This is one of the nicest shot of a stalk of rice about to be harvested... See the golden pieces being adored by the sun's rays... its a farmer's discretion to finally reap the harvest with a sharp scythe and finally be processed to be the edible, carbo-rich rice in our tables...
Pero minsan, may mga pasaway...
May mga hindi nag-uubos ng kanin sa hapag para magmukhang sosyal...
May mga nagpapapanis ng kanin sa kaldero dahil ayaw magsikain...
May mga nagtatapon ng kanin sa basura dahil hindi gusto ang ulam...

Ang kapal nyo!!!
Hindi na kayo nahiya sa mga magsasaka...
...na laging nangangalay ang mga likod,
...nagbababad sa init ng araw,
...naglalakad sa maputik na bukid,
...na hindi kumukita ng sapat para lang makapagproduce ng palay na gagawing bigas na kakainin nating lahat,

At lalong hindi na kayo nahiya...
...sa mga pumipila ng matagal para makakuha ng P25 kada kilo na NFA rice na dating kinaaaayawang kanin na ngayon at hit na hit sa masa dahil ito lang ang pwedeng mabili sa kanilang kakaunting pera.
...sa mga sumusuong sa init ng araw o lamig ng ulan dahil kailangan may maipakain sa pamilya. Keber nang pangit ang kanin, basta may makain.
...sa mga nakikipagaway, nakikipagsigawan para lang makapwesto ng maganda sa pila, dahil may mga sugapang nakikisingit sa pila.

Kaya bago ka magsayang ng kanin... tingnan mong maigi ang mga litratong ito.
Kailangan bang danasin mo pang maging magsasaka o pumila sa NFA para lang mapagtanto mo ang halaga ng bigas??

No comments:
Post a Comment