5.07.2007

Jukebox Fanatic!


"Wari'y tumitigil ang panahon kapag napakinggan ko na yun."




I'm an avid Love Radio listener. Kaya kabisado ko na lahat ng hirit ni Kukuro-kuku at ni Kadyot Pinong. "Kelangan pa bang imemorize yan?""Bisyo na to!" Feeling tropa na nga ako with the rest of the DJ's eh, the Balahura't Balasubas tandem, Sexy Terry, Monsour Betero, Papa Jack, Tommy Tambay, Rey Porter, Rico Pañero (o diba kabisado ang mga dj's?) Isa sa mga pinaka-aabangan kong program nila ay ang Sunday at the Memories. Don't get me wrong, ndi pa naman ako ganoon katanda, but I really appreciate the jukebox hits of the yesteryears.

Nakakaulayaw ko sina...

Claire dela Fuentes,
"Sayang, ngayon lang tayo nagkatagpo, Ngayon na rin magkakalayo, Bakit kaya, minsa'y sadyang kay damot ng tadhana..."
Florante,
"Parang kailan lang, ang mga pangarap ko'y kay hirap abutin"
Eva Eugenio,
"Kay rami nang... winasak na tahanan, kay rami nang... matang pinaluha"
Rey Valera,
"Ngayon at kailanman, sumpa ko'y iibigan ka. Ngayon at kailanman, hindi ka na mag-iisa.."
Didith Reyes,
"Bakit ako mahihiya, kung sa iyo ako'y liligaya?"
Shaon Cuneta,
"Sana'y maghintay ang walang hanggan, upang makilala mong ako ang iyong mahal"
Martin Nievera,
"Paano ang puso kong ito, ngayong lumisan ka, sa buhay ko?"
Imelda Papin
"Lunes, nang tayo'y magkakilala, Martes, nang tayo'y muling nagkita..."
at marami pang iba. Ewan ko ba, gustong gusto ko ang mga kantang Pinoy, regardless of the artist, but of the songs' heart... its core... the message and poetry. Buhos ang damdamin sa bawat titik at musika. Nakalakip sa awitin ang isang pusong may nais ipahiwatig. Basta, there's something in the songs that makes me not call it baduy.

If you'd ask me what's my favorite jukebox song, nako, nag-iisa lang po yun... Isa yun sa mga hinihintay kong tugtugin sa Love Radio. Wari'y tumitigil ang panahon kapag napakinggan ko na yun. Mababaw lang ang mensahe ng kanta, ngunit ito'y naglalaman ng isang pag-ibig na kayang hamakin ang mundo upang ito'y ipaglaban (naaaaaaaaks!). Intro pa lang ng kanta, shhheeeeet nakakainlove na, i'm in a trance, keber na kung ano nangyayari sa paligid ko. Its entitled Sigaw ng Puso by Father and Sons. Here is the lyrics:

Mahal, tandaan mo, lahat ng sasabihin ko
Naniniwala ako, na tunay ang pag-ibig mo
Huwag nang pansinin, ang nasa paligid mo
Isipin mong ika'y minamahal ko

Pangako sa iyo, hinding hindi magbabago
mahal, iwaksi mo, pangamba sa puso mo
Walang mahalaga, kunsdi ikaw lamang giliw
tanging ikaw lamang ang buhay ko

Kahit ano pa ang nakaraan mo
Walang sinumang makapagbabago
Tapat ang pagmamahal ko, sa iyo giliw ko
Kahit ano pa ang sabihin nila
Hindi ito handlang sa hangarin ko
Wagas na pag-ibig sigaw, ng puso ko

Pag-ibig ko sa iyo ay ipaglalaban ko
Hindi mahalaga, magdusa man ako
Ang tanging pangarap ko, ay ang pag-ibig mo giliw
Ikaw lagi ang sigaw ng puso ko


At ito ang ang kantang narinig ko na twice na nag transpose ng key... from C# to D to Eb, ang tindi. Gumawa ako ng choral arrangement nito bilang regalo sa aking sinisintang choir, ang PATTS Universal League of Singing Enthusiasts.

Ang kapangyarihan talaga ng musika...

No comments: