Barely three weeks from now, its the Aeronautical Engineering Licensure Examinations. Six subjects in three days and a life to change in the future is just ahead. Ito na ang katuparan at kaganapan ng mga pangarap na binuo ng dalawampu't dalawang taon at pinagpaguran ng limang taon sa College.
Its more than just a challenge; its a life-changing event. From a lowly student to a promising professional na ang transition. A license to handle and a responsibility to shoulder, ika nga.
Hindi na biro ang review ngayon. Kung dati eh ok lang petiks-petiks, ngayon hindi na. Lahat dapat nang ipagsunog ng kilay. Para bang isang bagay na hindi mo alam eh isang tinik na nakabaon sa dibdib. Isang bagay na hindi mo maintindihan ay isang puntos na nawala sa exam. Kailangan extra effort at perseverance. Ito na lang kasi ang gift ko to my late mom, celebrating her 54th birthday supposedly today, but she passed away six years ago. All for you, ma!
Kailangan ng DISIPLINA. Bawal magsayang ng oras. Bawal maglakwatsa. Bawal ang gimik. Bawal ang textmate. Bawal ang jowa. Bawal ang bisyo. Maraming bawal. Aba'y dapat lang no!
Eh dahil adik ako magsulat ngayon, sasaglit muna ako sa blog ko para magpost. Konting sulat lang for my readers. Sandali lang naman. May konek naman itong isusulat ko. Ginawa ko kayo ng list nga mga bagay na nararanasan ng isang magboboard exam. Payagan nyo na ako magsulat bago magreview. Please!? Yehey! Here, enjoy!
Narito ang ilang bagay na alam kong senyales na malapit ang board exam.
1. Nagkukumahog kang mag-ayos ng requirements; TOR, Birth Certificate sa NSO, Cedula galing sa munisipyo AT ang pagpila sa PRC ahahahaha.
2. Walang kang gana magTV, maginternet, magDotA. Walang reply-reply sa text hanggat' hindi updated sa review.
3. Hindi ka makatulog ng maayos hangga't may nakalimutan kang term or equation o kung makakatulog ka naman, pati panaginip mo, puro terms at equations. (Putragis yan!)
4. Magsisimba sa St. Jude isang Huwebes at magpapabasbas ng lahat ng gagamitin sa board (calcu, lapis, ballpen, pati underwear na isusuot.)
5. Santambak ang materials mo, kahit hindi naman lahat nababasa. (Aminin!)
6. Makulay ang books na nababasa mo sa dami ng highlighter na gamit. Pasakitan ng mata ito sa neon colors. Pink, blue, neon green, yellow, orange. Name it, may ganyan kang highlighter. Tasado na rin pati lapis na gagamitin mo.
7. Maghahanap ka ng kasama magreview. Share materials ba kumbaga. Magugulat ka na lang, mas alam ka na hindi nila alam at may alam sila na hindi mo alam.
8. Hindi mo namamalayan, you skip meals, skip sleeping time, skip the favorite tv shows, skip texts ng bf/gf mo. Puro skip. Skip ng ina yan oh.
9. Nagbibilang ka ng araw before the exams at papapalnuhin mong magising ng 4:00 am para makarating sa testing center ng 6:30 am.
10. Kung medyo desperate measures na, susugod ka sa botika; malay mo, makuha kang model ng Gluthaphos at Memoplus ahihihi.
=====================
O sya, sya, magrereview na!
2 comments:
aeronautical engineering
my dream course...
tsk tsk...
because of financial factors, napunta ako sa electronics engineering..
;)
Believe it or not, baka mas mahal pa EE sa AeE. Flying lang ang mahal, but not AeE per se.
Thanks for passing the blog!
Post a Comment