Kadarating ko lang ng bahay. Pagud na pagud na ako galing sa biyahe galing ng skul. Dagli kong binaba ang lahat ng mga gamit ko at nahiga sa sofa ng sala. Hindi pa lumalapat ang likod ko sa sofa ay pumipila na sa isip ko ang mga dapat kong gawin...
Magchecheck ng mga test papers?
Magrerecord ng mga nacheck na assignments at projects at exams?
Magkokompuyt ba ako ng grades?
Magpeprepare ng lesson for the next week?
AAAAHHHHHH!!!!!
Parang mga surot sa kama ang mga gagawin ko. Kapag lalong pinabayaan, lalong dadami. At sa huli ako din ang pahihirapan. Pero kahit anong dami ng gagawin, basta walang energy, walang hapi. Lintek.
Muntik ko nang makalimutan na sa dami ng dala ko ay may isang supot ng punung-puno ng tsokolate na muntik ko pang madaganan ng ibang gamit. May lamang Hershey's, Toblerone, Fererro, Goya, Cadbury pati Choknat. Pero hindi sa akin ang mga yan. Para sa mga estudyanteng nagsumikap makaperfect ng mga exam na binigay ko. Sosyal diba, chololates galore ang mga studyante ni Sir Boone...
Ang sweet no? Hindi ako tinatawag sa apelyido ko. First name basis. Affectionate pakinggan, hindi ba? O dahil pangit ang tunog ng apelyido ko, wahahaha adik.
Bubuksan ko ang tv nang malibang naman. Aba, matagal na rin akong walang entertainment dahil sa trabaho. Wala nang time gumimik, walang time makipagtextmate, walang time sa lovelife, (brrrrrr). Time naman siguro to reward myself kahit minsan lang...
Anak ng... bakit puro patalastas ng mga pulitiko to? Nakakainit ng ulo... At si Erap, may Arthro commercial na, wahahahah, my gad talaga!!! Makapagnews na nga lang...
Kamamatay lang ni Cory, at in fairness naman, she is a icon of history that every Filipino will surely remember. From the EDSA people power revolution 1 to the yellow fashion statement, she made her mark. Thank you po!!
Naku, puro telenovela ang palabas after ng mga balita. Masyadong cheesy ang mga lines, ang corny!!!
Patayin na ang tv at makinig na lang sa radyo habang nagsusulat sa blog...
Matagal na pala akong hindi nakapagsulat sa blog, at kung gaano kadisorganized ang pinagsususulat ko, ganun din kadisorganized ang utak ko ngayon. Patalon-talon ng topic, ndi naman makakuha ng topic sentence. Puro thoughts, wala namang coherence, pakshet...
Buti pa si Papa Jack, may...
Wild Confessions...
AWWWW!!!
Tama na nga to, makagawa muna ng grades...