Usapang adik ito…
Ang mga Pinoy talaga, certified adiks…
Adik sa mga artista.
Wag lang makita ng mukha na gabi-gabi nilang nakikita sa tv, ayun, magsisisigaw sa kilig. Pag-uwi niyan ng bahay, siguradong ipagngangalandakan sa buong barangay na nakakita ng artista. Shempre, inggit-inggitan ng mga neighborhoods.
Pero ang hindi natin alam, mga empleyado rin ng isang kumanya ang isang artista. Ang kanilang trabaho; makita sa tv at magadvertise. Gamitin ang kanilang talento sa pag-arte, pagkanta, pagpapacute at pagpoproject. Ang pagkakaiba lang sa atin, lagi silang nakikita. Or perhaps, hinahabol para makita. Kaya lahat sa kanila, alam ng madla. Kamusta naman ang privacy diba?
Adik sa gimik.
Hindi naman masama na makipagbonding at makipagsosyalan kasama ang mga kafamily at kaberks (O sya, cge, kasama na kapuso!). Punta ng mall, stroll the baywalk, barhopping sa Malate or
Adik sa Pasko.
Ay oo naman! Kamusta naman ang mga Pinoy kung magcelebrate ng Pasko? Actually, may mga phases pa yan. Pre-Christmas season from September to November. Christmas season ang December. Post-Christmas season naman from January to February. Imagine, KALAHATING taon ang Pasko sa Pinas! Basta daw pumasok na ang mga –ber months sa ating calendar, Pasko na daw. Kanina nga, habang naglalakad ako sa Quiapo, among the numerous stalls ng mga vcd’s and dvd’s na nagkokontest kung sino ang unang magpoprodude ng binging customer or bypasser, isang stall ang bentang benta dahil umaalingawngaw na ang Christmas album ng Sexbomb sa kanilang ultra mega component este vcd player pala na nakakabit sa gaplangganang speaker. In fairness, wais na ang mga Pinoy. Early Christmas music shopping spree ito. Avoid rush nga naman. Hahahaha. Mapapabuntong hininga ka na lang at sasabihing, “Hayz, Pasko nanaman.”
Marami nanamang ninong at ninang ang mahoholdap ng mga inaanak.
Marami nanamang magpipilit mangaroling kahit naghihimagsik na ang kanta sa lalamunan dahil wala sa tono.
Marami nanamang susulpot na kantang Pampasko, from revivals to originals. At yung mga revival, pipiliting gawing pop para lang maging in. Kainis!
Marami nanamang magpupumilit gumising ng umaga para magsimbang gabi kahit na silay lang sa crush ang pakay sa simabahan.
Marami nanamang bahay, lansangan at mga establishments na magkakakulay dahil sa mga decors na nakasabit. High-tech na ngayon, wala nang de papel at kawayan. Bakal, plastic at de ilaw na ang in.
Marami nanamang isusugod sa hospital dahil naputulan dahil nagpaputok nung bagong taon, kahit na isang buong oras pa ang tv ad na “Bawal magpaputok”.
Marami nanamang mabebentang crepe paper na green, violet, pink at gold ribbon at kandila, panggawa ng Advent Wreath ng mga students ng catholic schools.
Adik sa pagkanta.
Pumunta ka sa isang lugar na may videoke, ewan ko na lang talaga. Mahilig talaga kumanta ang mga Pinoy, kahit na nagkandapiyok-piyok at masamhid na kakakanta, ayos lang. Minsan, nagiging hazard to health and safety pa ang pagkanta. Binaril dahil sintunado kumanta ng “My Way”. Pumutok ang dede dahil pilit binirit ang “Better Days”. Kaloka.
Kung hindi ka naman singer at music lover ka, tiyak meron kang mp3 player. Maghahanap ka ng paraan para makabili nyan. Kahit maliit lang ang storage. Hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi mo naririnig ang favorite song mo. Bahagi na ng buhay mo yan.
Kung adik ka sa radio makinig, malamang sa hindi, pati DJ ng station na pinakikinggan mo, kinaaadikan mo na rin. Balahura’s balasubas ka na rin in your own way. Wahahahaha guess my favorite station…
Kung may gift ka naman talaga, malaman sa hindi, naging member ka na ng choir or naging contestant sa iba’t ibang singing contest. Amateur or Professional man yan, nakaranas ka na. Di ba?
Adik makipagcommunicate.
Text.
The
Nagkalat na ang iba-ibang uri ng text. May beneficial, may divine intervention chuva, may pampainit ng ulo. Eto ang ilan.
Matino:
Anak, magsaing ka na.
Nang-gugudtaym:
Four truths:
One. Your tongue cannot reach all your teeth.
Two. You will try it.
Three. You laugh at your stupidity.
Four. You will pass this text to make other victims.
Pa-cute
Minsan,
Tumayo ako sa harap ng pinto ng bahay namin.
Ayun,
Nauso ang Boy Next Door
Sweet Pasarings.
The thread asked the candle,
“Why do you dissolve when I burn?”
The candle said, “You’re in my heart, and if you suffer I’m bound to shed tears for you.”
That’s friendship.
Quotable Quotes:
Quotes from Smallville:
“You cannot save someone who doesn’t want to be saved.
Irony:
“The one you love the most is the one who can hurt you the worst.”
Greetings:
“The King of Kings, born on the most humble of places.”
-the magi Melchor of the Nativity Story.
Be reminded that Christmas is not what you receive, but on what we share from the heart. May God bless you and your family on this blessed season.
Unlitext survey:
Kung ako ay hahalikan mo, saang parte ka hahalik?
Pisngi
Tenga
Noo
Lips
Leeg
I’ll reply the meaning!
Jokes (na kung minsan ultra corny na wish mong ibalik sa sender)
Anong hayop ang walang gilagid?
Lang-gum
Electronic mail
From text, mapunta naman tayo sa email. Karaniwan kasi sa mga programs sa internet, nanghihingi na ng email address. Kaya ang kawawang net user, kailangan gumawa ng email accounts. Pero may mga adik talaga, especially ang mga mahilig sa online games na sandamakmak ang email accounts, para lang makagawa ng maraming accounts. Kahit na hindi na namemaintain ang email. I myself, have two emails. Yung isa, naaayos ko pa. updated. Yung isa, hindi na. Kaya nung magbukas ako last time, 1600 messages unread. Kamusta naman…
Hindi naman shempre pababayaan ng mga network companies ang mga user nila. Habang tumatagal, lalong nagiging comprehensive at state-of-the art ang mga interface ang features ng mga emails ngayon. Kaya nang ihiwalay ang mga susceptible virus emails sa mga matitino. Teknolohiya talaga. Kasabay ng mga adik magbago.
In fairness naman sa mga Pinoy, kahit na anong adik yan, makikita mo talagang dedicated yan sa mga ginagawa, for whatever reason we may never know. Kinakarir ba bumbaga.
Kaya ang Pinoy, one of a kind pa rin. Adik kasi eh.
Wahehehehehe
No comments:
Post a Comment