9.16.2007

The War of the Three…

(Ang mga tauhan sa maikling dula na ito ay galing sa iisang tao lamang. Adik lang talaga ang pagkasplit personality complex.)

Galing sa review sa FEATI si Boone, Ben at Gilthor. Binagtas nila ang patio papasok ng simbahan ng Sta. Cruz.

Boone: Grabe, nakakaantok sa review kanina. Buti na lang hindi nagalit ang instructor. Kasi naman, kalamig ng room at kakaantok ang boses ng prof. Sayang, interesante pa naman ang lesson.

Ben: Sa susunod kase, Boone, maaga tayo matulog nang hindi tayo aantok-antok sa review.

Gil: If I know, gwapong-gwapo sa prof natin yan. Dapat kasi umalis na lang tayo ng maaga. Martyr amputah.

Boone: Kamusta naman yun? Inspiration kaya ang prof. Magaling na, gwapo pa. Kaya hindi pwede agad umalis. At sayang ang matutunan, ba. Baka lumabas sa board.

Gil: Eh diba magbibigay naman ng handouts ang prof? Pag-aralan na lang sa bahay. Nagtitiis pa kasing makinig sa prof. Dahi-dahilan ka pang sayang ang matututunan. Eh gusto namang umalis ng maaga. Eh di dapat nakagala pa tayo. Ipokrito!

Ben: Gala ka dyan! Wala tayong panggala no? And besides, nasa Quiapo tayo. Saan tayo gagala dito?

Boone: Tahimik na. Papasok na tayo ng simbahan. Kay Lord tayo dadalaw.

Ben: Tama yan. Magsimba tayo. Patnubay para sa board exam natin. At para sa world peace. Bow!

Gil: Ay naku, pasimba-simba pa. Maghahanap lang ng gwapo yan.

Pagpasok ng simbahan…

Boone: (Dildil sa Holy Water at Sign of the Cross.)

Ben: In the name of the Father…

Gil: YUCK! Kita nyo ba yung tubig? Ang dumi! Sandamakmak nang libag ng tao ang nandyan! Magdarasal nga tayo para luminis tapos puro libag yung tubig na ipapahid sa noo. Karumal-dumal naman tong mga to oh.

Ben: Ano ka ba? Kahit marumi yan, Holy Water pa rin yan. Kapag sinaboy mo sa aswang yan, kahit anong dumi nyan, makakatunaw pa rin yan. May bendisyon naman ng pari yan eh.

Boone: May libag rin tayo sa noo. Ok lang yan.

Gil: Punasan na nga lang natin ng panyo yan mamaya. Papawisan din tayo at matatanggal ang malibag na tubig na noo natin. Sana Lord, mainit mamaya. Kadiri talaga this thing on our forehead!

Naghahanap ng upuan ang trio.

Ben: Sa harap tayo, Boone. Para rinig mo ang sermon ng pari ng maigi.

Gil: Eksenadora talaga tong si Ben. Sa likod tayo maupo. Mainit sa harap. Mangangamoy insenso pa ang damit natin nyan.

Ben: Sa harap na. Para walang distraction.

Gil: Sa likod na, para malapit sa pintuan. Kapag gumuho tong simbahan, sige kayo, matatrap tayo.

Boone: Anu ba? Dito na tayo sa gitna. May electric fan malapit dito oh! Gusto ko sa may malapit sa aisle ako nakaupon. Guho ka dyan. Loko.

Upo ang trio malapit sa aisle ang tatlo. Kumportable ang pwesto kasi may hangin galing sa electric fan.

Nagsimula na ang ang mass ng 4:45 ng hapon. Entourage muna ng mga sacristan, commentators, lectors, servers at ang pari.

Gil: Aba, taray! Quarter to five ang misa! Makakalabas tayo ng 5:45. Makakagala pa tayo daliii!

Ben: Ang kulit nito. Wala nga tayong panggala. Mamaya maholdup pa tayo kakagala dito sa Quiapo.

Boone: Manahimik na nga. Nagsisimula na ang misa.

Gil: Nako, may I look si bakla ng gwapo sa mga sacristan. Hmm…

Ben: Kailangan talaga may ganung banat?

Boone: Timang. Wala ngang gwapo eh. Good, walang temptation slash distraction. Concentrate tayo sa misa.

Gil: See, edi kurek ako. Hanap nga ng gwapo ang pinunta ni gago sa simbahan.

Ben: Hindi kaya. Number one. Patnubay para sa mga susunod na review weeks. Number two. Bendisyon para sa world peace at para sa board exams. At number three. Sanggalang para sa mga katulad mo, Gil.

Gil: Leche!

Boone: Tama na sabi. Nagsisimula na ang misa. Tahimik muna kayong dalawa.

English ang language ng misa.

Gil: Bakla, nosebleed ako! Wala ako maintindihan.

Ben: Hindi ka kasi sanay sa kabihasnan eh. Adik.

Boone: Tahimik na sabi. Kulit.

Acclamation song. Tumayo ang choir at kumanta.

Boone: Hindi ko alam yung kanta. Pero sige sabay tayo. Maganda naman yung lyrics eh.

Gil: Bakla, wag mapumilit. Watch mo na lang kung keri ng soprano nagbibibirit. (May narinig na tumaas ang boses.) Taray ni ateng naka yellow! Regine, ikaw ba yan! (May umugong na bass.) Ano ba yan, ampaw ang bass, walang ugong! Ikaw na nga doon, Boone!

Ben: Ang galing nga nila eh. Baka siguro bago ang mga members.

Gil: Mas magaling ang PULSE dyan, no questions asked.

Boone: Manahimik sabi. Kumakanta ako.

Gil: Kumakanta?? Ilusyunada ka. Hindi alam ang tono. Wag magkunwari. Impostora.

Ben: Wala namang ibang nakakarinig eh. Hayaan mo na kasi, Gil. Imbyerna talaga to.

Homily…

Boone: Wow, the shepherd and the hundred sheep tsaka the Prodigal Son ang gospel. Kakarelate naman.

Ben: Tama yung sinabi ng pari. The whole gospel can be summarized in one word. Love. How moving.

Gil: Eh bakit pa kahaba-haba ng sinabi? Love lang pala ang summary. Edi dapat pagkasabi ng nya ng “Love”, sabihin nyang “The gospel of the Lord.” Tapos. Gunggong ng pari.

Ben: Ang ganda kaya ng gospel. Wag ka maginarte dyan. Palibhasa…

Gil: Palibhasa ano?

Ben: Wala. Bitter.

Gil: Bitter ka dyan…

Boone: Oww, how touching. My favorite quote sa Bible. “Love is patient. Love is kind…

Gil: May naalala si gago.

Ben: Ano naman ngayon kung may naalala?

Gil: Hmmm… ang mga nakaraang pag-ibig…

Ben: O, ano naman meron doon?

Gil: Maraming hindi natikman. Kaya bitter.

Boone: Oi, nasa simbahan tayo. Talaga to…

Ben: Bakit? Puro sex lang ba basta may partner?

Gil: Oo naman no! Kailangan yon! Paano naman ang libog diba?

Ben: Pwede namang kamayin eh…

Gil: Tanga, mas masarap kaya ang may kasama! Enjoy pa.

Ben: Hello, STD.

Gil: Ano ba tingin mo ke Boone? Santo?!

Ben: Basta. Pag-ibig pa rin over earthly desires.

Gil: Lecheng pag-ibig yan. Kaya hanggang ngayon, malungkot si Boone. Puro kasi pag-ibig eh. Pwede namang magplaytime lang. Basta ba safe ang sex.

Ben: Ano ka ba? Hindi ganun si Boone.

Gil: Akala mo lang yun. Nagtatagong halimaw kaya yan.

Ben: Mabait yan.

Gil: You wish, man.

Ben: Basta. He’s not the guy you’re trying to make.

Gil: Ahuh? Watch me…

Napalingon si Boone during peace offering…

Gil: Boone! May gwapo dun, dali... Lingon.

Boone: Resist temptation. Resist temptation.

Gil: Doon oh, dali. Nag-iisa. Gwapo na, hot body pa. Hingiin na number at nang ma-hookup na yan.

Boone: Lord, gwapo nga. Pag-ibig na ito.

Ben: Go Boone!

Gil: Pag-ibig ka dyan. Tanga, kapag pumayag yan makipag-do. Hanggang do lang yan. Kapag nilabasan yan, labas ka na rin sa buhay nyan!

Boone: Sino naman may sabi makikipag-do ako dyan? Eh mukhang kagalang-galang. Walang bahid ng kahalayan sa itsura. Pangmatagalang relasyon ang dapat dyan.

Ben: Wai! Wai! Wai! Ganyan nga Boone, ganyan nga!

Gil: Looks can be deceiving… Ay pucha, nakatingin sa ating pre! Dali, konting ngiti naman dyan. Dyug na ito agad! Wahahahaha.

Boone: Ay nako, misa ito. Simbahan. Hindi Malate. Ang gulo nyong dalawa. Nawawala ako sa concentration.

Ben: Way to go! Way to go!

Communion time. Natayuan ang mga parishioners para makakuha ng ostya.

Gil: O dun ka pumila malapit sa gwapo. Dikitan mo na nang magkaalaman na. Mukhang trip ka din nun.

Ben: bakit pa dun, eh kalapit-lapit sa aisle ng pari. Dun na lang pumila.

Gil: Timang! Pwede bang I dyug yung pari?!

Boone: Buang! Dyug sa pari? Kaloka. Pila na nga ako. Manahimik kayo dyan. Paano ko kaya irereceive ang host? Through the mouth or through the hand.

Ben: Through the hand. Para hindi na magtagal ang pari pagshoot ng host sa bibig mo.

Gil: Mas maganda ang through mouth. Tapos lawayan mo daliri ni Father. Hahahaha.

Boone: Sige, lahad ko na lang kamay ko. Left over right. Dami pa pala magcocommunion after ko.

Ben: Good boy.

Pagdating sa harap ng pari…

Pari: The body of Christ…

Gil: Ay macho! Hottalicous pa.

Ben: Amen. Loko ka Gil. Balibagin tayo ng pari sa pinagsasasabi mo. Mahiya ka nga.

Boone: Amen. (Kuha sa host na nilagay sa palad sabay subo.)

Gil: Yucky. Andumi kaya ng kamay mo.

Ben: Body of Christ yan, kuya. Pasaway ka talaga.

Pagbalik sa upuan, kinanta ang favorite song ni Boone.

Boone: Kung nag-iisa, at nalulumbay, dahil sa hirap mong tinataglay...

Gil: Bakla, baduy mo! Aegis yan ah! Wahahaha.

Ben: Ano naman ngayon? Eh for God naman yan ah.

Boone: Gawan ko kaya ng acapella version ang PULSE ng Hesus?

Ben: Go Boone! Suportahan taka.

Gil: As if naman kakantahin ng PULSE yan? Wala naman alam yan mag-arrange.

Boone: Pwede pag-aralan yun.

Gil: Good luck sa yo. Mapapahiya ka lang. I tell you.

Ben: Better try than not. PULSE trusts him. So no worries kung mag-aarange yan.

Gil: Ok. Whatever. Oh, tapos na misa, sibat na tayo!

Ben: Hindi pa tapos ang misa. Hindi pa sinasabi na “Humayo kayo...”

Gil: “…at magpakarami”? Hahaha, dyug pala gusto ng pari after eh.

Ben: Sira! “…at ipahayag ang mabuting salita ng Diyos!”. Bakit ba nagmamadali ka?

Gil: Madami kayang gwapo sa labas. Baka matipuhan ni Boone.

Boone: Yan ka nanaman sa mga gwapo na yan. Ano gagawin ko sa mga yan? Eh gwapo din naman ako ah!

Gil: ANG KAPAL MO PARE!

Ben: That’s the spirit, Boone! Confident! Hahahahaha.

Boone: Hala, uwi na tayo. Maaga pa tayo sa OJT bukas. At pwede ba? No hookups, no relationships. Nothing. Tama na yung sampung nagdaan. For now.

Gil: Makakascore din ako sa iyo, Boone. You’ll fall for my traps.

Ben: Love will soon come your way… at hindi mo yun mapipigilan. Keep it up, Boone!

Lumabas na ang tatlo sa simbahan…

Itutuloy...

No comments: