Tapos na ang shift...
Nasa lobby ako ng opisina...
Kaharap ko'y tatlong elevators at sa likod ay tatlo din, panik-panaog; umiilaw ang mga panurong pababa at pataas, senyales na may lalabas, lilingain ko bawat lalabas at papasok...
Ilang tao na ang nakapasok at labas ng opisina, andun pa rin ako, matamang naghihintay sa iyo...
May hinihintay ako, pero wala ka naman...
Parang tanga lang... parang gago lang...
Eh ano magagawa ko, eh minsan lang kita makikita??
Magkaiba tayo ng shift, ibang program...
Kilala ba kita, o hindi kaya'y kilala mo ako??
Alam mo ba na nagkakanito ako dahil sa iyo??
Eh sa paningin lang tayo nagkakasalubong...
Tingin na waring nagpapatigil sa mundo kong hilo na sa pag-inog...
Ang mga ninakaw na tinging hindi ko malimutan hanggang paghimbing...
Eto, parang gago lang, naghihintay sa iyo...
Umaasang kapag nakita lang kita'y buo na ang araw ko...
Parang awa mo na, isang sulyap lang...
Kahit magmukha akong tanga'y wala akong pakialam...
Kahit saglit lang...
No comments:
Post a Comment