Wow, angtagal na ring walang update itong blog, marami lang talagang naganap sa buhay ko, parang napakabilis ng mga araw, napakabilis din ng mga pangyayari.
Parang kailan lang eh malungkot at sawi ako, ngayon naman ang haba ng hair ko...
Parang kailan lang eh kaibigan ko sya, eh dahil mag higit pa sa kaibigan ang gusto nya sa akin at hindi ko maibigay ang gusto nya, ayun, para lang kaming hindi magkilala sa opisina...
Parang kailan lang ay Team Hydra ako, naging Team Shohoku na...
Parang kailan lang ay Paskong Masaya, ngayon nama'y Paskong Walang Hanggang...
Parang kailan lang, umiibig ako sa isang kalbo, ngayon nama'y iniibig din ako ng isang kalbo, at wala akong balak na pakawalan sya...
Parang kailan lang, humahanga ako sa Madz, ngayon nama'y isang dating Madz ang umiibig sa akin, awww...
Parang kailan lang, 18 oras lang ang itinatagal katawan ko na walang tulog, ngayon 36 oras na...
Parang kailan lang, nasa Makati ako, ngayon nasa Libis na...
Parang kailan lang, sampung channel lang alam ng tv namin, ngayon mahigit limampu na, keybol na eh...
Andaming nangyari, andaming kaganapan, mabuti na lang at may isang katulad mo na dumaan sa buhay ko, kahit na napakabilis ng oras, dagling humihinto sa isang sulyap ng ngiti sa iyong labi, naghahatid sa akin na kaligayahang hindi man kayang ibalik ng oras na lumipas, hindi naman mabubura sa aking ala-ala. Hindi kayang ipagpasalamat ang ligayang dulot ng pagdating mo, may bagong direksyon ang buhay kong sali-saliwa, may kahulugan ang bawat sandaling tinatamasa ko ang pag-ibig mo, at muling napatunayang mahal ako ng Diyos dahil isang katulad mo ang umiibig sa abang katulad ko...

No comments:
Post a Comment