8.12.2007

Hidden Agenda

Sugar Baby Love… Sugar Baby Love… I didn’t mean to make you blue… Chuwari… Chuwari-wariwap!!!

Nagplay na ang favorite kong song pagsakay ko sa jeep. Pakikinig na lang sa mp3 player ko ang katangi-tangi kong libangan ngayon na babad ako sa trabaho. Just one click and I’m on a great time listening to the music of my life.

“Bakit parang amoy putok?! Kaninong kili-kili yun?”

Akala ko pinaglalaruan lang ako ng ilong ko. Pero ayon sa nakikita kong reaksyon ng mga kapwa ko pasahero, talagang may naamoy ako. Parang fresh na bayabas na pinahid sa namamawis na kilikili ng tao na binabad sa suka.

Shempre, ang unang stance, lingon-lingon ng konti sa paligid upang mahuli ang salarin. In fairness naman, mukha namang fresh ang mga boys sa loob ng jeep. Yung ibang, mukhang mga call center boys ng Libis going to work kaya hindi mo paghihinalaang nakalimutang maglagay ng deodorant. Meron namang mga pauwi nang mga manong na medyo dugyutin man eh pwede pa ring ipanlaban kaya out of the question kung meron silang mga hidden bombs. Hindi rin namang pwedeng pagbintangan ang mga girls na nasa jeep dahil iba ang amoy ng putok ng girl. Mild and gentle sa ilong pero kadiri pa rin. AT lalo namang hindi ako no?! Haller?! Ang naamoy ko, grabe namamahay sa ilong! Buti na lang may song sa tenga ko.

You make me shine… Shine… Like the stars in the heaven…

Naalala ko, kakaulan na lang pala, kaya walang hangin sa paligid. Nakababa pa ang mga trapal ng jeep kaya hindi makawala ang halimaw na amoy. Lahat ng sasakay talagang magmememake face pagupo sa jeep. Natatawa na lang ako sa mga reaksyon nila. Naghihimagsik ang kanilang mga ilong sa baktol sa naamoy. Hindi maipinta ang mga mukha. Nakakatawa tingnan. Pero dapat hindi ako matawa. Baka maisip nilang ako ang salarin. Wahihihihi.

Through the fire… through the limit to the wall… for a chance to be with you…

Ilang pasahero na ang bumaba at sumakay ng jeep, pero sadyang ayaw kami lubayan ng espiritu ng anghit. Ibig sabihin, nasa loob pa ng jeep ang may hawak ng brilyante ng baktol. Lahat ng tao sa jeep, pasimpleng simangot at takip ng ilong para lang maibsan ng kahit na kaunti ang kapangyarihan ng putok. And the search is on for the owner of the powerful underarm.

Viva forever… I’ll be waiting…. Everlasting… Like the sun…

Namamawis ang lahat ng tao dahil sa pagkaalinsangan ng panahon at sa pagkabagot sa trafic. Parang nadagdagan ang powers ng amoy. Nararamdaman ko talagang kumakapit na sa damit ang amoy na yun. Ultra karidi na talaga. Pero walang magawa ang mga pasahero dahil kailangan makauwi. Mahirap maghintay ng jeep. Rush hour. Konting tiis na lang sa amoy. Konti pa. SSSHHHIIITT!

How come everytime you come around my London, London Bridge wanna go down!

Nasa tulay na pala ako, ilang kadyot na lang baba na ako. Hindi pa pala ako nakabayad ng pamasahe. Dumukot ako sa bulsa ng jacket na suot ko ng ilang barya at nagabot ng bayad.

“Manong, bayad po. Lifehomes lang po galing Cubao.”

“Boy, sa likod magbayad.” Sabi ng drayber ng jeep sabay taas ng braso, tinuro ang mamang nakasabit sa estribo.

Sumambulat ang pinakamasangsang na putok na naamoy ko. Ever.

Too much of nothing is bad enough. But something’s coming over me to make me wonder.

“Manong, para ho.”

Nagmamadali akong bumaba ng jeep.

Alam na…

1 comment:

Anonymous said...

--

hakhak

gagu yun

hakhak

elyens poreber

XXXxx