8.09.2008

Ang Kyubikel


Ang buhay sa kolsenter, lahat dapat ipinapaalam. Lalo na sa lagay namin na mga kustomer ang tumatawag. Mahalaga ang bawat oras, bawat minuto, bawat segundo. Hindi ka basta pwedeng tumayo sa upuan at mag-alis ng headset. Maaring isang iritadong Kano ang tumawag at walang sumagot sa kabilang linya, patay kang bata ka...

"What the hell is wrong with you people? I've been waiting on the line since God knows when then it will took you long to answer the phone?? You assholes, bitches, motherfuckers.... Your company is like ... the hell with you all people from (pangalan ng company)!!!"

Kaya maging pag-ihi, pagtae, pagyosibreak, paglunch, kailangan rehistrado sa teleponong gamit namin (in fairness naman, haytek ang telepono sa opisina) para walang makapasok na tawag. Bago irehistro, kailangang ipaalam muna sa mga kinauukulan. Ang mga kinauukulan na ang bahalang magapprove (imagine kailangan pa iapprove!?) para marehistro ang telepono sa istasyon ko nang hindi mapasukan ng tawag. Siyempre, ang mga breaks at lunch eh hindi na kailangan ipaalam, nasa schedule kasi yan, pero kung tawag ng kalikasan, nako, malas mo lang kapag may kausap ka at sumiklab ang himagsikan sa tiyan mo...

"Sir, to be able to assist... ahm... to assist you, uuuuhhhh, I may ummm, need to uhhh..."
"Are you alright, son?"
"Uhhh... yes, sir, (phoooot!) perfectly fine sir, just having some ahh... technical issues here."
"Oi, sino ba yang umutot? Ambaboy naman oh!"
"(Habang nakamute si agent) Sorry, hindi na kaya, umiikot na talaga tiyan ko!"
"I-tae mo na yan dude!"
"Call the PAC (yan ang tinatawag namin para makapag biobreak), kesa magsabog ka ng lagim dito sa floor!!"
"Hello sir, I may need to call you back, do you have any call back number where I can reach you in about uhm... 15 minutes?
...Thank you sir, kindly wait for my call. You have a great day!"

Toot...
"Hello, may I have a biobreak?"
"Go ahead..."

Nagmamadali kong nilakad ang malamig na opisina para magtungo sa palikuran. Medyo may kalayuan ito, kaya pabilisan ito ng paglakad.

Pagpasok ko ng palikuran, isang bagay lang ang aking inapuhap. Isang tabo. Puro lang kasi tissue ang nakaambang upang maglinis na iyong pinagbugahan. At hindi-hindi ko ninais na tumayo ng inidoro na punas-punas lang ang katapat. KADIRI...
Aleluya! Naiwang bukas ang utility room ng palikuran. Pagbukas ng pintuan, isang malaking pulang tabo ang nasa maliit na lababo.
Ayos na to...
Pinuno ko ng tubig ang tabo at tsaka ako pumasok sa cubicle.
Maghuhubo pa lang ako ng karsonsilyo (*%^&$% tinagalog talaga hahahahaha), nang narinig kong bumukas ang pinto ng palikuran.
Dyahe naman 'to...
Hinubad ko muna ang jacket ko at sinampay sa may pintuan ng cubicle. Para lang malaman ng mga papasok sa palikuran na may naglalabas ng grasya.
Sinama talaga ang tyempo ko. Pagkaupong-pagkaupo ko sa inidoro...
Prhoooot.... Poooot... at umalingasaw ang hindi karapat-dapat.
Ay p*&^! Deadma na yan... Kailangan na syang mailabas...
Nagulat ako at sa kabilang cubicle ay may pumasok din. Mula sa anino mula sa awang ng mga cubicle, umupo rin sya sa inidoro.
Taray may kaduet ako sa cr.

At maya maya nga...
Phoot... prruuuuuttt... Phooophooott...
Pero mas malala ito...

Uuuuhhh... Oooohhhh.... Shit... Aaaahhhh
Tila umurong ang sikmura ko sa pagpigil ko ng tawa. Alangan akong magpigil kase baka sa ibang butas lumabas ang tawa ko. Mas pangit ang tunog. Nakisabay na lang ako sa saliw ng aming musika.
Phoot... krruuut... prrruuuuttttt....
Pero panalo talaga si kuya, pati bibig may tunog.
Oooohhhh.... Uhhhh...
Nagtakip na lang ako ng bibig para hindi nya marinig na tumatawa na talaga ako. Nauunawaan ko ang sarap ng pakiramdam na makapaglabas ng sama ng loob, pero kung makapagdiwang si kuya eh talaga namang katawa-tawa. Naramdaman kong wala na akong mailalabas kaya dali-dali kong kunuha ang tabong may lamang tubig at naghugas. Pagdaka'y nagflush ako ng inidoro upang maibsan ang mga hindi kanais-nais dito. Palabas na ako ng cubicle nang...
"Pre, pahiram naman ng tabo, palagyan na rin ng tubig..."
"Ah, oo sige.."
Phooot... kkrrrrrooookkk....
Ahhhhh....
Nilagyan ko ulit ng tubig galing sa gripo ang tabo at iniabot kay kuya..
"Eto na pre, sarap ng ungol mo diyan ah."
"Honga eh, sarap.."
Dali dali akong lumabas sa cr, sinara ang pinto at tumawa ng malakas.
Naglalakad ako pabalik ng stasyon na nakangisi. Hindi ko makalimutan si kuya, taga opisina man siya o hindi, hinding hindi ko makakalimutan ang mga pangyayari sa palikuran...
Pagupo ko sa aking istasyon...
"O, success ba friend?"
"Naman, ate, success..."
Nang makaupo ako sa stasyon, isang mapait na katotohanan ang bumulaga sa akin...
Lintek kasi si kuya, pinatawa kasi ako eh...
NAKALIMUTAN KO TULOY MAGHUAS NG KAMAY!!!!!!

No comments: