7.03.2007

Si Simoun at Maria Clara

"When you see the most beautiful thing, it seems that time stops"

Big Fish

Ano na ba nangyari sa mga palabas ngayon? Masyado nang hindi makatotohanan! Ang eksena kase, nasaksak ang bida at kailangan pumunta sa ospital. Ok na sana ang banat ng bida feel na feel ang isang kilong tinubigang pulang jobus na nilagay sa kamay at tiyan, kaso ang banat ng nurse, “May pera ho kayo pambayad?”

Kaloka!

At kung anu-ano pa ang inurirat sa mamatay-matay nang pasyente, kesyo paano daw nasaksak, saan nasaksak at lintek, binola pa ang bida kesyo matapang daw ang bida at nakarating pa ng buhay sa ospital tangan ang nagdurugong tyan.

Isa pa lang yan, hindi pa tapos ang mala kalbaryong eksena ng mga bida.

Ang eksena naman ngayon, eh binugbog ang isa pa nating bida, at may nurse na aligaga dahil kinakarir ng nanay kuno ng bida ang paninigaw sa kawawang nurse. Sa kinalakas lakas ng pangalan na tinatanong ng nanay kuno eh hindi mawari na aligagang nurse kung saang bahagi ng ospital ang bida. At last, nakakuha ng ulirat at nasabi ng aligagang ever na nurse, “Sa ICU po ma’am.”

Lipat ang eksena sa ikalawang bida na magpipilit tumakas sa ospital. Shempre lilingon tayo sa paligid ng eksena, dahil according sa aligagang nurse, nasa ICU sya.

Ay! Dalawa ang kama sa ICU? Ward ba ito?

Alam naman ng lahat na ang bida, may portion talaga na kakawawain. Dapat naman siguro gawing makatotohanan at wag pagmukhaing tanga ang characters at ang mga viewers. Nako, mapagpanggap talaga ang show na yun (Giveaway na yan huh!)

Kaloka talaga…

On a mission impossible nanaman ang drama ng yours truly today. Nadelay kasi ng bayad sa ilaw ang company dahil sa dami ng inaasikaso. As usual, to the rescue nanaman ako to do to payment over the main branch na ng Meralco, na nasa Ortigas, kasi lagpas na ng due date. May kailangan pa asikasuhin sa Philhealth na nasa Shaw Boulevard, kaya mission ko din na tumawag doon (What is career?).

Aba, walang sumasagot sa phone ng Philhealth. Imbyerna na ng konti ang mga bosses kasi minamadali ang mga forms ng mga patient sa clinic. Wala na sila magawa kaya pinapunta na ako sa Meralco dahil magsasara na raw beacuse its almost 5 pm. More more madali pa ako pagpunta doon. Parang eksena sa pelikula na nakikipaghabulan ang bida sa oras dahil sasabog na ang bomba. Pagdating ko sa place…

GRR…

Magkahalong imbyerna at pagod ang aura ko pagbalik sa office at buong lakas kong sinabi…

“Wala ba nakaalaala, PASIG DAY ngayon! Walang pasok ang mga opisina sa Pasig!”

Super Laff In na lang silang lahat.

Pero mga kapatid, hindi pa yan ang main chikka for the day; pasakalye (ay speaking of kalye, nakarating ako sa bahay na may dalang 3x5 na whiteboard at stand, galing sa LOOB ng taxi. Bahala na kayo umisip paano nagkasya. Basta, nagkasya pa kami ni manong driver sa loob at more more chika pa while on the way… Taray noh?) pa lang yan. Heto pa lang…

Kanina, on one of the missions of yours truly eh mamili ng office supplies. Shempre, doon na tayo sa suki, sa pambansang pamilihan ng mga gamit pangeskwela at pang-opisina (Clue na yan!). Nung nagbabayad na ako over the counter…

Shing! (May sound effect talaga wahihihi)

Tumigil ang oras.

Nakita ko sya. Hindi ako namamalik-mata, swear!

It’s her!

I saw the woman who took my manhood away. Ayyyy mali! (Oi, ano nanaman iniisip mo kapatid huh?) I saw the woman who unleashes the man inside of me. She is the only woman I know that makes me feel like I’m a greatest guy this world has conceived. She makes (Yes, makes, that’s present tense!) me feel I’m a man, inside and out. She was the one…

Or perhaps, she IS the one.

She is the one whom I loved… this much.

Everything just came back. Memories of my high school days came flashing back like slides in a motion picture.

[I feel like a kid with a teenage crush on a school day…]

TIME SPACE WARP, ngayon din! (Lalabas si transvestite Yda with the long, shiny white hair.)

First year pa lang ako nung nakilala ko sya. I know a lot from her since she is one of the most popular girls of the batch, with her brains and looks. Saan ka pa? Crush ng bayan yan. Wala atang section na walang may crush dun.

Nakukuntento na ako noon na pasilay-silay, pasulyap-sulyap. At pootah, hiyang-hiya pa ako kapag dumadaan ako sa harap ng mga girlfriends nya, kasi aasarin ako. Every lunch, aabangan ko na ang pila sa canteen para masulyapan ang pag-order nya sa canteen. Sinasamba ako ang bag na dala nya (Yes kapatid, believe it or not!), lagi syang laman ng isip ko bago matulog.

For three years, ganyan ako sa kanya. Just a stance from a distance, seeking a chance, loving her in a trance (sheet nagrhyme yun ah!). Ligaw tingin ba.

[Don’t know what to do whenever you are near, don’t know what to say, my heart is floating with tears. When you pass by, I could fly]

Fourth year high school, before the start of the school year, nagpunta ako sa school to see kung saan section ako napabilang. When I saw my name on one of the sections, nagulat ako.

Sasampu lang ang boys, thirty-nine ang girls!

Pero may name sa class list that made my heart jump.

Its her!

Sheeeetttttt! Magkaklase kami!!!

Noong time na yun, kahit papaano, may maipagmamalaki na ako. I’m one of the top-ranking CAT officers and I’m in a ‘cream of the crop’ class. Hindi na nakakahiya sa kanya. De kalibre na akong haharap sa kanya to say…

Hi, classmate!

Well, anway, may mga kilig moments ako na hinding-hindi ko malilimutan. One time, nagkaroon ng play ang class about El Fili. Nung tumapat sa group nila ang certain chapter ng El Fili, nataon naman na walang boys sa kanila, so they have to borrow some of the very few guys. Ang eksena pala ay ang pamamaalam ni Maria Clara sa kumbento kay Crisostomo Ibarra con Simoun before sya mamatay (Basta may ganun, ndi ko alam kung ano chapter basta may seryoso moment silang dalawa). Hapon nun, habang wala akong ginagawa, sya mismo ang lumapit and asked me,

“Pwede ka ba naming kunin sa group? Wala kasing gaganap na Simoun eh.”

Shempre, palakpak naman ang tenga ni gago.

Nung mismong play, hindi ko masyadong kinarir ang pagarte ang pihong nagbagsak pa ako ng Bible sa sahig just to depict Ibarra’s loneliness nung namatay si Maria Clara. Nung eksena na naming dalawa, tilian ang buong class, kilig na kilig. Ako naman, pinagpapawisan na dahil sa sobrang dyahe. Pagkatapos ng play, sya ulit ang lumapit,

“Thanks huh, ang galing mo talaga umarte.”

Isa pa sa mga kilig moments ko eh nung field trip. Itinerary namin ang bundok Kalbaryo na talaga namang kalbaryo akyatin. Mabato, madulas at basa ang daan dahil umaambon. Dahil may scarcity ang male genes sa class, kailangan tulungan na mga boys ang mga girls. Four girls to one guy (tiba-tiba kami nito, pramis pre!) ang ratio. Akay paakyat at pagbaba ng bundok. Shempre, sya ang isa sa mga inakay ko. At salamat sa madulas na mga bato at maputik na daan, lagi kaming natutumba, with may matching yakap pa.

Weeee…

Pero ang climax ng mga pangyayari ay noong senior prom. [We’re the king and queen of hearts, tell me when the music starts..] Lahat sosyal, contodo makeup and flowing gowns ang girls and ties and ameicanas naman ang boys. She was in a red gown then. Effortless na lagyan sya ng makeup dahil maputi sya. Shempre, picture taking muna habang fresh ang makeup, we had a shot together (At lintek, never napadevelop ang film na yun, exposed na ata. Bakit ba hindi pa nauso and digicam noon eh!) Super dami ang nakalinyang guys na magsasayaw sa kanya, but I was the first. Hindi ko pa malimutan ang background music that time na nagsasayaw kami. Even If by Lea Salonga. It was the moment in time when I asked her this question:

May chance ba ako?

She smiled while looking sweetly-eyed into my eyes (Gusto kong tumigil ang oras na yun, sobra!) and said,

“Meron, kaso its too late na, I have someone na eh.”

Gusto kong bumagsak sa dance floor. Kung pwede lang ako magevaporate that time, nagawa ko na. All this time, hindi na mabilang ang chances na pinalampas ko. Nakalimutan ko na may mga nanliligaw pala sa kanya whom she considered. All this time kasi, I was so busy doing my CAT, Electoral Board and student stints without taking the chance with her. Pero ok lang, at least for a time, I was man enough to tell her how I feel. She is the only one that made me do such.

And now, here she is, still as gorgeous as the first time I saw her.

Ay, antagal ng flashback, magbabayad pa pala ako sa cashier.

After kong makabayad, I passed by her back, tapped her shoulder and asked,

Kamusta ka na?

She looked back, waved her hand and simply said,

“Hi.”

I walked towards the exit of the store, engrossed with all the memories.

God, I was a man.

I was a man…

No comments: