4.25.2008

Plakda!!

Ayan. ilang minuto na lang... tapos na ulit ang shift.
Ilang ikot pa ng orasan, makakauwi na ako.
Umaga na.
Patapos na ang magdamagang trabaho.

Maiinitan na din ang nangangatog kong kalamnan.
Hindi ko na kasi matiis ang lamig ng opis.
Kuntodo jaket pa, kahit na summer pa ngayon.
Ganun talaga, eh malakas ang aircon eh.

Matatapos na rin ang trabaho.
Sa dami ng pinipindot ko sa computer.
Sa dami ng iuupdate na system.
Sa dami ng tawag.
Sa dami ng mga makukulit.
Sa dami ng mga maarte.
Sa dami na mga nagmamakaawa pero wala akong magawa.
Sa dami ng mga nakakairitang kausap.
Sa dami ng mga tatanga-tanga. Banyaga kuno. Che!

Ayan na, ika-sampu at kalahati na ng umaga.
Sa wakas.
Tapos na ang araw.
Pero kailangan pang may ayusin.
Kailangang magligpit.
Mag-ayos ng pinagtrabahuhan.

Aba, lintek, isang oras na pala ang nakalipas ng matapos ang shift.
Kakatapos ko lang ayusin ang aking cubicle.
Makakalabas na rin sa malamig na ofis.

Matagal ang elevator.
Umaga kasi.
Lahat sila papasok pa lang.
Kami paalis na.
Puro puno ang elevator pagbukas.
ANO BA?? PAUWIIIN NA KAMI PWEDE??
Hay salamat, may isang bakanteng elevator.
Sugod ang lahat ng baba.
Ang labas...
Sardinas ang elevator.
Sarsa na lang ang kulang.

Nakababa na rin. Makakalabas na ng gusali.
Anak ng...
Umuulan???
Wala akong dalang payong.
Buti may underpass. Makakatawid ako sa kabilang ibayo.
Sugod na lang sa ulan.
Pauwi naman eh.
Kaya na yan.

Pasakay ako sa bus.
Sosyal ang bus.
Dalawa ang tv.
Pero ndi yun ang pakay ko.
Kailangang kumportable ang upo ko.
Yakap ang bag, umupo ako sa pinakasulok ng bus.
Eto na ang kundoktor.
"Manong, Crossing po, isa lang."
Binigyan na ako ng tiket ni manong.
Malamig sa bus.
Parang opis lang.
Ansarap umidlip.
Inaantok na talaga ako.
Iidlip lang.
Ambigat ng mata ako...

Naalimpungatan ako.
May tumabi pala sa akin.
Mamang mataba.
Tumingin ako sa bintana ng bus.

PUTIK!!!

CUBAO NA TO AH!!!!

No comments: