9.12.2007

Ang Hiwaga ng Streamer…




Yes, the night was so memorable.

Nakatoka ang PULSE na kumanta sa Holy Rosary Parish sa loob Multinational Village sa Parañaque every first Sunday ng buwan. Kailangang maipractice lahat ng kanta bago sumabak sa kantahan. Medyo mahigpit kasi ang mga pari sa simbahan, kailangan akma sa gospel ang mga kanta. At dahil adik ang mga PULSE na kumanta, kakaririn talaga ang mga kanta. In fairness naman, kahit na wala pang isang taon na kumakanta ang PULSE sa simbahan, making waves na. Magagaling daw kasi kumanta (Ahem!).

Hindi biro ang pumunta sa simbahan na yun. Tatawid pa ng dalawang bundok, lalangoy sa ilog, dadaan sa masukal na kagubatan.

Wahihihi joke lang.

Mula sa school, kailangan pang mamasahe. Isang jeep at isang tricycle. At lakaran na parang ka na ring nagprusisyon sa layo. Kaya pagdating ng simbahan, madumi na ang mga kakanta.

Pero ok lang.

Iba pa rin talaga kapag nagsisilbi ka para kay God. Kahit na sabihing isang oras sa isang buwan lang yan, its all worth it. Lalo na kapag special mention ang choir after ng mass, siguradong palakpak ang tenga ng buong choir. Hindi na alintana ang layo ng lalakarin basta sama-sama ang buong choir. Masaya kasi. Bonding time ba.

Minsan talaga, may mga moments na parang may divine intervention ang eksena. From the usual na takbo ng buhay, may mga susulpot na signs na dapat huwag talikuran ang opportunity, ang chance. Si Lord na ang may pakana, kaya wag na mag-inarte. Kung ayaw mo najombag de gulat.

Wahihihi.

Nagsimula ang divine intervention chuva story ng PULSE after ng first Sunday mass nitong September. Pauwi na ang mga PULSE from the mass na for the first time, kasama naming kumanta ang mga bagong members. May tinutukoy si Herbie (isang alumni na PULSE) na meron dawn a choral competition malapit sa simbahan. Hindi muna pinansin ang Herbie kasi puro mga haggardness na ang mga tao kakakanta. Nung pauwi na kami, habang naglalakad na puro tawanan at kantiyawan, bumulaga ang isang streamer. May choral competition nga sa lugar. Kaso isang linggo na lang ang allowance. Saturday is the big day. Hindi kaya. Baka mapahiya ang choir. Dedma ang mga tao. Or so I thought.

Days before that, ininvite ko ang choir na magkakaroon ng concert sa Sta. Cruz, malapit sa review center ko, same day nung competition. Marian concert, so kailangan mapanood ng choir especially ng mga bagong members, para makaexperience. Banal-banalan pa ang theme, so go talaga. Marami ang nagresponse na oo, punta daw sila. Adik naman talaga sa mga free concert ang choir. Yung nga lang, bakit hindi naming napanood ang Madz nung kumanta sa 24 Oras. Kakainis!

Monday afternoon, nagtext ang mga members na hindi na raw sila sasama sa concert dahil sasali sa contest.

Taray!

Limang araw na practice?

Kamusta naman yun…

Pero ayaw paawat ng choir! Nasundan pa ng isang karumal-dumal na text.

Kasali ka sa competition. Tenor ka.

HHHHUUUUWWWWAAAAAAATTTTT!!!!

Gusto kong tumambling after ko mabasa ang text.

In my wild dreams, gusto ko naman talagang kumanta ng mataas na boses. Pero wala talaga sa range ang boses ko. Baritone lang ang kaya. O kung mataas man, for sure falsetto na pambabae. Bass nga, pinipiyok ko pa eh. Kaloka.

Pero tawag ito ng serbisyong publiko. Walang kinikilingan, walang piniprotektahan. Kantahan na lang. Hindi maaring talikuran.

Matagal nang pangarap ng PULSE na makasali sa choral competition. Mula nung mabuo ang choir eh wala nang patid ang mga pangarap ng mga members. Local at international competitions ang gusting salihan, huh? Andyan pa yung kakanta kami sa kasal ng mga members naming with the crying moments ang effect. May nabuo na ngang story si Herbie eh. “PULSE: Fifty Years After” ang title. (Ask Herbie for the story).

Mataas ang pangarap ng mga tao.

At kailangan nang tuparin.

Nagsimula ang practice nung Tuesday, kaso that day lang ako nailagay sa listahan ng mga alumni na sasali para may access sa school. Keri lang. Ask ko na lang sila thru text kung ano ang repertior for the contest.

Pag-ibig mo, Ama

Ave Maria

Prayer of St. Francis (acapella version)

Ulit… HHHHHUUUUUWWWWWWAAAAAATTTT!!!!

In Litex, Fairview, maganda ang lineup. Maganda kung maganda. Pero pamatay. As in nakakamatay ang mga pyesa, lalo na yung acapella version. Philippine Madrigal Singers pa lang ang alam kong may recording ng kantang acapella, at talaga naman makapanindig-balahibo ang delivery nila. Wish ko lang maachieve namin. In less than five days. Taray. Parang Pond’s Age Miracle cream lang. (Ay, plugging!)

Dahil tawag nga ng serbisyong totoo, kailangan magrebyu na ng pyesa sa bahay. Buti na lang may naiwan pang pyesa at may live recording ang mga contest pieces, kaya pwedeng sabayan. Paraan talaga diba.

Wedenesday. Very warm welcome ang drama ng mga tao sa akin. Splattered este flattered naman ang lolo nyo. Matagal naman na talaga akong hindi nakakapunta sa aking Alma Mater Dolorosa, kaya parang balikbayan ang eksena ko. In SM Fairview, marami nang transformation ang school. Dalawa na ang canteen, nagagamit na ang gym, at higit sa lahat, may pwesto na ang choir para pagpraktisan. Ang ganda ng aura para magpractice.

Start ang practice with vocalization. The usual mimemimamimomumu chuva ang laban. Itataas ang pitch hanggang sa magkabasagan ng salamin sa taas ng boses. Tapos ang sustain practice na ang instructions, “Walang hihinga, sustain”. Keri. Sanay na tayo dyan. Pero may bago. May ambohatomatarilerilero na. Ethnic-ethnican ang drama. Taray!

Natapos ang vocals and go with the contest pieces.

Review muna kung ok na sa notes.

Pag-ibig mo, Ama, keri.

Ave Maria, mas keri.

Prayer of St. Francis…

SSSSHHHEEEEETTT!!! Ang taas talaga! Ang lyrics pang pamatay is...

AND IT IS IN DYI----HING THAT WE ARE BORN...

Lord, dying talaga. Antaas. Kaloka everlash.

Three hours ang practice. After the practice, siguradong malalanta ka talaga. Hindi sanay ang choir na nagkakakanta ng tatlong oras. Usually, tis-iisang oras lang kasi ang practice. At kamusta pa ang bigla kong pagtetenor diba? Parang nabanat ang vocal chords at panga ko ng wala sa oras. Gudlak kuya.

Thursday. Tuloy ang practice. Improving na. Kaso kailangan pa ring iayos ang matataas na notes. Kung hindi kaya, I falsetto. Pero panlalaking falsetto. Half-falsetto daw. In fairness, I’m good at it. Wahihihihi.

Friday. Dala na ang costume na isusuot. Kailangan kumpleto ang mga isusuot para hindi na mamrublema kinabukasan kung kalian contest proper na. Pero hindi, nagkaroon talaga ng problema. May mga pinagalitan ng nanay dahil ginabi ng uwi galing practice, may mga nagkakasamaan ng loob dahil hindi magkaintidihan, may nanay na ooperahan kinabukasan ng araw mismo ng contest, may hindi pa kabisado ang piyesa, may namamaos. Kund hindi ka ba naman maloka ng todo nito, diba?

Tapos naalala ko, napanood ko na ang mga ganitong eksena sa pelikula. Mas maraming aberya, lalong nananalo…

DALI! Kariririn ang problema, ramdam ko na, MANANALO TAYOO!

Shempre, tulungan sa problema. Hindi lubugan sa problema. Alay ng mga prayers para sa world peace, sana gumaling ang mga maysakit, sana matauhan ang mga tanga, sana maabot ang nota, sana tama ang beat. Lahat ng santo pati mga beatified matatawag mo na, matulungan ka lang sa problema. God listens naman talaga.

Saturday. Now’s the big day! Eight hours before the contest, hindi na mapigil ang kabog ng dibdib ko. Pati review, hindi ko na maayos. Tensinado. Kabado. Nag-aalinlangan.

Baka mali ang tono ko.

Baka mahuli ako sa beat.

Baka pumiyok ako.

Baka mahulog ako sa stage.

Kamusta naman ang positive thinking diba?

Eto pa ang eksena. Galing ng review center, punta agad ako ng school. 2 pm ang meeting time eh. Sa kinamalas-malas naman, hindi kaya ng aircon ng fx ang init sa loob ng sasakyan. Tanghaling tapat at nakakulong ka ng isa’t kalahating oras sa loob ng mala-pugong fx. Tunaw pati buto mo sa init. Dagdagan mo pa ng ultra traffic along Sucat Road. Gudlak kuya.

Pagdating sa school, dali-daling nagbihis ako at nagstart ng practice. May konti pang palya. Ayaw ko ng palya. Pangit na ipanlaban ang may palya. I want it close to perfect, if not perfect.

Yun palang aming conductor ang may nanay na ooperahan. Tanghali ang start ng operation. Six na ng hapon, wala pa sa school. Eight ang competition.

Tension ang buong choir.

Kalma.

Ako muna conductor.

Eksenadora! Wahahahaha…

Hindi confident ang choir. May maling pitch, may lanta kumanta. Walang energy. Kaya hindi happy.

Biglang sumulpot si conductor.

Biglang lumiwanag ang mukha ng mga choir. 7 pm na. Isang pasada bago umalis.

Kanta. Isa kada pyesa.

In fairness, naglabasan ang energy at power ng mga boses naming lahat. Naglabasan ang mga students para makinig! Nakakakilabot daw ang performance. Wai! Wai! Wai!

So alis kami ng school at may God Bless kiss pa from a few.

Pagdating sa venue, tahimik ang lahat. Sisipat-sipat kung saan nagkukubli ang ibang mga contestants. Lahat ng nakatumpok, paghihinalaan baka espiya. May ganon talaga?

Madali naman makilala kung sino ang mga contestants eh. Mga nakacostume.

Speaking of, naging fashion show ang competition. Iba-iba ang costume. Merong simpleng-simple, merong magarbo, merong tinipid, merong hindi, merong pinatong lang, at merong kinarir ang Filipiniana. What is fashion statement? Eh papakabog ba naman ang PULSE? Shempre pinaghandaan din no? Kala nyo lang…

Mas naging kapansin-pansin na may mga kakilala ang conductor namin sa ibang mga choirs. Kita ko sa expression nya na “magagaling ang mga kalaban natin” dahil mga batikang mga koro ang mga kalaban namin. Pero shempre, high-spirited ang PULSE, believing to what the conductor told us.

“May Laban Tayo.”

When it was our turn to sing, sinabihan ko muna ang choir, “Ang mindset natin ay hindi matapos ang kanta. Let the notes and the blending of voices fill your hearts and soul. All for Mama Mary, Jesus Christ and PATTS!”

May ganon talaga, wag na kumontra.

During our performance, according to some of the audience:

“First note pa lang, swabeng swabe na. Galing ng dynamics nyo!”

“Malinis yung pagkakakanta.”

“Angelic blending!”

(Oist, hindi biased yan!)

We won third sa competition, pero feeling champion kami. The performance averaged 93% sa final score. We are not expecting to land a place. But we all placed the best foot forward. For a neophyte in choral competitions, hindi na matatawaran ang third place.

After the competition, sobrang saya ng buong choir. May maipagmamalaki na kami sa school. Everyone went home with smiles in their lips and enlightenment in their souls.

For an alumni like me, hindi talaga mapapantayan ang feeling na minsan nanamang may achievement ang iniwanan kong choir. Here we are, strong, proud and united.

Nag-iwan pa ng isang tearjerking thought ang isang kasama namin.

“You made my last wearing of the PULSE costume so memorable.”

Yes, the night was so memorable.

I know this will open more opportunities for the choir to engage into bigger competitions.

Unti-unti, natutupad ang mga pangarap namin.

This memorable night is the start.

Weird, it all came from a single banner…


No comments: