5.07.2008

Yakap Ni Spongebob


Paglabas ng opisina, dumudugo ang cellphone ko sa dami ng text. Hindi ko mahawakan ang cp dahil bawal sa loob. Sa locker lang iiwan. Eto at busy-busyhan ang lolo nyo na magbasa ng messages. Hindi na kase mapasukan ng text ang cp. Puno na ang inbox.
'Boone, san ka na? Dito na kami sa resort.'
'Ansaya dito kuya. Sunod ka huh?'
'Andami na namin. Sunod kayo.'

May schedule na outing ang CBIT sa isang resort sa Malabon. Alas otso ng umaga ang meeting time pero alas diyes na, wala pa ako. Kakalabas ko lang ng opisina kase. At hindi halatang magswiswimming ako. Parang mamumundok sa laki ang dala kong bag. Ilang damit, isang twalyang Spongebob na favorite ko, kaunting chichirya para may makukutkot ang barkadings sa cottage.
From Makati, sumakay ako ng bus papuntang LRT. Nagtren naman ako mula Gil Puyat hanggang Monumento. Naglakad ako hanggang sakayan ng jeep na may signboard na Polo. Bumaba ako ng Maysilo Petron. Mula doon ay sinundo ako ni Ceejay at Dennis.
In fairness at in fairview naman, maganda ang resort. Hindi man kalakihan ang pool pero ayos naman ang cottage. Sulit ang bayad. 1.5K lang sa isang malaking cottage. Good for 40+ na tao para sa maghapon at magdamag na ang rate. P300 lang ang contribution ng bawat isa. May bonggang-bonggang lunch at dinner na yon. Panalo diba? Kaso, hindi lang kami ang nasa resort. May mga hampas-lupa, may mga lasenggero, may mga pasosyal, butas naman ang trunks (ahihihi!!), may mga harabas kung lumangoy na akala mo balyena pero kaliliit naman ng mga katawan. At ang pinakamalala, dahil sa dami ng naliligo sa pool, nangangamoy na ang tubig. Sabi ko nga kay Icko,"Ano ba to, nagkakanal na yung tubig!" Yun lang.
Almost 1 pm na nang nakarating ako. Keri nang wala pang tulog since kahapon basta makalangoy at makapagunwind. Minsan lang naman kasi dumarating ang mga ganitong chances so go na.
Pagdating ko pa lang, sarap na sarap na ang mga hinayupak sa kakalangoy. Eto ang ilan sa mga pictures nila. Hala't matawa at matuwa kayo hahaha....
Kinahapunan, nagkaroon ng Videoke Idol, wherein pumili ang mga organizers na mga kakantahin, sampung OPM na panlalake at sampung foreign songs na puro pambirit na pambabae. But there's a catch; lahat ng OPM, nakafalsetto sila, octave higher (kaya kamusta ang Gaya ng Dati... hahahaha) tapos lahat ng pambirit octave lower. Ayun, we have Mothy as the Videoke Idol...
After the Videoke challenge is the main event; the very first Ms. Gay CBIT. Akala namin, walang sasali. Pero wag ka, effort kung effort ang mga candiates, namitas ng mga dahon for props, kumuha ng mga alampay at ginawang gown, may nagsuot ng bra at panty (at in fairness at fairview, wichikels jukat ang hunchback of NOTREdam ni bakla hahaha). May special participation ang lolo Kyle as the makeup artist, yours truly and Lee as the hosts.
Mothy - Ms. Philippines
Iñakie - Ms. USA
Kaito - Ms. Japan
Larryl - Ms. Australia
With the matching background ng Annie's Song, rampadoodledoo ang mga becky sa serenade number, at ang mga audience, walang humpay sa kakatawa.
Eto ang video ng huli nilang rampa.
At dahil pageant, may matching talent portion pa na talaga namang ineffort talaga isipin at gawin ng mga candidates. May question and answer din na pinadugo ang ilong ng mga becky ahihi. Natapos ang pageant na namigay pa ng mga prizes (as in prizes!) sa mga special awardees; Ms. Creamsilk para kay Larryl na kalbo (with the matching Creamsilk sachets as sash wahahahaha!!!), cash prizes for the runners up and title holder. Btw, Kaito won the title. Eto ang ilang eksena sa pageant.
Ayan, at natapos din ang maghapong kabaklaan sa resort. Enjoy at sad ako at the same time. Hindi kasi nakarating ang aking asawa dahil pagod. Inaalagaan pa kasi ang mga anak namin eh. Hahaha. Btw, suot ko sa resort ang aking favorite flip-flops shown below.

1 comment:

Anonymous said...

hey there!