Isa na siguro ako sa mga maituturing na NPT ng mga ahente sa kolsenter. No Permanent Team. Sa siyam na buwan kong pagsagot ng mga tawag, tatlong team na ang nagkanlong sa akin. Pero hindi naman ako nalipat dahil pasaway ako o dahil hindi ko naabot ang sapat na antas ng kumpanya kundi dahil kailangan lumipat ng buong shift sa ibang site. At hindi sinabay-sabay ang lipat, ginawang per batch. Nangailangan lang na ako'y magpaalam sa aking orihinal na team dahil kailangan ko nang magresign upang ipagpatuloy ang aking tinapos na kurso. Sa kasamaang-palad, mukhang matatagalan pa na ako'y makalipat sa mga paliparan at aprubado na ang pagkatanggal na ako sa original na team kaya ako'y nailipat sa ibang team. Pansamantala lang ang pananatili ko sa nilipatan kong team dahil sila ang maiiwan sa site. Siguro isa't kalahating linggo lang ang tinagal ko. Nang dumating ang oras na lilipat na ang huling batch ng mga teams sa patutunguhang site, kinailangan na uling mailipat ako sa panibago nanamang team. Kaya ito, nasa ibang team ulit ako.
Itinuturing ko na ring swerte ang pagpapalipat-lipat ko ng team. Kahit na paulit-ulit na mag-adjust ako sa mga miyembro at sa TL, ayos lang, sanay naman tayo diyan eh. Kelangan lang flexible, bukas ang isip, at madaling maka-adapt. Buti na rin yun at exposed ako sa mas maraming tao, iba-ibang leadership styles ng mga TL iba-ibang ugali ng mga ka team. Nakakatawa pa nga, kasi kahit na malipat-lipat ako ng team, parang may katumbas; yung mga taong magiging ka close, mga pinanggalingan, mga kinahihiligan. Hindi ko alam kung may ganoon talaga o gawa-gawa ko lang ang mga bagay na ito. May analogy ba kumbaga; (tama ba term ko?). Kung may Toni sa Hydra, may Jongs sa Shohoku (mga lalabs kong asst team leader); may JM sa Hydra, may Richard sa Shohoku, (the gwapings); may Felrose sa Hydra, may Jalyn sa Shohoku (the sweetie gals); may Ate Marlo sa Hydra, may Mommy Des sa Shohoku (mga thunders ng team na lalabs ko rin ahihihihi); may Beng sa Hydra, may Jen sa Shohoku (mga lesbo cuties). mahilig magsulat si TL Errol, mahilig kumanta sa choir si TL Rey, kaya madali nilang nahuli ang aking soft, artistic side na laging sentro ng chika kapag may coaching. At parehong pang Pasigueno ang dalawang TL ko (hmm hitchhike ito hahahaha).
Sa totoo lang, hindi ako nahirapang magadjust sa mga tao, sa lugar lang. Kung tutuusin, mas pabor ang bagong cite. Mas mura ang pamasahe. Kumbaga eh tumambling lang ako mula sa bahay, nasa opisina na ako. Iba na kase ang view, may konting kaingayan, mainit ng kaunti, (kumpara sa dati na parang nasa North Pole ang floor!!) at may kasikipan din ng mga stasyon.
Pero shempre, hindi pa rin dapat isaalang-alang ang stats. Saan mang team ako malagay, saang site man ako maitapon, kailangang pagbutihin ang trabaho. Kailangan lang sanayin ang sarili sa mga pagbabagong hindi mapasusubalian. Aba, sayang ang bonus ba? Minsan lang ako matanggap sa isang galanteng kumpanya, kaya karirin na. Dapat na ring gawin ko itong sanayan para sa inaasam-asam kong trabaho.
Kailangan lang maghintay, at magsanay...
No comments:
Post a Comment