"Mahuli man at dumating... Late pa rin!""Kuya! Bakit hindi ka pa umaalis?"
Naghuhuramentado na ang big sis ko kaninang umaga. May mock board akong nakaschedule ng alas otso at alas siyete na, nasa bahay pa rin ako. Gudlak naman sa isang oras na biyahe mula Pasig hanggang Quiapo diba?
Lintek naman kasing alarm clock yan, may snooze pa kasi. Kung hindi ka naman matuksong humingi pa ng ten minutes extension diba? Buti na nga lang parang piyesta ang ringtone ng alarm, kaya pati bangkay magigising kapag tumunog. Bwahahaha.
"O, bakit ganyan ang suot mo? Sa FEATI ka ba talaga pupunta?" Tanong ni big sis pagbaba ko ng hagdan. Napansin pala niya ang suot ko.
Hindi naman kasi ako mahilig sa blue. Blue na polo. Blue na cargo shorts. Blue na sapatos. Blue na body bag. San ka pa?
"Bakit? Okey lang yan no. That's what I call fashion!" Dumepensa pa amputah.
"Exam ba talaga pupuntahan mo? O gigimik ka lang?"
"Haller?? Alas osto ng umaga, gimik? Sa prayer meeting pupunta?"
"Eh bakit ganyan suot mo? Japorms na japorms?"
"Wala lang, for good luck?"
"Good luck ka pa dyan. Hala, alis na, malelelate ka na."
"Oki, bye."
Hindi alam ni sis, may date pa ako mamayang gabi after ng exams. At kung sino ang ka date ni kuya?
Hmmm. Chikwet. Ahihihi. (Bakla, showbiz!)
Umaalingasaw ang pabango ko ng lumabas ako ng bahay. Todo chin-up pa si gago habang naglalakad. Angas ng porma eh. Heartthrob look ba. (Ano daaaaaaaaw???)
Sa may hindi kalayuan, may pila ng traysikel. Andun si papa. Perfect! Dun ako sa traysikel namin sasakay para libre! Weee!
Pag-angkas ko ng traysikel...
RRRIIIIIIIIIIPPPPPPP!!
Parang may napunit sa pwetan ko!
Pero huli na para kapain ko. Nasa loob na ako ng traysikel. Hindi ako makagalaw. Masikip ang loob ng sasakyan, at umandar na ang traysikel.
"Kumain na?" Si papa, habang nagmamaneho.
"Opo."
"Si ate mo, gising na?"
"Gising na."
"Kumain?"
"Kumakain ng umalis ako."
"Anong oras ka nanaman uuwi mamaya?"
"Gagabihin ako mamaya, pa."
"San ka ba pupunta?"
"May mock exam ako mamaya."
"Galingan mo, huh, kapag hindi ka pumasa buntal ka sa akin."
"Ipapasa natin yan."
Hindi ako mapalagay dahil sa tumunog na napunit na yun. Parang hindi talaga maganda pakiramdam ko dun.
Pagdating sa kanto...
"Sige pa, alis na ako." Sabay baba ng traksikel.
Pagtalikod ko...
"Anak, may butas short mo!"
...
Kapa...
...
...
Waaaaaah!!! Butas nga short ko!!!!
Dali-dali akong bumalik sa traysikel.
"Pa, ibalik mo ako sa bahay, dali, nabutas short ko!!!"
"Hahaha!"
Biglang nagtinginan lahat ng tao sa kanto sa amin ni papa. Kainis, humagalpak pa kasi ng tawa.
Alangang maiyak ako dahil sa pagkapahiya. Maisip ko lang na kitang-kita ng ibang pasahero ng traysikel ang pagkapunit ng short ko, gusto ko nang magevaporate. Grrrrr...
Mabuti na lang at malapit ang bahay sa pila ng traysikel kaya diretso ako sa bahay hinatid ni papa. Nagmamadali akong kumatok sa pinto. Wafakels (walang nang pakialam Roldan version)
na kung makita ng mga kapitbahay ang butas kong pwetan.
"Ate, buksan ang gate dali!"
Nagmamadali si ate pumunta sa gate.
"O, bakit bumalik ka pa, malelelate ka na." Tanong ni ate habang nagmamadaling magbukas ng gate.
"Nabutas short ko eh."
"Ano, bakit?"
"Nabutas sa traysikel pagsakay ko. Buti kay papa ako nakasakay."
"Ano ba yan kuya. Ahahahahaha! Buti hindi nila nakita brief mo."
"Wala silang makikitang brief, no?"
"Wala kang brief??"
"Sira! Nakaboxer shorts ako!"
"Ahahahaha nakakahiya ka kuya."
Dali-dali akong umakyat at nagpalit ng pang-ibaba. Buti na lang may matinong pants akong nakita pero blue pa ren. Wala nang plantsa-plantsa, nagmamadali na eh. Bahala na, lintek yan.
Nagmamadali akong umalis ng bahay pagkatapos magpalit.
Kainis, nasayang ang porma at libre sa pamasahe, said ang pogi (?) points ko sa nabutas na short at LATE na ako sa exam!!!
Halos paliparin ako ang FX, MRT at LRT makarating lang sa FEATI ng mabilis. Kamusta naman, seven-thirty na. Wala nang malu-maluwag. Makisiksik kung makasiksik na. Wag lang ako mahipuan sa tren. Pucha, magkakamatayan tayo. (MATON?!)
Quarter to nine na nang makababa ako sa Carriedo Station ng LRT. Nanakbo akong binagtas ang daan papunta ng FEATI. Buti malapit na lang.
Pagdating ko sa gate...
"Sir, saan po sila?" tanong ng lady guard.
"Ma'am, sa aero review po."
"Meron pa bang review ngayon?" tanong ng lady sa guard dun sa isa pang guard.
Bakit hindi nila alam... NAKOOO... Don't tell me...
"Iradyo ko lang sir huh."
"Ma'am, may mock board kami ngayon."
Tumunog ang radyo ng guard.
"Sir, punta daw muna kayo sa Aero Department."
Teka, parang may mali talaga...
"Sige ma'am. Thank you po."
Pinuntahan ko muna yung dating testing center.
Walang tao...
Nggggrrr...
Punta ako sa Department Office ng Aero Eng'g.
Malayo pa lang, sinalubong na ako ni Sir Randy, isa sa mga instructor ko sa review.
"O, Boone, hindi mo natanggap yung text?"
"Sir, sira po cellphone ko ngayon eh. Ano yun?"
"Wala tayong mock board ngayon..."
...
...
...
Waaaaaaaahhhhhhh!!!!!!!
1 comment:
Ha ha ha ha ... Natawa talaga ako sa experiences mo.
Post a Comment