Nakatala ang araw na ito sa Guiness Book of Boone’s Records. Today, wala ni isang patient ang clinic, at ngayon ang kauna-unahang beses na nagrocery ako using my own salary. Yes mga kapatid! Ngayon ako namili ng mga gamit na dating hinihingi ko pa sa aking mga benefactors. In fairness, mahirap talaga magbudget, at matututo ka talagang magprioritize ng mga primary commodities. Nagkalat ang tukso sa mall, from the signatures clothes to the dashing accessories. Kailangan talagang labanan. Or else ubos ang pinagputahan.
Shempre, as usual, may pahabol si ate. Magtetext yan na bumili this and that kapag alam nyang mamimili ako. Pambihira, gawain ko yan dati ah! Now I know how it feels. Namili na rin ako ng mababaon for the next days dahil na trauma na ako kumain sa cafeteria malapit sa pinagtatrabahuhan ko. Ginto kasi ang plato at kutsara. I guess you guys know what I’m talking about.
Nakasakay na ako sa jeep pauwi nang naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko. Inantay ko munang makaupo ako ng maayos tsaka ako kinuha sa bulsa. An old friend, Don, texted me.
Don: Muzta nah?
Ako: E2, gling me grocery, buy me ng mga gmit. In furnez, mhrp mgbdget huh.
Don: Hahaha, mama material na u pgrocery-grcery n lng.
Ako: Hahaha, mama tlga? U mzta na?
Don: E2, gling lng vacation. 5 days. NgNINANG kasi ako.
Ako: Hahaha kmusta nman ang bnyag? Ngbelo ka?
Don: Hahaha wsh ko lng. Lm mu b, may ngyaya sa akin ng trisum? Tnanggihan ko nga.
Ako: O bkit u tanggi? Hting 2 stones wid 1 bird din yun. Joke lang pre. Ok yn, iwas skit. Byuhin mu n lang. Hahahaha.
Don: Oo nga. Hahaha.
Wala na ako maisip na matext kaya nilagay ko na ang cp sa bulsa ko. Bigla akong may naramdaman malambot na tumama sa siko ko. Nung nailagay ko na, napalingon ako sa katabi ko. Babaeng nakacross ang kamay sa dibdib. Ang sama ng tingin sa akin.
Tsaka ko lang naisip, ang boobs pala nya ang nasiko ko.
Dahil medyo pagod to the highest level ang lolo nyo, hindi ko na nasabi ang sorry. Nagtaas na lang ako ng limang daliri. Spells SORRY. Hindi talaga ako makapagsalita, kasi baka tawa lang ang lumabas, hindi sorry. Bakit kamo? Eh hindi mukhang nasaktan ang girlilet. Nakatitig ng malagkit. As in MALAGKEEEETTT!
“Kunwari ka pa, gusto mo naman hawakan.” Sabi bigla ng girlilet.
Speechless ako bigla. Natutula ampotah. May ganong banat talaga??
Lingon ako sa paligid ng jeep. Lahat pala ay nakatingin sa akin. Narinig ng lahat at sinabi ng girl. At parang high rating na telenovela, hinihintay viewers ang susunod na eksena.
Panic ito, as in. Kaloka to death.
“Sorry miss, that was an accident.”
Putah, ingles yon, INGLES YON!!! Akalain mong may lumabas na ganung mga kataga sa bibig ko in this trying times. Kaloka talaga.
Anyway, biglang pumara at bumaba ang girl, kahit na hindi pa talaga dun ang babaan nya. Nung makababa ang girlilet, automatic transmission nang tumingin ang mga pasahero sa akin at ngumiti, yung iba umiling. Wala na akong pakialam kung ano ibig sabihin ng mga ganung reaksyon. Deadma na lang, lilipas din ang eksena, move on na lang sa byahe, lunurin ang nakakalokang eksena sa background music na King and Queen of Hearts DJ Burog mix.
Pero hindi nagpaawat ang isang lalaki na naglakas ng loob na kausapin ako.
“Tindi mo pre. Babae na lumapit sa yo, tinanggihan mo pa. Sarap talaga maging magandang lalaki no?”
Sabay baba ng lalaki.
No comments:
Post a Comment