Invoce at the Manila Cathedral... December 22.

"What I tell you in the dark, speak in the daylight; what is whispered in your ear, proclaim from the roofs." (Matthew 10:27) "Kung may iniisip ka, ilabas mo, baka mabaliw ka nyan. Kung may nararamdaman ka, ilabas mo din, magkakasakit ka nyan." (Boone 6:10)
Invoce at the Manila Cathedral... December 22.
Nanlulumo akong umuwi kahapon dahil pagtingin ko sa schedule namin para sa susunod na Linggo, kailangang pumasok kami ng alas onse y medya ng ika-dalawamput apat ng Disyembre at alas dose y medya ng madaling araw ng unang araw ng Enero. Kauna-unahan Pasko at Bagong Taon ito na hindi ko idadaos sa bahay. Malungkot man isipin, pero kailangan gawin, kesa mawalan tayo ng trabaho diba, mahirap ang buhay ngayon, kahit na sabihin mong may rollback ang pamasahe (make sense?!?). Ndi ko lang maimagine kung paano ang bumiyahe sa Bagong Taon na may mga paputok all over the place... scary...[Pasko na, sinta ko, hanap-hanap kita...]
Ilan lang sila sa mga napatumba ni Manny 'Pacman' Pacquiao sa banyagang ring.
Kabog!
In fairness naman, malayo na rin ang narating ng ating kababayan sa larangan ng boksing. Mula sa pagiging bagitong manununtok ng Mindanao eh bumubulaga na ang ating bida sa padaigdigang boksing. Ngayon eh alamat na hindi lang ang mga laban nya kundi ang mga katagang binibitiwan nya pagkatapos ng laban ('ya know... ya know...'), na minsan talaga eh may pahangin effect pa. (Aminin, nakarinig kayo nyan!!) At in fairness at in fairview pa rin, hindi lang sya ngayon sikat na boksingero, kundi commercial model, aktor, host at kung anu-ano pa. Balak atang gawing National Artist for Entertainment si Manny.
Ahahaha.
Sa sobrang galing nga ng taong eto eh mukhang nakakasawa nang malaman na panalo sya sa mga laban nya. Parang nasusuya na ang mga Pinoy sa bawat panalo nya. mapapancin natin na hindi na maririnig ang mga kapitbahay mong nagsisisgaw sa kada suntok niya. Pero iba itong kakatapos na match niya with Oscar dela Hoya. Pinagusapan talaga; kesyo mismatch daw, malaki daw masyado ang itinapat kay Manny, mahaba ang braso at kung anek-anek pa. Pero wag ka, walong rounds lang at sumuko na ang kalaban. At ito pa, pati laban ni Manny eh ginawa na ring business. May mga sinehan nang nagpapalabas ng laban nya live via satellite, (shala dbuh?) kaya nawalan ng kwenta ang mga telebisyon, delayed telecast daw kasi. Naalala ko pang nagalit ang tatay ko kasi pagkauwi ko nang Linggo ng umaga eh inunahan ko na sya ng balita, "Pa, panalo na si Pacquiao, ruond 8, plakda si dela Hoya wahahahaha!!" Nasa sixth round pa lang noon sa tv kaya pinaghahahampas ako ni Papa ng dyaryong hawak nya. Nawala daw kasi excitement nya.
Pero ano ito?!
May mga kumakalat nang text kesyo may sumpa daw lahat ng panalo ni Manny. After daw nya manalo, may mga sakunang magaganap. Andyan ang Wowowee stampede, paglubog ng MV Princess of the Stars, at ngayon naman pati pagkamatay ni Marky Cielo eh associated din sa pagkapanalo ni Manny. At ito pa, ang siste pa eh binenta na daw ni Pacman ang kaluluwa nya kaya may kapalit na mga buhay ang bawat tagumpay nya.
Kaloka naman yon...
Sa halip na gumawa ng kung ano anong tsismis at haka-haka eh sana hindi nating nakalimutan pasalamatan si Manny. Aba, hindi madaling tumanggap ng suntok sa ibabaw ng ring ba? At dahil sa mga panalo nya, umaangat ang estado ng atletang pinoy sa loob at labas ng bansa. At hindi ba dapat nating ipasalamat na sa bawat laban ni Manny eh walang trapik sa kalsada, zero ang crime rate, tumataas ang piso sa pandaigdigan pamilihan? At higit sa lahat, marami nang nakakaintindi sa matigas ni Ingles ni Manny, kaya hindi ka kailangang mag-effort magpaka-slang ang mga Pinoy para maintindihan ng mga banyaga.
Ahihihi.
I'm not a tower that stands tall and strong, I'm just a bamboo shoot that sways at the will of the wind..."I drop my sword and cry for just a while
I'm not a rock that stays untouched and rigid after all the blows, I'm just a hardened clay that forms however my Master wants me to be, than softens at the touch of water...
I'm not an man with honor and glory after ever battle that I won over, I'm just a little child walking in the rain, crying for help, soaking wet, wanting for shelter...
I'm not a just brain that analyzes and understands, I also have a heart that is loves, cares, gets hurt and feels pain...
I'm not a piece of wood that splinters my oppressor, I am a human that bleeds when the skin is cut...
Prayer of St. Francis of AssisiAt ano ito? Marami nang nadagdag! Ang dating Joyful, Sorrowful at Glorious mysteries, may kasama nang Luminous or Light Mysteries! May nadagdag din na sasabihin pagkatapos ng Ejaculation (ewan ko bakit ito napili nilang term..) to Our Lady of Fatima. At may nadagdag din after nung prayer after the Hail Holy Queen!
Italian parts only
Il Signore, mi rende uno strumento della vostra pace.
Dove ci e odio, lasciarlo seminare l'amore.
Dove ci e ferita, perdone.
Dove ci e dubbio, fede.
Dove ci e disperazione, sperare.
Dove ci e nerezza,illuminarsi.
Dove ci e la tristezza, gioia.
1. Kinakabahan akong mamuno sa pagdarasal, na saliwat dato kasi adik ako sa ganito nung high school ako, kaso anim na taon na pala ang lumipas, at hindi ako nagdarasal na pinanonood ng mga tao...At higit sa lahat..
2. May binabasa na ngang naturingan eh nabubuyoy pa rin ako sa Hail Mary at sa Glory Be...
3. Tingin ako ng tingin sa Rosaryo at baka sumobra ang Hail Mary's ko...
4. Tumatagaktak ang pawis kong hindi ko mawari kung bakit eh napakalamig ng shrine...
5. PUMIPIYOK AKO!!! Waaaaaaahhh!!!Matapos ang limampu't tatlong Hail Mary's, limang Our Father, limang Glory Be's, limang Ejaculation (bakit ba ito ang ginamit nilang term for that, ansagwa!!), limang Glorious Mysteries, ang Hail Holy Queen at isa pang dasal, natapos din ang padasal. Pwede nang pigain ang polo kong suot sa sobrang pawis, na malapit nang matuyo dahil sa aircon.