10.02.2007

CBIT: The Revival

Buhay na buhay ang CBIT. Salamat sa powers ng unlimited texting, talaga namang constantly na bubulabugin ng mga GM’s ang araw mo. Kakatuwa, willing ishare ng lahat ang nararanasan nila sa bawat sandali ng kanilang mga mumunting buhay.

GM1: Good morning sa lahat! Pasok na ako sa work…

GM2: Gandang umaga! Mukhang tulog pa ang mga makakati…

GM3: Gandang tanghali! Kain tayo.Tuyo ang ulam ko…

GM4: Gandang hapon. Lakas ng ulan. Sarap may kayakap…

GM5: Gandang gabi. Tumae ka na ba? Kakatae ko lang. Hindi pa naghuhugas…

With matching design at format galore pa yan. May pinuno ang message ng smileys na mas maraming pang kinain na characters and design kesa sa message. Meron naman na flowers ang drama. Feminine touch ito hehehehe. Nakakatuwa, freedom of expression at creativity fused to revive CBIT. Wai! Wai! Wai!

Shempre, nakakakabit na ang mga personal messages sa gm. At least limang tao ang may personal message kalakip ang isang gm. Imagine nyo na lang kung paano magtext ang sender nito. Kulang ang 160 characters sa isang gm. Kaya kung hindi haytek ang cellphone mo, laging putol ang gm. (diba francis?)

Ilang araw pa lang mula nung ipatupad ang group messaging sa CBIT, marami nang naadik. In fairness naman talaga, nabuhay ang mga nahihimbing na kalalakihan (anu daw?) ng group. Mula sa matagal-tagal ding pagkakahimbing at pagkakahiwa-hiwalay, muling nagkabuklod ang CBIT.

Marami naman talagang nakakamiss sa CBIT. Tried and tested na kasi. May mga umalis, may mga dumating, may mga kinarir, may mga binasted, may mga pag-ibig na nabuo, may nagsplit, may binugbog, may pinatay at dinamayan (RIP JM!), may mga swimming, clubbing, carnival hopping, leadership training seminar, AIDS-awareness seminar (wala ako nun!! Huhu), videoke, jogging at kung ano-ano pa. Sa tatlong taon ba namang pagbobonding eh mabubuwag pa ba kami?? Shempre hindi na. Nahimbing lang sandali dahil sa mga sariling karir.

GM6: Boone: Bachelor of the year ulit! Century na ata.

GM7: Boone: Single pa rin? Hindi na ako magtataka.. magmamadre ata yan eh.

WEHANONAMANNGAYONKUNG SINGGEL???


No comments: