4.10.2008

My Best Breakfast...

Perhaps this day would just be as bad as the graveyard shifts.

While on the jeep going to work, I could feel the hassles of an early bird. I didn't have my breakfast before leaving home. I could feel the emptiness of my stomach as if blurbs to have something to fill it. Having a day shift (for the first time in three weeks, sigh!) is the most convenient thing that I have now. Waking early in the morning and sleeping at nighttime. Hahahaha. Just like the old days. Schooling days. But then, the habit of missing breakfast (literal breakfast, that is) is a big no no. I could miss my vanity routines, yes, but never the breakfast.

Here I go, struggling for the Mr. Punctual 2008 awardee. I should be at work at least a few hours before the shift. Kamusta naman ang maagang pumasok??

Kabababa ko lang ng jeep. Hindi pa ako nakakababa eh langhap ko na ang simoy ng Libis. Mabangong mabaho. Medyo mausok ang sidewalk na lalakaran ko. Smoggy kase. Kamusta ang polusyon sa paligid.

Eto na, nasa ibaba na ako ng building. Aakyat na ako para makapaglog-in sa biometrics. Pero parang may nakalimutan ako...

Hindi pa nga pala ako nagbreakfast.

Punta ako sa matandang puti ang balbas. Bumili ako ng manok at dinurog na patatas. Wala nang inuming kasama. Marami nun sa pantry. Dun na lang ako kukuha.

Pumasok ako ng gusali. Parang galing sa department store ang eksena. Andaming dala. May bag, may mug, may plastic na may pagkain. Parang nagshopping lang ba.

Ang haba ng pila sa elevator. Keri lang. Wait patiently for the turn.

Bumukas ang elevator. Hanapin ang button na may katabing numerong 21. Doon ang palapag namin. Nangangamoy ang pagkain ko. Pasensya sa mga magugutom. Madamot ako today hahaha.

Bumukas ang elevator. Iniwan kay 'Menung Gurd' ang cellphone at bag. Bawal sa loob eh. Parang department store talaga antaray. May number pa. Baggage counter. Plang!

Pumasok na ako sa pantry. Kitang kita ang kabuuan ng Pasig sa aking kinatatayuan. Kasama na ang bulubundukin ng Rizal. Ang ganda tingnan. Inspiring kumain. Humanap ako ng pwesto sa tabi ng salaming bintana.

Hindi ko alintana ang oras habang kumakain at nakatingin sa malayo. Nakakaaliw ang paligid. Napakarelaxing. Nakatatanggal ng stress. Parang higit pa sa biyaya ng pagkain ang aking natamo ng mga oras na iyon. Ang kagandahan ng tanawin. Ang katiwasayan ng paligid. Ang unti-unting pagsikat ng araw sa silangan. Hay...

BUUUURRRRPPP!!!

Sorry sa malakas na dighay. Ahahaha

No comments: