"Ano ba ang pinaglalabanan ngayon? Perang pinaghahawakan, kasikatang pinangagalagaan o ang kagustuhang maglingkod sa bayan?"
San pa kaya sa ibang bahagi ng mundo ka makakakita ng mga kakaiba at kakatwang mga kaugalian kapag may halalan?
1. Vote for me as best actor / actress!
Kaliwa't kanan ang mga celebrity candidates. From the barangay council up to the presidency, nako, hindi nawalan ng artista. Ndi na basta kinukuha ang mga artista para magpasigla ng isang kampanya; sila na ang nangangampanya (kunsabagay, tipid sa talent fee hehehehe). Tayong mga Pilipino, hindi na rin nadala. Kesyo maganda ang mukha o puro box-office ang pelikula, iboboto basta tumakbo. Pero ang kapansin-pansin ngayong eleksyon, tila lumabnaw ang mga artista sa pulitika. Tingnan na lang natin sa senatorial race, malayo nang makalahabol ang mga artista. Sa mga lokal naman, umaarangakda ang mga mga sikat! Tingnan na lang natin kapag nakaupo na sila. Pero manalo man o matalo, publicity pa rin ng artista yan. Parang hindi na nalayo ang pulitika sa mga showbiz news. At masama nyan, kapag artista ka, mas maraming nauungkat ang kalaban mo sa nakaraan mo. Eh public entity ka eh, may lumabas ka lang ng near nude pic, ayun, ibabandera. Makita ka may hawak na baraha, sugarol ka na. May nakaakbay kang ibang babae, babaero ka na. Kulit no? At saan ka pa sa commercial endorsements!? (next item ko pala yan. ahem)
2. Commercialism... to death!!!
Ang kapangyarihan nga naman ng tv, radyo at internet! Bago mag Mayo katorse, araw-araw mong makikita ang pagmumukha ng mga kandidato. Kanya-kanyang estilo (production counts, bah?), kanya-kanyang hatak ng artista (less talent fee kung artista ang kandidato, flash lang ng mukha, pwede na!) kanya-kanyang jinggle (lakas siguro kumita ng mga composers last campaign period no?), kanya-kanyang theme (which is mostly pang-masa, para nga naman abot kamay lahat ng Pinoy) at higit sa lahat, kanya-kanyang gastos na shempre, walang nakakaalam kung saan nanggaling ang milyones na binayad. At talagang ndi pinalampas ang internet! Katangi-tangi mo na nga lang na libangan, ginawa pang campaign material. Bigla na lang maglalabasan ang mga mukha ng mga kandidato habang nagsusurf ka ng internet, kainis diba? Sa tingin ko nga, tila nalaos ang mga streamers at mga flyers. Salamat sa MMDA at nagmukhang malinis ang Maynila kahit paano dahil pinagbawal ang mga unauthorized na pagdidkit. Pero pasaway talaga ang Pinoy, kahit na bawal magdikit, hala, salpak ng posters kahit saan. Ang trend pa ngayon , mas marami kang commercial (with matching trademark na action/pose, panalo ka hahahahahaha)
3. Eleksyon na, handa ka na ba?
Ang pangyayaring ito ay binase ko sa nangyari sa elementary school na presinto namin nung kami ay bumoto. Ok sana ang setup nung umpisa, kase pagdating namin sa elem. school, punta agad kami ng voter's assistance center, bigay kami ng pangalan tapos hinanap kami sa database para malaman kung ano ang precint no. namin. Ito na ang masaklap. Naikot na namin ang buong skul bago namin nakita ang aming precint, na nasa pinakaitaas pala at nasa pinakadulo pa. Kamusta naman diba? Sana may directions man lang kung pano makarating sa kabilang ibayo ng planeta. Buti na lang, at may dala akong listahan ng mga iboboto (Kainis, sana 13 ang pwede iboto, nagminimi-maynimu pa tuloy ako between the last 3 on my list). Tapos and indellible ink, ga-garapatang busog ang pinatak sa aking finger, ayun, para tuloy may bagong manicure ang aking index fingernail. At paglabas namin na skul, tsaka tumambad sa amin ang map ng mga precints. Kamusta naman talaga?! At muntik kong makalimutan, ang nanay ko na anim na taon nang patay, nasa listahan pa. Goodluck naman...
4. Election Violence... before, during and after
Hindi na naging bago sa atin na gabi-gabing may headline na... Mayoralty candidate ng ganitong lugar, inambush! Mga supporters ni ganire, nagrally! Ballot boxes sa ganito, sinunog / inagaw / pinaanod / nilangaw / kinain / pinulutan! Wahahahaha... Grabe talaga. Pero kung titingnan nyo, may mabuti ring maidudulot ang eleksyon violence. Mas maraming job openings: bodygurads at sekyu, diba?
5. Canvassing Boo-boos!
Ayan, may nabalita kanina lang, isang van ng mga election returns, nakita sa Pasig mukhang balak ipuslit. Bakit naman sa Pasig pa? At eto pa, sa Taguig den, kahapon pa dapat natapos ang bilangan sa mga precints, hanggan ngayon may sinusubmit pang election returns, edi shempre nagtaka ang madlang people ng Taguig! Kamusta naman talaga?! Sa bilangan daw nalalabasan ang mga tunay na madyikero, ang 1 nagiging 11 ang 8 nagiging 3, alam nyo na ibig sabihin. May mga election returns na bigla na lang lumilitaw at nawawala. Natalo pa ata sa David Copperfield sa now you see... now you don't!
Sa kinaaasam-asam at pinagdadasal kong payapa at maayos na eleksyon. Ayan, samu't saring kalokohan. Ano ba ang pinaglalabanan ngayon? Perang pinaghahawakan, kasikatang pinangagalagaan o ang kagustuhang maglingkod sa bayan? Ano pa ang makakayang gawin sa ating naghihinagpis nang Inang Bayan? Ilan pa ang masisilaw sa mga suhol at paanyaya ng paggawa ng mali? Ilan pa? Hanggang kailan tayo daranas ng ganito? Kapangyarihan na nga lang ba ang pinaghaharagan makuha ng mga kandidato?
Hay... Onli in da Pilipins!!!
No comments:
Post a Comment