11.17.2007

The World Needs Villains, Not Superheroes!

"It's better to cheat that to repeat!"
- student na pitong taon na sa highschool


Wala pa ata akong naencounter na relationship, mapa-platonic or erotic o kung ano pa man -ic yan na hindi nagkaroon ng misunderstanding. May kilala ka bang mag-anak na hindi nag-away ni minsan, o magboyfriend na hindi nagkatampuhan ever or isang boss na hindi nagalit sa secretary o kaya eh magbiyenan na hindi nagkagalit o kaya naman eh isang taong hindi nagkasala sa Diyos?

Kahit sa mga napapanood natin sa tv or sa movies, basta may relationship na involved, siguradong may sigalot sa latter part ng story. Ikaw, may napanood ka na ba movie or series na in good terms ang relationship from start to finish? May napanood ka na ba kahit na ano na walang naging problema ang bida o naging conflict ang story?

Uuy, nag-isip.

Shempre, wala.

Naisip ko lang...

Siguro nga it pays off to do bad things.
Its good to cheat once in a while.
Life is worthwhile when you do stupid things at times.

Oops, huwag muna tataas ang kilay. May naisip lang ako.

Napansin ko kasi, what makes everything spicy is the arguments and the misunderstandings. Mas malalaman mong talagang mahal mo ang isang tao dahil nagagalit ka sa mga maling ginawa niya, at hindi sa kanya bilang tao. Hindi nating malalaman kung gaano kahalaga ang isang bagay hangga't hindi ito nawawala. Hindi natin malalaman na mali ang ginagawa natin hangga't hindi tayo napapahamak o nawawala sa landas. Hindi natin makikita ang ibang mga ideyalismo kung hindi tayo makikipagtalo. Hindi tayo makakatuklas ng mga bagong bagay kung hindi tayo magkakamali. Hindi natin malilinang ang ating galing kung hindi tayo manggagaya sa iba. Hindi natin malalaman na mahal tayo ng isang tao kung hindi natin pagseselosin (Ooops, stop me!) Hindi natin malalaman kung mahal tayo ng mga magulang natin kung hindi tayo pinagagalitan. In short, mas may kabuluhan ang buhay dahil sa mga maling gawain at mga tae-taeng desisyon.

Kaya kung sa tingin mo eh boring na ang buhay mo at malapit ka nang maging santo dahil wala kang ginawang mali, try mo kayang magpasaway?? Kahit minsan lang...

Maraming ways para magpasaway huh, let me name a few.

1. Lumabag ka sa batas. Kahit anong batas yan, basta alam mo ang parusa at kayang mong pangatawanan ok lang. Go!
2. Gumawa ka ng kasalanan. Basta ba ask for forgiveness after.
3. Break those promises. Kaya nga may promise para ma break diba wahahahaha!
4. Kung may bf/gf ka, have a third party. Go to hookups. Be unfaithful!
5. Don't follow those orders, kahit kanino pang herodes galing yan.
6. Be insensitive. Kahit nagkakagiyera na sa mundo... So what??
7. Do something you like in an obscene amount; Kumain ng isang banyerang pagkain, uminom ng isang drum na tubig, huwag matulog ng sampung taon...
8. Try to be late in anything. Deadlines, time-ins, meetings. Manira ka ng schedule!
9. Be selfish! Magdamot ka hangga't gusto mo!
10. Learn to stand out other than going in the flow. Papansin ka ba ng konti.

Ayan, sampu yan, mamili ka na lang, nang magkakulay naman ang boring mong talambuhay.

Hindi ko naman sinabi na do it regularly huh. Adik ka na kung ganon.

Its not that I'm encouraging everyone to be bad. Sometimes, we need to balance our lives. Yin yang ba. At least, pagdating ng araw, no regrets, kasi nagawa mo lahat ng bagay, tama man o mali. Hindi mo masasabing nasayang ang buhay mo. Hindi nasayang ang oras mo kakasira ng araw ng iba o ang pagcontribute mo sa pagkagunaw ng mundo, kundi dahil sa mga kagaguhang ginawa mo, higit mong makikilala ang mga tao who will be there for you, those who will have you both at your worst and at your best (teka, familiar ang line...) and above all, makikilala mo ang sarili mo. Malalaman mo kung ano ang kaya mong gawin at kung ano ang magagawa mo para sa iba and to make this world a great and worthwhile place to stay.

Amen.

No comments: