Maraming nabago sa buhay ko dahil sa
report...
Noong nag-aaral pa ko as aking sinisintang Alma Mater Dolorosa, isa sa mga kinabwibwisitan kong gawin ay ang report. Yes, alam ko kung bakit kailangan gumawa ng report at paano gumawa. Pero hindi ko mawari bakit tamad na tamad ako basta report na ang gagawin. Nagka-INC pa nga ako dahil sa mga lintik na report na yan.
Wala ako mahugot na sipag sa sarili ko basta may report na gagawin. Karaniwan puro rushed at bara-bara pa ako gumawa kung minsan. Kulang ng linya, walang shade yung final values, mali spelling ng pangalan ng professor (toinks!), mali ang symbol at kung ano-ano pa.
Kapag may computations na ang report, ay, ibang usapan na yan. Patayan itu. Maghahanap kami ng 1000+ values (yes, totoo yan, ask Aero studes!) for a report and magpaplot ng curves using the values. Salamat sa Excel, the values come in just a click away. Ang powers talaga ng technology. Bow.
Imagine na lang kung hindi pa uso ang Excel. Magdamag kang magpipipindot sa scientific calculator. Gudlak sa values at consistency mo.
Imagine na lang kung hindi pa uso ang Excel. Magdamag kang magpipipindot sa scientific calculator. Gudlak sa values at consistency mo. Tapos magpaplot ng 1000 points. kailangan maayos ang curve. Bawal may matulis, bawal may humps, bawal magkaintersection. Or else, fly ang report mo sa window.
Magkaganun pa man, maraming nabago sa buhay ko dahil sa report.
Dahil sa report na yan, natuto akong hindi maligo bago pumasok sa skul. Natuto akong matulog ng 10 hours sa loob ng isang linggo. Nakalimutan ko ang gimik dahil sa report. Marunong na akong magtapal ng papel na hindi mahahalata ang tapal. Natuto akong matulog sa bus at makababa sa Cubao sa halip na sa Crossing. Natuto akong gumamit ng pink na colored pen para maging makulay at presentable kahit paano ang report. Nakalimutan kong may Valentines dahil sa report (Ay, bitter!). Namahinga ako sa CBIT dahil din sa report. Lumabo ang mata ko dahil sa exposure sa radiation ng pc sa halos limang oras na pagkakababad dito. Laging nangangalay ang likod ko kakatungo. Scoliosis ito kung tumagal pa.
Dahil din sa report na yan, naging OC ako. Super double check ng mga bagay-bagay bago umalis ng bahay. Galit ako sa hindi tapos na gawain. Kailangan matapos ang isang asignatura bago matapos ang araw. Mahilig na akong mag-improve ng mga bagay-bagay na plain lang sa paningin. Improve ang nagkukubling creativity powers. Natuto akong magbahagi ng oras sa lahat ng bagay.
Ngayon nakagraduate na ako. Salamat sa Diyos. Tapos sa rin ako sa paggawa ng mga report. Wala nang puyat, wala nang mabaho dahil hindi nakapaligo bago umalis ng bahay. Wala nang isusuot na gusot na uniform dahil nakalimutang magplantsa. Wala nang magulong buhok na minus 2 million pogi points dahil hindi na nakapag-ayos ng sarili para maipasa lang ang report. Wala nang tulog-tulog sa bus dahil eksakto nang 6 hours a day ang tulog ko. Wala nang instructor na maghahagis ng report sa labas ng bintana dahil mali ang format. Wala nang iiyak na classmate dahil nilamukos ng prof ang report.
Eto, ngayon nagtatrabaho na, though OJT pa lang, kasabay ng review para sa board exams. Hanggang ngayon, hindi ko maintidihan bakit ako kailangan gumawa ng report. Not until today…
“Boone!”
Si Bossing, tawag ako.
“Create a report on (name ng isang local airline)’s commercial aircraft statistics: from passenger carriage to fuel statistics and maintenance manifestos from January till the present. Create a report per quarter. Raw data to be forwarded this afternoon. Need it in two weeks time.”
“Yes boss.”
No comments:
Post a Comment