5.20.2007

Raptusinco! Part 2


O diba, may part 2 agad ang aking Raptusinco! For my second installment, I'll be having five of the groups from the television series of the yesteryears with five members (ndi ko talaga favorite ang 5 diba?)

1. Maskman

For people of my ageline, these groups are very familiar and very popular. Composed with three males and two females, each owning a colored suit and a helmet. A combination of black, blue, green and red suits for the males and yellow and pink for the females. Kung kasing tanda mo na ako, alam mo na ang sequence ng program. Lababas ang monster, maghahasik ng lagim, tapos to the rescue ang lima. Ndi muna nila haharapin ang monster, kasi lalabas pa yung mga alalay nito na pare-pareho ang cover-alls, (hahahaha) tapos lilgwakan ng konti at gagamitin ang super electromagnetic chuva gun, may pyramid formation ekek pa tapos ayun, patay ang monter. But wait there's more! Magmamagic-magic ang archnemesis at boom! Lalaki ang monster, at maninira ng mga monobloc na buildings, tsaka to the rescue ang mga sasakyan, sasakay ang mga bida, pose-pose ng konti, at poof! Mabubuo ang super robot. Konting sabog-sabog, suntuk-suntuk, at pag-nilabas na ang super mega sword, afraid na ang giant. With a switf blow, ayun, dedz and monster. Shempre, unforgettable din ang mga themesong. Immortal nang matatawag ang mga linyang 'Humanda na kayo, kampon ng kadiliman, oras na ng pagtutuos, kasamaan nyo'y dapat nang matapos. Narito na sila, bayaning tagapagtanggol, sa masama'y lilipol!'

2. Sailormoon

Wahahaha! Naalala ko tuloy yung blog ni Wanda about our sexy sailor soldiers. Baklang-bakla daw mag transform... Ahihi. Pero true, these femme fatale superheroes have it. Sisigaw lang sila ng "Kapangyarihan ng araw, taglay ay liwanag, kambal na lakas..." Ayy mali! ahahahaha... May trademark sila na hinding-hindi malilimutan. Maglalabas ng makeup sa kikay kit, at ayun, magsisimula na ang fffffoooooorrrrrrrrttttttttttyyyyyyyy-eeeeeiiiiiiggggggghhhhhhhhtttttttttt million years na transformation. "Ang kapangyarihan ko'y nagmumula sa compact powder at nail polish!" Matagal ko na rin pinagmumuni-muni bakit walang Sailor Earth. Kase nasa earth sila? At ang nakakatawa pa... kapag laban-laban na, andyan na't gagamitin na ang mga powers na kahit kelan eh walang epek sa kalaban. Tapos kapag nakorner na ang mga hitad, lilipad na ang rose ni Tuxedo Mask at poof, save the day ang sailor warriors. Tapos final blow na ni Sailormoon. Hala ffffoooorrrrttttttyyyyyy years ulit. Pose-pose with matching emote at boom, ligwak ang monster. The plot includes having Sailormoon and Tuxedo Mask as the reincarnation of Queen Serenity and King Endymion of the Crystal Palace. Originally, five lang talaga sila, eh trip ng plot nakumpletuhin ang solar system, kaya yun, pumasok na sa eksena ang Uranus (na lalaki ang alterego, san ka pa?), Pluto (na girl counterpart ni San Pedro), Neptune (sya ang pinakamaganda as i see) at Saturn (na naging villain in the later series). Pero sheeet, wala pa rin Sailor Earth at Sailor Sun?

3. Voltes Five

Meet the Armstrong brothers Steve, Little John and Big Bert, Jaime Robinson and Mark Gordon! The formidable Voltes team. They are secretly trained by the Earth Special Forces for personal combat to pilot aviation vehicles that will form Voltes V ay mali Voltes Five. Until now hindi ko gets kung paano nila natutuhan magpalipad ng eroplanong mukhang hindi naman lilipad (kamusta naman kung lilipad ang sasakyan ni Jaime and Big Bert diba?) Then I saw the series ulit on DVD Quiapo version. Diretso palang feed sa utak nila ang paggamit ng mga battle ships. Taray! Matrix ito... At ewan ko rin bakit naasign ang pinakamalaking sasakyan sa pinakamaliit na pilot at ang pinakamaliit ng sasakyan sa pinakamalaking pilot. Pero ang masaya sa series na to, may family values. Kaya ang ending, nalaman ng buong pangalan ng Archenemy ng Voltes team ay Prince Zardos Armstrong. Magaling, magaling, magaling! At dito sumikat ang lahat ng kakaibang mga weapons (Super-electromagnetic whip / top / ball, Voltes Bazooka) na pa showy-epek lang, ndi naman kayang ligwakin ang monster ng mga Bozenians. Laser Sword lang pala ang katapat. Nyek!

4. The Amazons of Pumaley-ar

"Shigi-shigi ya. shigi-shigi yua!"At sino naman may sabing bida lang ang ilalagay ko dito, shempre, may mga villainesses din. Here's the five deadly assasins from the world of the "Time Space Warp, ngaun din!" series: Shaider. Sinong makakalimot sa malaking tengang si Alexis at ang reyna ng pasador na si Annie (hindi kaya panty yun, pasador, cheap!) sa drag queen na si Yda at sa monster na nanganganak ng itlog sa bibig na si Pumaley-ar. Mabalik tayo. Sila ang institution ng mga fashion statement ating kapanahunan. Palda at sleeveless na tops, na may silver accents, mataas na pusod at tiara (san ka pa?). At mahihilig ang mga lola nyo sa tali. Ang trend, palilibutan ang bida, at yun, itatali at sabog-sabog, shempre, aray-aray ang epek ng bida. Isang putok lang ng baril ni Annie or ni Shaider, tumba na lahat. Hitting five girls with one shot, Bow!

5. Voltron

Ito ang Voltes Team na nag-upgrade. Going universal na, hindi lang international (Taob!) These five pilots, also trained in secrecy to pilot five mechanical elemental tigers to form the super fighting robot Voltron (Na train din kaya sila na ihandle ang element na hawak ng tiger nila? Ilabas ang brilyante!). Ewan ko ba, magreresign ang mga mechanical engineers kapag nakita ang mga powers na mga ito, like na rin sa Voltes Five. At panalo ang sword nila huh, nilikha ni Mupalmo. May design-design pa kuno sa tip, panghihiwa lang naman ng robot. show off!

Ayan, five things under the sun, kung may mga suggestion kayo na ilagay dito, gawa lang kayo ng list, basta lima lang, and state the common denominator in each. Ang mga tinuran dito ay para lamang pagkatuwaan, kaya wag seryosohin. Tandaan, ang tamaan, (sabay tapik sa noo) GUILTY!

No comments: