainbow ang sumunod na eksena. Hindi ko mawari kung saan nanggaling ang lintek na ROYGBIV na pinagsasabi nila. Yellow at blue lang kaya ang nakikita ko. Defend to the max naman ang mga friends.

“Ayun oh, yung red, orange at yellow, green, blue, indigo(anong kulay yan?) at violet”

“Saan ba dyan? Yellow at blue lang nakikita ko.”

“Ayun oh, ganda kaya ng combinations.”

“Saan nga?”

“Ayun oh, bulag naman to.”

Ilang minuto pang pagtatalo…

“Ayan, wala na tuloy ang rainbow.”

Kamot na lang ako ng ulo at umuwi para magbanlaw.

Nung grade six nman ako, project naman namin noon ang Advent Wreath. Magpapasko kasi at Catholic school kami, kaya lahat ng ecclesiastical event, pati piyesta ng Santa Santita, kelangan icelebrate. Kailangan ng violet, pink at gold na ribbons na itatali sa kandila na nakatayo sa isang green na donut na binilot ng green na crepe paper, pinira-pirasong dyaryo at alambre. Shempre, dahil medyo matanda na, ako na ang bumili sa grocery ng mga gamit. Sa kinatanga-tanga ko rin, hindi ko na tinanong sa saleslady kung anong kulay nung bibilhin kong ribbons, basta mukhang violet, hala turo at bumili ng dalawang yarda. Pagdating sa bahay…

“Bakit blue itong binili mo, anak? Diba dapat violet?” tanong ni mama.

“Hindi po ba violet to, mama?"

Balik ako ng grocery at bumili ulit.

High school. United Nations celebration. Ako ang naasign na gumawa ng mga flags na maliliit na ilalagay sa buong classroom. Ang country yata namin noon eh Syria, kaya ang flag eh black, white, red at dalawang green stars na maliit dun sa white. Sa kamalas-malasan naman, nagbrownout sa lugar namin nung gabing ginagawa ko yung mga flags. So gupit and dikit on candlelight ang drama. At dahil yellow ang light ng kandila (alam ko yun, alam ko yun!!!) Hindi ko makita ang green at red.

Ah bahala na, basta gupit at dikit na lang.

Kinabukasan, judging ng mga classrooms sa decors ng bansang nirerepresent nila. Maaga akong dumating para magdikit ng mga little flags, kasama ng mga classmates kong naglalagay ng buhangin sa sahig ng classroom para mukhang desert daw at ang aming Miss Libya na pinagmukha nilang muslim. Maya-maya, dumating ang adviser namin. Umikot sya at naginspect ng progress namin. Tumingin sya sa dingding…

“O, bakit baliktad ang green at red? Diba dapat green stars? Bakit red ito?”

Ayun, minus points ang buong class. Mali daw yung flag, sabi ng mga judges. Kala ko makakalusot.

College. First year. Nagparequire ang isang professor na bumili ng book sa Algebra, kulay green. Binigay pa ang author at publication company ekek. Pagdating ko sa bookstore..

“Miss, may Algebra book kayo by (author)?”

“Meron po sir, wait lang po huh.”

Pagbalik ng saleslady, may dala siyang book.

“Sir, eto po.”

“Miss, sure ka ito yun? Wala na kayo ibang kulay?” (bakit ko ba tinanong to?)

“Ayan lang po yun sir.”

“Kasi sabi ng prof ko, it should be green, yellow to eh.”

Ngumiti ang saleslady. Sir, green po yan…”

“Ah ganun ba? Thank you miss...”

Diretso ako ng cashier. Pinagpapawisan akong nagbayad ng book. Hindi ko man tinitingnan yung saleslady na nagbigay nung book pero alam kong nakangiti sya sa akin nung dumaan ako.

Third year. Wala ako ginagawa sa bahay. Pinagtripan ko yung webpage ng CBIT yahoo group. Gagawin kong monochromatic blue ang webpage para abstract ang dating. Punta ako sa edit colors page at nagexperimento. Hala basta makapili at maganda sa mata, ok na. Hanggang sa masatisfy ako at sinave ko ang colors ng webpage.

Nagonline ang mga friends at nagcomment..

“Baklang-bakla naman ang nagdesign ng page… Tingnan nyo naman ang colors… Violet, pink and indigo! Wahahahahaha!”

Never na akong gumalaw ng webpage. Ever.

Nung nasa PULSE pa ako, ako ang nagdesign ng tshirt ng batch namin. Shempre, dahil choir, alam ko ang theme. Music. Black ang color ng shirt kaya dapat light lahat ng kulay. Pumili ako ng pinakamagandang font para sa backside ng shirt, nakasulat kasi doon ang full name na PATTS Universal League of Singing Enthusiasts. Maganda ang kinalabasan ng design. Logo, staff at name ng choir lang ang nakalagay sa shirt pero napaganda talaga. Excited pa akong ipakita sa choir ang ipagmalaki ang finished product na shirt. Nung dumating yung shirt…

“O see, diba ang ganda ng backside? Name lang ng choir in color blue…”

Tahimik ang choir…

“Violet kaya yan, kuya.” sabi ni Ysa

“Ah ganun? Pero at least maganda ang font...”

Bumawi pa, palpak naman…

Wash day. Saturday, shempre, kanya-kanyang porma ang mga students. Trip ko noon mag monochromatic, para maiba naman. Lagi kasing jeans and shirts eh. Suot ako ng “brown” na polo, brown na slacks at suede shoes. Cool diba? Pagpasok ko pa lang sa gate ng school, sigaw agad ang isang friend ko from afar. Sigaw talaga, pramis.

“Oi, Boone, bakit ganyang suot mo? Para kang naglalakad na puno, green at brown! Saan ka itatanim? Sa La Mesa dam? Tamang-tama may reforestation project dun. Wahaha!!”

Gusto ko matunaw sa gitna ng quadrangle pagdaan ko…

Sa dami ng kapalpakan ko sa mga kulay, na trauma na tuloy ako. Yung dati kong pangarap na mag Flight Engineer, natakot na akong gawin, baka magkamali-mali ako ng tinging sa signal lights ng mga eroplano, disgrasya sigurado ang abot. Pati pagpipiloto at pagpaflight steward, hindi na rin pwede, bawal daw kasi ang colorblind dun. Everytime na tatanungin ako ng kulay, never naging declarative sentence ang sagot ko. Laging tanong, never kasi akong naging sure. Kung may bibilhin ako sa grocery at importante ang kulay at hindi nakaspecify ang color sa packaging, kailangan may kasama ako na magtuturo or kailangan na magtanong ako sa saleslady o salesman, kahit na nasa harap ko na pala yung item.

Minsan, nagtanong ako sa boss ng ate ko na isang ophthalmologist kung ano ang sanhi ng colorblind. Nasa registration daw yun ng wavelengths sa mata, na baka nag-overlap yung ibang nerves, kaya hindi ko nakita ang difference between certain colors. Nagpatest din ako for colorblindness, yung may mga bilog bilog tapos hahapin yung number o letter na mabubuo ng magkakatulad na kulay. Ayun, positive nga ako for colorblindness, wala ako makitang symbol. Huhuhu…

Pero at least, may mga phrase na may colors na alam ko ang ibig sabihin. Gaya ng…

“When I’m feeling BLUE, all I have to do, is take a look a you..”

“Kuya, GREEN minded ka talaga…”

No comments: