7.23.2008

Ang Salitang Tagalog...

Nabasa ko ang anekdotang ito sa aking pagaapuhap ng mga kakatwang bagay sa aking kompyuter sa trabaho. Hayaan nyong maibahagi ko ito sa inyo... Hindi ko mapagtanto kung sino ang may akda nito ngunit salamat sa pagsulat...

Kung ang I LOVE YOU ay INIIBIG KITA, bakit ang umiibig (I) at ang iniibig (YOU) ay mukhang tuwirang naglaho sa pagkakasalin? Dahil ba kung umibig ang Pilipino ay nawawala ang AKO at IKAW at nagiging isa at nagsasanib sa KITA? Iyon din marahil ang dahilan kung bakit ang kasal ay PAG-IISANG DIBDIB at ang asawa ay KABIYAK NG PUSO.

Bakit may tawag tayo sa limang daliri ng kamay---HINLALAKI, HINTUTURO, HINLALATO, PALASINSINGANat KALINGKINGAN-pero sa daliri ng paa ay wala? Kung ang bicycle ay BISIKLETA, bakit ang motorcycle ay MOTORSIKLO at hindi MOTORSIKLETA? O kaya'y BISIKLO?

Bakit ang SILANGAN (kung saan sumisilang ang araw) at KANLURAN (kung saan kumakanlong ang araw) ay maliwanag ang ibig sabihin, pero ang HILAGA at TIMOG ay ITAAS at IBABA, walang sumisikat at lumulubog. Kung ang likod ng tuhod ay ALAK-ALAKAN, bakit wala tayong tawag sa likod ng siko? Kung ang IN ay ginagamit sa gitlapi sa prito para maging PRINITO, sa gisa para maging GINISA, at sa paksiw para maging PINAKSIW, bakit sa laga ang ginagamit ay ang unlaping NI para maging NILAGA. Bakit hindi LINAGA dahil hind naman natin sinasabing NIPRITO o NIGISA o NIPAKSIW? Alin ba ang tama?

Bakit may tawag tayo sa four seasons-TAGLAMIG, TAGSIBOL, TAG-INIT at TAGLAGAS-gayong ang panahon saPilipinas ay TAG-ARAW at TAG-ULAN lamang? Kung may inang PUTA, bakit walang amang PUTO? Lahat ba nglalaking kalapati ay matataas ang lipad?

Bakit nakagawian na nating sabihing isang SENTIMO at limang SENTIMOS? Wala naman sa balarilang Tagalog angpagdudugtong ng "s" sa pangngalan para ito maging maramihan. Hindi naman natin sinasabing limang PISOS, 'di ba? Kung ang left-handed ay KALIWETE, ang right-handed, bakit hindi KANANETE? Kung tradisyunal na nating itinuturing na ang ama ang HALIGI ng tahanan, bakit ang asawang babae ay ang MAYBAHAY at ang asawang lalaking ay ang TAO lamang? Bakit nakasanayan na nating sabihin NAKAKAINIS, NAKAKATAKOT o NAKAKAALIW? Hindi ba ang dapat na inuulit ay ang unang pantig ng salitang-ugat? Kaya dapat ay NAKAIINIS, NAKATATAKOT at NAKAAALIW. Kung sinasabi nating AMUY-ARAW, LASANG IPIS o MUKHANG ANGHEL, mayroon na ba talagang nakalanghap ng araw, nakatikim ng ipis or nakakita ng anghel?

Mayroon naman tayong LOLO at LOLA, AMA at INA, at TIYOat TIYA, bakit wala tayong isang-salitang katumbas ngSON at DAUGHTER, NEPHEW at NIECE, at GRANDSON at GRANDDAUGHTER? Itinuturing ba nating asexual angANAK, PAMANGKIN at APO? Bakit sa Tagalog maraming katumbas ang LOVE---PAG-IBIG, PAGMAMAHAL, PAGSINTA, PAG-IROG, PAGLIYAG, PAGGILIW? Dahil ba ang Pilipino ay likas na mapagmahal?

Hmmm.....

1 comment:

Anonymous said...

i2 ang tnatawag n ipi nost mona s n post qna ng inaakala ng mga pilipino.. ang mag popost ay mag popost ulit bat nag kaganon n cla. ng dahil n rin s ating d katen2han, kumbaga ang ganda ganda,,. n papangitin pa at qmbaga tama n ay mamaliin mopa kya n wala narin ng kabuluhan.,n lala nyo yung nangyayari s atin,. n nag post ng mas maganda p s kukumpara ng dti nyang ipi nost kya i2ng c gagang babae naging number two 2loy s kyabangan kya ng dati nyang ipi nost ang laki ng ipinag bago..