10.19.2008

The Return of the Crusader

Naks! Parang parang kabanata lang sa Star Wars ang title ng post, pero wag ka, ano lang ang topic ko ngayon. Ang powers talaga ng pagsusulat oh.

Hmmm, seryosohin ko na kaya ang pagsulat?

Oo, ngapala, pagkatapos ng higit na ANIM na taon, ngayon na lang uli ako nagpadasal ng Rosaryo. At huwag ka, sa harap pa ng altar, habang nanonood at pinakikinggan ng mga sosyal, pasosyal at mga hampas-lupang nagsisimba sa EDSA Shrine. Opo, at Inggles pa ang banat.

Panalo!

Habang nagsesermon ang pari, pinakiusapan ako ni Ate Lou (ang aming leader sa choir) kung pwede ako maglead ng Rosaryo. Bilang Buwan ng Rosaryo ngayong Oktubre, lahat ng choir sa Shrine ay nakatokang maglead ng Rosaryo pagkatapos ng misa. Hindi ko alam kung ano ang unang nakita ni Ate Lou o dahil malapit ako sa kanya kaya ako ang pinili (ano daw?). Hindi naman ako makatanggi dahil matagal na rin akong hindi nakapagrosaryo at galing ako sa Katolikong paaralan kaya dapat marunong ako. Pagkatapos ng hindi makasigurong "oo", binigyan ako ni Ate Lou ng kopya ng mga dasal at isang perlas na Rosaryo (mahal ang Rosaryong yun, pwamis!!!). Buti naman at may kodigo. Sa tagal ko nang hindi nakapagrosaryo eh siguradong limot ko na ilang mga bahagi noon. Habang communion eh hindi ako makakanta ng Il Signore ng maayos, kakaisip kung makakaya ko bang mamuno ulit ng Rosaryo.
Prayer of St. Francis of Assisi
Italian parts only

Il Signore, mi rende uno strumento della vostra pace.
Dove ci e odio, lasciarlo seminare l'amore.
Dove ci e ferita, perdone.
Dove ci e dubbio, fede.
Dove ci e disperazione, sperare.
Dove ci e nerezza,illuminarsi.
Dove ci e la tristezza, gioia.
At ano ito? Marami nang nadagdag! Ang dating Joyful, Sorrowful at Glorious mysteries, may kasama nang Luminous or Light Mysteries! May nadagdag din na sasabihin pagkatapos ng Ejaculation (ewan ko bakit ito napili nilang term..) to Our Lady of Fatima. At may nadagdag din after nung prayer after the Hail Holy Queen!

Ayan na, tapos na ang misang pinagsilbihan ng choir, tumayo na kami at inawit ang pagwakas. Eto na at magmumuno na akong sa pagrorosaryo. Pagkaayos ng mikropono at pagkalagay ng kodigo sa music stand...

"Alltogether, let us pray the Holy Rosary... In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit, Amen."

Hindi pa ako makapili ng kung Eymen o Amen ang gagamitin ko, leche...

Napaghahalatang matagal na akong hindi nagrorosaryo...
1. Kinakabahan akong mamuno sa pagdarasal, na saliwat dato kasi adik ako sa ganito nung high school ako, kaso anim na taon na pala ang lumipas, at hindi ako nagdarasal na pinanonood ng mga tao...

2. May binabasa na ngang naturingan eh nabubuyoy pa rin ako sa Hail Mary at sa Glory Be...

3. Tingin ako ng tingin sa Rosaryo at baka sumobra ang Hail Mary's ko...

4. Tumatagaktak ang pawis kong hindi ko mawari kung bakit eh napakalamig ng shrine...
At higit sa lahat..
5. PUMIPIYOK AKO!!! Waaaaaaahhh!!!
Matapos ang limampu't tatlong Hail Mary's, limang Our Father, limang Glory Be's, limang Ejaculation (bakit ba ito ang ginamit nilang term for that, ansagwa!!), limang Glorious Mysteries, ang Hail Holy Queen at isa pang dasal, natapos din ang padasal. Pwede nang pigain ang polo kong suot sa sobrang pawis, na malapit nang matuyo dahil sa aircon.

Magkaganoon man ang nangyari, nairaos naman ang padasal, at pinagpala naman ang pakiramdam ko dahil mahigit limandaang tao ang nakidasal kasama ko, dalangin ang ikabubuti ng buhay at kapayapaan sa mundo (ang cheesy naman!) at shempre, magandang kalusugan at gabay sa trabaho at pamilya (mas lalong cheesy!).

At dahil sa kaunting pagdarasal, bumalik ang ala-ala ng mga taon ko sa highschool, ang CAT (oo naman, naging opisyal ako nun, makikita nyo ako sa larawan sa ibaba...). Naramdaman kong puso at isip lalaki ako noon. (Bakit ngayon pa rin naman ah!)

Ang mga kapwa ko opisyales na mga engineer, nurse, pulis at boxer na ngayon, at ang AGIDON (Agila, Dragon, Ibon) na simbolo ng batch.

At higit sa lahat, sa ilang sadaling namuno ako ng pagrorosaryo, namumbalik ang binatang maka-Diyos, makatao ang makabayan.

Bow!

10.08.2008

The Elevator Trip

It was five minutes till the start of the shift and here am I, just went off the fx infront of the Madrigal Bldg, a few meters from PBCom Tower. I hasten my strides because I can't afford to be tardy on a Monday morning shift due to the big queue I'm about to plunge in. Being late is just not my thing, else the whole shift will be a mess.

Here comes the herald of the blue tower of Makati, my beloved PBCom. As I enter the doors of the building, I quickly grabbed by ID from the bag to stop the guards from hindering me, asking "ID nyo ser?". I have to run big time now, its two minutes away from login. I posed for an elevator to signal going up when someone called my attention.

"Boone, kamusta ka na?"

I turned around and saw her.

It was Leslie, my ex's cousin.

She looked surprised seeing me again, after almost three months from the break-up. She was the last person I'm expecting to see, and that moment turned out to be a surprise for me as well.

"Hi Leslie!"

I kissed her cheek, like a normal guy to his girlfriend. She kissed be back and that felt sweet. An elevator opened up and we stormed in.

On the elevator she asked me, "Kamusta na ka?"

It felt lousy to answer her, "Eto, a few weeks magreresign na, tapus na contract ko eh"

"Ilang months ka na ba sa etel?"

"More than six months na."

Long pause...

With some hesitation and determination she asked me, "Okay ka na ba?"

It felt like I really know that will be the next question she'll ask me, so I asked her back, "Alam mo na kung ano nangyari?"

With those eyes of loneliness she said, "Oo, grabe nagulat ako sobra nung binalita ni pinsan."

After a sigh I replied, "Wala na tayo magagawa dyan, desisyon na nya yan eh."

Yes, she has the news, but the real story I don't know, and at this time, I don't seem to care. Everything just flashed back like all things happened yesterday. Everything went so informal; the relationship just ended saying that the other one has FALLEN OUT OF LOVE, ASKING FORGIVENESS FOR ALL THE SHORTCOMINGS, AND THUS WILL RESPECT ALL I FEEL AFTER THAT MESSAGE.

But then, it was just a message; a message on the cellphone that never recieved any reply. I don't even have the strength to put things into just words on a text message. Its much more than that. All the dreams, hopes, efforts and longing just evaporated into a wisp of hatred, disappointment and pain. All I felt was too much for a text message to handle.

But nevertheless, how the relationship ended is by just a text message.

Isn't it just unfair??

The elevator is on its 10th floor, stopping on a halt. This particular floor has a curse; when the door opens, a stench so bad and so strong fills the elevator and the rest of the passengers. And the stench smells like it came from the poso negro. We covered our noses but our clothes didn't spare the odor. Gross.

After that horrible floor, removing the cover on our noses, Leslie asked me again.

"O, bakit hindi mo hinabol?"

That question of hers popped a thousand things in my head.

I just don't know if I'll get insulted with that question or what. Am I the one who was supposed to have done something to save the relatioship?? Am I the one with the shortcomings?? Should I still go for someone who just had a change of heart?? What is effort and what is letting go??

Weird is, after all the things I'm thinking, this is the thing that I told her, "Its not worth it, Les, baka magmukha lang akong tanga."

The door opened for the 15th floor. After the short kiss on her cheek to say goodbye, I walked out of the elevator. Damn, its a minute to go...

10.02.2008

Sa Panuluyan


Tapos na ang shift...


Nasa lobby ako ng opisina...


Kaharap ko'y tatlong elevators at sa likod ay tatlo din, panik-panaog; umiilaw ang mga panurong pababa at pataas, senyales na may lalabas, lilingain ko bawat lalabas at papasok...


Ilang tao na ang nakapasok at labas ng opisina, andun pa rin ako, matamang naghihintay sa iyo...


May hinihintay ako, pero wala ka naman...


Parang tanga lang... parang gago lang...


Eh ano magagawa ko, eh minsan lang kita makikita??


Magkaiba tayo ng shift, ibang program...


Kilala ba kita, o hindi kaya'y kilala mo ako??


Alam mo ba na nagkakanito ako dahil sa iyo??


Eh sa paningin lang tayo nagkakasalubong...


Tingin na waring nagpapatigil sa mundo kong hilo na sa pag-inog...


Ang mga ninakaw na tinging hindi ko malimutan hanggang paghimbing...


Eto, parang gago lang, naghihintay sa iyo...


Umaasang kapag nakita lang kita'y buo na ang araw ko...


Parang awa mo na, isang sulyap lang...


Kahit magmukha akong tanga'y wala akong pakialam...


Kahit saglit lang...